Chaper 2

14 0 0
                                    

A/N: Dahil di ko kayo matiis, eto na ang second update koooo! :)) huehue.

-----

Skye's POV

Ngayon ko lang naramdaman ang panghihina nang makaupo na ako sa grassland ng school. A great way to start my schoolyear huh?

Di ko na napigilan at kusa nang tumulo ng malaya ang mga luha ko. I sighed. Memories came flashing on my mind that I immediately closed my eyes and winced at the pain that continuously stabbing my whole being.

FLASHBACK

"F***! Hindi kita kailangan sa buhay ko! Wag ka nang mangialam kase kaibigan lang kita! Hindi mo siya kilala kaya wala kang karapatang pagsalitaan siya ng ganyan! Wala kang alam saming dalawa ni Kristine!"

Ouch. Hindi ako makapagsalita sa sitwasyong ito. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at lungkot. I was taken aback dahil sa masasakit na salitang binitiwan niya pero I really want to help him. Kahit masakit, I want him to know that Kristine doesn't deserve him. She's a bitch for using Nathan! He needs to know and accept the truth hangga't maaga pa.

"Nakita ko nga sila. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin? You want proof na inaahas ka ng babaeng gusto mo at ng kaibigan mo?! Then fine! I'll give it to you."

Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko na naglalaman ng mga pictures at text messages ng bruhildang yon at ng taksil niyang kaibigan. I don't know why pero ayokong nakikita siyang ginagago sa likod niya. Nasasaktan ako.

I can see his knuckles turning white sa sobrang pagkakakuyom, "I don't need any! Just shut up and get out of my sight!" isa pang ouch. Ganun ba niya kamahal si Kristine para hindi maniwala sakin? Nakakaiyak.

"Sabihin mo nga sakin, mahal mo na ba ako? May gusto ka ba sakin kaya ka nagseselos ng ganyan? Ha? Ano?! Kaya mo ba kami gustong paghiwalayin?! Sagutin mo ko Alli!"

Nagulat ako sa biglaang tanong ni Nathan. Siya? Mahal ko higit pa sa isang kaibigan?

Naguguluhan ako. Bakit ko nga ba ginagawa ito? Bakit ba galit na galit ako kay Kristine? Oo, inagaw niya ang atensyon ni Nathan galing sakin pero hindi ni kahit kailan sumagi sa isip ko na pagseselosan ko ang relasyon nila dahil mahal ko si Nathan.

My Friend, My Brother, and Him (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon