CHAPTER 9

14.2K 333 1
                                    

Author's note:

:) pavote na din para masaya.

****

Autumn's POV

Tanghali na nung narinig ko yung pagtawag ni Tita Yen mula sa baba.

Sabay kaming bumaba ni Peach.

Dun namin nakita kung sino yung kasama ni tita... si Sir Ran at isang babae na hula ko ay yung mama nila Red.

Nung nagtama yung mga mata namin nung babae ngumiti ito sakin.

Gumanti din ako ng ngiti dito.

"Hello Autumn.. I'm Mylva... Red's mom." Imbis na kamay ang ioffer, niyakap ako nito at pinagdampi yung mga pisngi namin. "You look good today... You don't look pregnant."

Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya nahihiyang ngumiti na lang ako dito.

Ang ineexpect ko, papagalitan nila ako dahil sa nagawa namin ng anak nito, pero she sound happy.

"Akala ko kay Ran ako unang magkakaapo, pero kay Red pa pala manggagaling ang una kong apo." Tuwang tuwang kwento pa nito. "Ano...Ready ka na?"

"O...opo." Matipid na sagot ko dito.

Nung hinarap ko si Tita hindi ko na napigilang umiyak at yakapin siya. "Tita... thank you sa lahat, sorry kung nasayang yung mga pag hihirap mo para mapag aral ako." Sabi ko dito sa pagitan ng mga hikbi.

Naramdaman kong gumanti ito ng yakap. "Magpakabait ka ha? Tsaka dapat lagi kang healthy para healthy din si baby." Nangangatal yung boses nito kaya alam kong umiiyak na din ito.

"Maam, pwede po ba akong dalawin ni Tita sa bahay niyo??" Tanong ko kay maam Mylva.

"Oo naman, kahit everyday pa..open na open ang bahay namin para sa kanya." Ngumiti ulit ito. "Sabi ko nga sa tita mo sa bahay na din siya tumira pero ayaw niya."

"Eh ako po? Pwede po ba akong dumalaw?" Singit ni Peach.

"Oo naman iha. Lahat ng malapit kay Autumn Open sa bahay... Sa ngayon.. sumama na lang muna kayo sa bahay para kumain. tsaka para alam niyo na din kung saan kami nakatira."

30 minutes din kaming bumiyahe bago makarating sa bahay nila.

Pagpasok ng sasakyan sa gate hindi ko naiwasang mapawow.

Ang laki at ang lawak ng tinitirhan nila.

Pati si Peach hindi naiwasang mamangha sa ganda at laki ng bahay nila.

Kaya naman pala malakas ang loob ni Maam na magpatira sa bahay nila, dahil sobra pa para sa pamilya nila yung mga kwarto doon sa laki ng bahay na iyon.

Pagdating namin sa living room nila... ang daming ballons, tapos may malaking banner na "Welcome to our FAMILY AUTUMN!!!"

Tumaba talaga yung puso ko sa pagtanggap ng pamilya nila sa akin.

Kung kanina kinakabahan ako kung pano ang pakikitungong gagawin ko, ngayon hindi ko na naiisip yon.

"Welcome to our family Autumn." Pagbati ulit ng maam Mylva sakin.

"Maam.. thank you po sa pagtanggap." Maluha luhang sabi ko dito.

"From now on, Mommy na ang itawag mo sa akin, ok??" Sabi nito.

Napangiti na lang ako saka pinunasan yung mata ko.

Hinanap ko kung nasa paligid si Red pero hindi ko siya nakita...

instead...

iba yung nakita ko...

Si Drei del Rosario.

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon