CHAPTER 17

14.7K 336 13
                                    

Author's note:

tsk tsk tsk. apektado pati yung update ko. ganito tuloy kinalabasan.

Read...

ayt VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE pa pala

Yen’s POV

“Ms. Romualdez, naidistribute na ba yung invitations para sa party?”

“Yes Sir.” Matamlay na sagot ko sa boss ko.

Akalain mo ba namang pati invitations para sa celebration ng naclose na deal sa ibang company sa akin din binigay.

“At siya nga pala…”

Gusto ko na sanang magmura nung nagsalita ulit siya.

May iuutos na naman ba siya!

“….Maaga tayong uuwi mamaya.”

“Talaga sir?” Sumigla agad ako pagkarinig doon.

“Dahil magshashopping tayo.”

Bumalik ulit sa pagiging matamlay yung mood ko. “Eh sir bakit kailangang kasama pa ako?”

“Dahil ikaw ang mamimili ng isusuot ni Autumn sa party. Baka mapagod kasi siya agad kapag siya ang isasama ko. Hindi ko naman maasahan yung kapatid ko sa pagiging responsible kung sila ni Autumn yung magsashopping.

At bilang secretary at tita ni Autumn..wala naman akong magagawa.

Kinahapunan nag utos na itong iligpit yung mga paper works para magshopping.

At kagaya nga ng setting sa sasakyan niya nung inihatid niya ako pauwi nung dinalaw ko si Tam…ang awkward ng feeling.

Nagpapanggap na lang ako na nagtetext kahit yung 222 lang naman yung katext ko.

Halos nakaya naming walang kibuan sa sasakyan hanggang makarating sa mall.

After niyang ipark yung kotse dumeretso agad kami sa isang sikat na boutique sa mall na yon.

“you choose Autumn’s dress. I’ll just go and find something for me.” Saka ito nagtungo sa men’s section.

Ang daming magagandang dress na sobrang mamahal din.

At dahil alam ko namang si Sir Ran yung magbabayad, hindi na ako nagdalawang isip na kuhain yung isang white na cute na balloon dress kahit may kamahalan.

Naisip ko kasing hindi magiging comfortable yung baby kung fitted hanggang sa tiyan yung dress na isusuot niya.

Gusto ko din sana yung isang black na maroon na dress para kay Tam kaso masyadong hapit sa katawan.

Pero ok lang din kung ako ang magsusuot nun kaso ang mahal mahal. Halos ganun na yung halaga ng sweldo ko.

Pero reasonable naman yung kamahalan.

Bukod sa may accessories ng kasama yon, may partner na din na shoes iyon.

“Ok na?” biglang sumulpot sa isang tabi si sir Ran.

“Yes sir. Eto na lang sir.” Tinuro ko sakanya yung dress, pero kinabahan ako nung kumunot yung noo niya.

“Yan lang?” Tanong nito.

“Ahhhhm ilan ba dapat sir?”

“Kumuha ka din ng gusto mong dress.” Biglang sabi nito.

Ang totoo gusto ko talaga bilhin yung dress kanina na nakita ko, kaso para na din akong binigyan ng sweldo ni Sir kung bibilhin niya yun.

“Naku sir ako na lang po ang bibili ng dress na gagamitin ko, kaya ko naman pong bumili..hindi nga lang dito.” Nahihiyang sabi ko.

“Then consider it as a bonus. Sige na.. pumili ka na ng gusto mong isuot. Isa pa, minsan lang naman yung party…kaya make yourself shine.”

18 years old PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon