Chapter 5 (Mr. Mahangin <3) 1 of 2

278 11 2
                                    

Mr. Mahangin's POV

Hi guys... :) Ako nga pala si _______________ A.K.A Mr. Mahangin.... Tanungin nyo na lng kay Ms. Magandang Author yung pangalan ko ;) ...

Dito nag-umpisa ang lahat... Minsan akong napadaan sa Lake Park, sa di inaasahang pagkakataong nakakita ako ng isang babae.... Siya yung tipo ng babaeng hindi mawala sa paningin ko... Kaya nung umalis na siya sinundan ko siya...

Sa kamalas-malas nga naman umulan -_- ... Nakayuko lang siya.... Ng biglang BEEEPP!!!! Isang kotse ang muntik makabunggo sa kanya... Buti na lang at ganun ko siya kabilis nahila.... 

Sa ganung kaliit na oras nakita ko ng malapitan yung mukha niya... An Angelic face.... 

"Miss ok ka lng?" tanong ko..

"Ah... O... Oo" sagot niya

Hindi ko alintana ang buhos ng ulan ang mahalaga sa akin nasagip ko siya...

"Alis na ko." sabi ko

"Wait lang kuya.... Basang-basa kana kung pwede dumaan  muna sa bahay para magpasalamat ako sayo." paanyaya niya

Hindi na sana ako sasama sa kanya pero...... Hindi ko matanggihan

Pagdating ko sa bahay nila agad siya pumunta sa kwarto.

"Eto o towel mapunas ka muna."sabi niya

"Salamat ^_^" sabi ko

Napansin kong namula siya pero hindi ko na lng ito pinansin. Pinunasan ko na lang yung katawan ko. Hinubad ko na rin yung t-shirt ko....

"Uhmmmm....Kuya dun po ang C.R malapit sa Dinning."sabi niya sabay abot sa damit.

"Thank you."simpleng sagot ko.

Pagkatapos kong magpalit umupo na ko sa sala.... Nagmasid-masid at nakita ko yung I.D niya nakapatong sa lamesa.... Aaliyah Samantha U. Garcia pala ang pangalan niya.....

Nakaupo lang ako ngayon sa sala Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.....

Paggising ko may kumot na nakatalukbong sakin... Pagtayo ko, agad kong inayos yung kumot at pumunta ako sa kusina para lutuan siya ng almusal at pagkatapos ay sinulatan ko siya... Sinadya kong iwan yung jacket ko... Kung sakaling magkikita pa kami.

*Bahay

"San ka nanggaling?" boses galing sa likod ko...

Si papa pala.

"Ahhh... Wala po galing lang po sa kaklase ko." pagpapaliwanag ko.

Muntik na ko dun...

Pumunta ako sa kwarto ko at sinearch ko sa FB si Samantha at nalaman kong bago lang pala siya dito sa Pilipinas. Ngayon lang ako nabaliw sa isang babae, pagkatapos ni Alex ngayon lang ulit ako naging ganito....

Na isipan kong dumaan sa Smith University...

*Smith University

Nakita ko si Samantha kasama ang isang lalaki...

Sinundan ko sila... Di ko alam pero para na kong Stalker sa ginagawa ko... Biglang tumigil yung kotse sa park. Parang nag-aaway sila...

Hindi na ko nagdalawang isip na puntahan siya...

"Bitawan mo siya pare... Nasasaktan siya." sabi ko.

"Sino ka ba ha!?"sabi nung lalaki.

"Kaibigan niya lang ako."sagot ko.

"Kaibigan?! Siya ba?! Siya ba Aaliyah?! Pinagpalit mo ako sa lalaking yan?!" sigaw ng lalaki.

"Tama na Justin! Kuya umalis kana."sabi ni Samantha

"Narinig mo siya?! Kaya umalis kana!?" sabi nung lalaki

Pinasok ko tong gulong to kaya di ako aalis at di ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya.

"Hindi dito lang ako." sagot ko.

"Aba'y ang tigas din ng ulo mo. Umalis kana!!!" sigaw ng lalaki habang tinututok kay Samantha yung kutsilyo. Nagtakbuhan lahat ng tao.

"Pare pwede natin tong pag-usapan... Ibaba mo na yan." pagpapaliwanag ko sa lalaki.

Bigla na lang niya akong sinugod... Sabi sa inyo eh dapat umurong na ko.... Buti na lang madaling patumbahin tong lalakeng to.

"Ok ka lang ba?"sabi ko kay Samantha.

"Si Justin!!! " sigaw ni Samantha. Kaya napatingin ako sa likod ko.

Hawak niya yung kutsilyo at papunta siya kay Samantha. Hinarang ko siya at ako yung nasaksak. Dami na nangyari sakin dahil sa kanya at ngayon nasaksak ako dahil sa kanya Ok lang sakin na ako yung masaktan kesa naman si Sam... Ganito na ba ako ka baliw kay Samantha?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's Note: Ang boring ng Chapter na 'to :3 Just keep reading :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Falling to a Stranger

All Rights Reserved.2014

@CuttieHunnie

Falling to a Stranger [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon