Skye's POV
*krrrrrriiiiiiiiiiiing!*
(~O~)zzz
Ang ingay naman.
*krrrrrriiiiiiiiiiiing!*
Arrggh. Umagang-umaga nabubulabog beauty rest ko. Sino ba yun?
*krrrrrriiiiiiiiiiiing!*
Makakasapak na talaga ako!!! ISA PA HA. ISA NA LANG TALAGA! Wag na wag nila akong maistorbo sa pagtulog ko! Masakit pa naman ulo ko ngayon kasi di ako nakatulog ng maaga kagabi.
*weeewooh weeewooh!*
*clang clang clang* *bogoooosh!*
"Hoy Skye! Tumayo ka na nga diyan! Pag tayo na-late dahil sa kakuparan mo, bi--"
"ANO?! BIBIGWASAN MO AKO? HAAA?! ISTORBO KA EH! ALAM MO YUNG NATUTU--" Nanginig ako sa sobrang lamig ng tubig na binuhos sakin ng napakapangit kong kuya. Aaaarrrrrrgh! Grabe naman!
"Ano bang proble--"
"Maging considerate ka naman kahit minsan. Alam mo kasing may pasok kinabukasan pero nagpuyat ka pa. O ano? Tapos ngayon magagalit ka pag ginigising ka na? I'm not mad at you Skye. Ayoko lang ma-late tayong dalawa. Kaya kung pwede lang, tumayo ka na dyan at bumaba para kumain." He coldly said then left. Poker-faced as ever.
Natameme na lang ako sa sinabi niya. Ang weird naman ng lalaking yun. Bakit hindi na lang rin niya kasi ako sigawan diba? Dahil sa kanya napatunayan kong, "Actions speak louder than words". Bubuhusan niya ako ng napakalamig na tubig tapos sasabihin niya na di siya galit?
Napilitan tuloy akong tumayo para pumunta sa CR. Dahil sa pinagmamadali na ako, 30 minutes na lang ang nilaan kong oras para maligo. Tapos nagbihis na ako then bumaba para kumain ng breakfast na hinanda ni Nana Feli.
Naalala kong first day of school nga pala ngayon. I'm not excited nor nervous, normal lang pakiramdam ko. Ewan? Abnormal ata ako ngayong araw para di makaramdam ng sobrang kaba o sobrang excitement. Kasalanan kasi to ni kuya eh!
"Kapag di ka pa tapos dyan after 5 minutes, iiwanan na talaga kita." Sabi ni Kuya Bryle habang palabas na siya ng bahay namin. Inirapan ko na lang siya habang nakatalikod. Umagang-umaga kasi ang sungit-sungit.
Tinapos ko na lang yung kinakain ko ng di ngumunguya para di maiwan. Daig ko pa yung sumasali ng hotdog eating contest sa sobrang pagmamadali ko.
After kong ihanda yung gamit ko, kinuha ko yung dyaryo sa lamesa at lumabas ng bahay.
Tahimik lang ang biyahe namin. Kami kasi ni Kuya Bryle yung tipo ng tao na medyo tamad magbukas ng conversation kaya it will always turns out na wala na talagang magaganap na usapan between us.
I just enjoyed myself sa panunuod ng mga naggagandahang building sa labas. Mas may sense pa silang tingnan kesa sa kumag na nasa tabi ko.
-------
![](https://img.wattpad.com/cover/14088616-288-k796910.jpg)
BINABASA MO ANG
My Friend, My Brother, and Him (ON-GOING)
Teen FictionI can say that I'm really lucky with the life I have now. KAYA PLEASE LANG HA! Excuse lang sa mga mapaglarong nilalang na nagngangalang FATE at DESTINY, wag na kayong umepal!