Sana suportahan niyo yung gawa ko. :)
---
"Darating din yung true love ko..."
Iyang linya na 'iyan ang madalas kong sabihin tuwing paggising ko. Hahaha.
Sikat ako sa school namin. Lagi akong pinagtitinginan. Kung minsan nga sumusobra na sila. Kulang nalang paggawan ako ng tarpaulin sa tuwing papasok ako sa school.
Iba ang dahilan kung bakit ako sumisikat sa school namin.
Pero sa totoo lang, cerified NBSB ang lola niyo eh! -_________-
Hindi naman ako pangit e, sumobra lang. 'Siguro noong nagpaulan ang Diyos ng kagandahan humihilik pa'ko.' Kaya eto ang resulta. :3
Ako si Zen Dy kasalukuyang 4th year highschool sa Willson Academy, isa sa pinaka-popular na eskwelan. Nagtataka kayo kung bakit doon ako nag-aaral?
Sa totoo lang mayaman kami. We have our own company in partnership with other international companies. Ayokong ipakita sa lahat kung ano ang totoong meron ako. Gusto ko yung Simple at Normal na buhay. Hindi yung pinagkakaguluhan.
Isa lang ang gusto ko talaga sa buhay ko, "Ang mahalin at tanggapin ako ng isang tao kung ano ako ngayon." Yung tipong hindi tumitingin sa panlabas na anyo.
---
Kasalukuyang papasok ako sa Willson Academy ng biglang nagsigawan ang mga estudyante. As usual, dahil nakikita nanaman nila ang pagmumukha ko. Nasanay na ako dun ^____^ ng biglang...
"Himala! ano kaya ang nakain ng mga yun at nilagpasan nila ako?" nagtatakang sabi ko.
Tumingin ako sa likuran ko at nakita si Jeno Buenaventura, ang pinaka-gwapo sa school. Kasama niya ang tatlo niyang kaibigan. Sina Kyle Smith, Sam Corpuz at si Nathan Zy.
Sila ang F4 ng Willson Academy.
Sa totoo lang, matagal ko ng hinahangaan ang isa sa kanila, Si Jeno. Lahat na kasi nasakanya na. Lalo kong hinahangaan ang pagiging good leader niya. Nakilala ko siya noong Freshman pa lang ako ng nakasama ko siya sa Project Citizen namin. Dun nagsimula ang lahat. Pero iba itong nararamdaman ko, 'Mahal ko na ata siya sa loob ng apat na taon,
at minamahal ko siya..
'Minamahal ng Palihim.'
Pero napaka-imposible na magustuhan niya ako. Sa itsura ko kumpara sa mga ibang babae dito sa school, dehado ako.
---
Nasa canteen ako ng biglang natabig ako ng isang lalaki. Dahilan para matapon ang juice na hawak ko sakanya.
"Ow! Di ka ba nag-iingat?!" sabi niya
"Pasensya na Je-- Jeno! Sorry talaga di ko---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang
"Ts.". umalis siya na walang expression sa mukha niya
Pagkaalis niya nagsimula na akong pagtinginan nung mga babae. Narinig ko pa yung sinabi nung iba.
"How dare you to do that to Jeno!"
"You nerdy girl!!"
"'Di namin palalampasin 'to!" etc.
"Poor ugly Bitch! Umalis ka na sa school na ito!"
At dahil sa pangyayaring yun napatakbo ako sa may playground. Di ko namalayan na tumutulo na yung luha sa mga mata ko. Ewan ko kung bakit ganoon na lang ang trato at tingin sakin ng mga tao.
Sobra na yung ginagawa nila, di nila alam kung sino talaga ako.
Eh kung ilabas ko na talaga ang tunay kong ako?
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Huwag mong sabihing nagpapa-apekto ka sa nangyari kanina?"
---
My first UD. :))
Vote+Comment= Update ^____^
BINABASA MO ANG
Nerdy Girl Meets Campus Heartthrob
RomansI hope magustuhan niyo yung story na ito :)