HERO! 3

10 0 0
                                    

♪♪♪♪♪

"Superweilder Suicide Girl! We meet again! Yey!!" Sigaw ko, at dahil siguro sa sobrang saya ay umamba akong yakapin ito. Pero bago pa man mangyari yun ay pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa buong mukha ko. Literal na buong mukha, grabe lang!

"Sorry but I don't know you Miss." sabi nito gamit ang malamig na boses nito. Bahagya nitong tinulak ang noo ko at bumitaw sa pagkakahawak sa mukha ko.

"Weh? Ang bilis mo namang makalimot. Kagabi lang tayo nagkakilala, well hindi siya literal na 'nagkakilala' since hindi ko naman alam yung pangalan mo kagabi at hindi ka rin nagpakilala kasi hindi ka lumingon no'ng tinawag kita. Pero I'm curious paano mo nagawa yun? Paano mo nalaman yung ginagawa no'ng nanay ng bata? Paano mo nagawang talunin yung monster na yun? Bakit parang umuusok yung kamay mo bago mo sinuntok yung monster? Paano nakakapag-regenerate yung kamay mo? Paano nakapag-emit ng fire yung sapak mo na nakasunog do'n sa poison fluid? Bakit ang lakas mo? Pwede mo ba akong maging apprentice? Pwede mo bang sabihin sa akin kung paano lumakas? Pwede ko bang malaman kung saan ka naka-----"

"Enough. You're asking too much question." Irritated na sabi nito.

"Oh, sorry. Na-excite lang kasi ako, ang lakas mo kasi. Idol!"

Nangunot ang noo nito pero hindi pa rin nagbabago yung expression niya, gano'n pa rin wala paring emotion.

"Collins and Ms. Vier you can talk to each other after my class. If you continue to make some noise again, I will punish you two. Understood?" Napangiwi ako ng marinig ko yung boses ni Mommy, nadagdagan na naman yung kaso ko. Punish, yun yung pinakatumatak sa isip ko sa sinabi ni Mommy na talaga namang nagdulot ng takot sa akin. Kapag kasi sinabi yun ni Mommy, katapusan ko na talaga kasi once na lumabag pa ako sa utos niya baka ma-grounded ako for a lifetime at ayoko no'n.

"Y-Yes Ma'am" sabi ko, si Zero hindi nagsalita at bumalik lang sa pagkaka-yuko sa desk.

Oh well, mamaya ko na lang siya i-interview-in pagkatapos ng klase.

I'm so excited to know her more!

♪♪♪♪♪

Saktong pagkatunog ng bell ay bumaling ako Zero. Napanganga na lang ako ng makita kong binuksan nito yung bintana. Yung bintana kasi dito sa room wala yung bakal na harang saka malaki, para siyang half size ng pinto, ganern.

"Uy, anong ginagawa mo?! Huwag ka dyan baka mahulog ka Zero!"

"I can handle." sabi nito at hinawi yung kurtina.

Hinawakan ko yung damit nito. "Huwag ka nga! Paano kung naging masama pagbagsak mo dyan, eh di napilayan ka pa. Saka, hello! Nasa fifth floor kaya tayo ng building baka pagtapak ng paa mo sa lupa deds ka na. Ang taas kaya nito."

"I said I can handle, didn't I? Tsk. Let go of my shirt." Iritadong sagot nito. Bakit ba ang kulit ng batang 'to?

"No. Kahit na alam kong sobrang lakas mo, hindi ibig sabihin no'n kaya mo ng talunin ang 5 storey building 'no. Suicide yun, Zero. Suicide!"

"You're so irritating. Let go, I need to rest."

"You can rest here. Wala namang nagbabawal sayong magpahinga dito. Promise hindi ako mag-iingay." sabi ko sabay taas ng kanang kamay.

"At last, you let go.." Nagulat na lang ako ng sumampa na 'to do'n sa may bintana, bangag ka talaga Xeandrei! Bakit yung kanang kamay mo pa yung itinaas mo, pwede namang yung kaliwa na lang pero hindi kapani-paniwala yung promise ko kung yung left hand ko yung ginamit ko. Teka bakit ko pa ba iniisip 'to? Mag-s-suicide na nga pala si Zero!

Napatayo ako at hinawakan ko ulit yung t-shirt nito. "Ano ka ba?! Gusto mo na bang ma-deds? Huwag muna madami pang nagmamahal sayo, may mga plano pa si Lord sayo. Higit sa lahat marami pang may kailangan sayo! Huwag ka munang pumunta sa liwanag!"

My Superhero Best friend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon