Chapter 1: First Day

32 1 0
                                    

Nag-aayos ng gamit si Janella ngayon sa kanyang silid nang biglang pumasok ang kanyang kuya na si Rei, isang 4th year highschhol student sa C.S.A.

“Bunso, Ready kana ba?!” tanong ni Rei

“Kuya, wala tayo sa game show.” Sagot ni Janella

“Ah ganon ba? Haha, sorry.”

“Ano bang ginagawa mo dito ha? Basta basta kana lang pumapasok sa kwarto ko ng walang paalam. Hindi ka man lang kumakatok.”

“Kapatid mo naman ako kaya okay lang sakin ang pumasok ng walang paalam.”

“Eh, ano bang ginagawa mo dito ha?

“Edi papasok na tayo. 6:45 na kaya.”

“Ah okay. Sige tara.”

Palabas na sana ng bahay ang magkapatid nang biglang makita nila ang pinsang si Ivy Crisostomo.

“Insan!” sigaw ni Rei

kinawayan lamang sya nito at umalis agad.

“Loko yun ah! Di man lang bumati!”-Rei

“Kuya, tara na!” hinigit ni Janella ang braso ng kuya nya “Malelate na tayo!”-Janella

“Ay oo nga.”

Naglakad na papuntang eskwelahan sina Rei at Janella. Ang Crystal Stone Academy ay malapit lamang sa bahay nila kaya nilalakad lamang nila ito.

“Makipag kaibigan ka ha? Wag sa hindi.” Utos ni Rei sa kapatid

“oo, alam ko.” Sagot ni Janella

Nang makarating sila sa C.S.A ay dumiretso muna sila sa bulletin board para tingnan ang kanilang section.

“Ella, II-Topaz ka. Ako naman, IV-Emerald. Pareho tayong section I! Yes!” sigaw ni Rei

“Nangongopya ka kasi kaya ka naging section I.” sabi ni Janella

“Hoy! Anong nangongopya ka dyan?! Masipag na tong kuya mo.”

“Masipag? Masipag mangopya kamo?” binatukan sya ni Rei “A-aray”

“May sinasabi kaba?”

“Wa-wala. Wala akong sinasabi.”

“Akala ko may sinasabi ka eh.”

“Wala nga ak—“

“Ah excuse me, Can you please look for the name Dhainne Sevilla in the II year sections paper?”-boy 1

“Ah.. Sure.” Agad na hinanap ni Janella ang pangalan ng binata. “II-Topaz ang section mo.”

“Oh, Thank you. (^___^)”

“Y-Your welcome”

Agad na umalis ang binatang nagtatanong para pumunta sa nasabing section ni Janella.

“Mukhang transfer ang isang yun ah.”-Rei

“Oo nga kuya. Sige kuya, pupunta na ko sa room ko.”-Janella

“Sus, gusto mo lang ulit syang makita eh.” Binatukan nya si Rei. “ Hoy! Ano to?! Gantihan?!?"

“Oo! Sige bye!” tumakbo papalayo si Janella. “Pumunta kana rin sa room mo!”

Agad namang pumunta si Janella sa room nya. Pagpasok nya ay umupo sya sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Sa kanang bahagi nya ay kalapit nya ang isang babaeng nagbabasa ng Knock, Knock Jokes.

“Uso pa ba ang Knock knock Jokes ngayon? Ay ewan. Ano bang pakialam ko kung nagbabasa sya ng Knock Knock jokes? Pakielemera talaga ako. Haaay…” sabi ni Janella sa kanyang sarili

 Author’s Note:

Ayan! Chapter I is finish! Chapter II is next. Clue para sa chapter II, meron mga bagong characters na lalabas.

Stay Tuned For More Chapters…

-END OF CHAPTER-

HIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon