"I'm sorry Michael pero hindi pwede dahil kami na ni James... I'm so sorry" pagkasabi ko nun ay umalis na ako ng canteen.
--End of Jazlyn's POV--
--Michael's POV--
"I'm sorry Michael pero hindi pwede dahil kami na ni James... I'm so sorry" at umalis na sya papunta sa boyfriend nya
"I'm sorry Michael pero hindi pwede dahil kami na ni James... I'm so sorry"
"I'm sorry Michael pero hindi pwede dahil kami na ni James... I'm so sorry"
Nag-eecho yan sa utak ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na hindi nya pala ako mahal at meron na syang iba na si James. Si James lang naman itong gwapo pero babaero at hindi siniseryoso ang kanyang pag-aaral. Ano bang kulang saakin at hindi nya ako kayang mahalin?? Ginawa ko naman ang lahat ng makakakaya ko.
Bumagsak na lahat ng mga dala dala ko na para dapat sakanya yung mga flowers at mga balloons at namalayan ko nalang na may tumutulo na palang mga luha ko.
Lumabas na lamang ako papuntang gate mg school para makaalis na dito at nagmadali akong pumunta sa sasakyan ko at iniwan ang aking driver na nasa may tindahan. Hindi ko alam kung saan ako pupupunta pero nagmamaneho lang ako ng nagmamaneho ng mabilis.
Hanggang sa may nakita ako sa may side na may paparating palang truck at tumilapon ang aking sasakyan... then everything went black...
--End of Michael's POV--
--Jazlyn's POV--
Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon hanggang sa makita ko si James at niyakap at umiyak sakanya "Bakit ka umiiyak?" Tanong nya saakin
"Wala to' wag kang mag-alala, ayos lang ako" pagsisinungaling ko naman sakanya
"Hatid na kita sa room mo malapit na matapos break time nyo" sabi nya at tinignan ko ang aking relo malapit na nga magsimula ang klase. Hinawakan nya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa classroom ko at dahil hindi kami magkaklase pumunta na sya sa kanyang room.
Hindi pumasok si Michael sa mga natitirang subjects after nung nangyare kaninang break time ni anino lang nya hindi ko nakita. Dismissal time na at nagpasundo nalang ako sa driver ko dahil mukhang hindi ko makakasabay si Michael ngayon sa unang pagkakataon hindi sila ang maghahatid saakin.
Hanggang sa makarating sa bahay nakita kong paalis sila mommy at daddy na halatang alalang-alala. "Saan po kayo pupunta?" tanong ko sakanila
"Anak hindi mo ba alam na nasagasaan ng truck si Michael kanina" sagot naman nila saakin hindi ko namalayan na may tumutulo na palang mga luha ko
"Po?? Sasama po ako mommy gusto ko po syang makita" sabi ko nakanila habang may mga tumutulo paring mga luha ko
"Sige anak" at kaagad na kaming sumakay ng sasakyan papunta sa ospital kung nasaan si Michael
Nang makarating na kami sa ospital pumunta kaagad kami sa nurse station para magtanong kung anong room si Michael. Si mommy ang nagtanong at sya na rin ang naglead sa saan ng way.
Hanggang sa nakita ko si tita Michelle, ang mommy ni Michael kaagad ko namin syang pinuntahan at tinanong kung anong nangyare kay michael
"Tita ano pong nanngyare sakanya?" nag-aalalang tanong ko
"Nasagasaan sya ng truck kaya ngayon coma sya" naiiyak na sagot ni tita saakin
"Paano po nangyare yun?" at di makapaniwalang tanong ko kay tita
"Nung break time nyo daw bigla syang lumabas ng school nyo at kinuha ang sasakyan at umalis ng hindi kasama ang kanya driver at mabilis daw ang pagpapatakbo nya sa kanyang sasakyan kaya hindi nya napansin na may truck na papadaan kaya nasagasaan sya" pagsasagot ni tita sa tanong ko
"Pwede ko po ba syang puntahan?" tanong ko kay tita at tumango naman sya
Habang papalapit sakanya hindi ko mapigilang hindi maiyak hanggang sa makalapit na ako ng tuluyan sa kanya na nakahiga sa hospital bed "Ang daya mo naman Michael gumising ka na nga dyan. Sorry kung dahil saakin kaya ka nasagasaan. Sorry din kung hindi ko mabalik ang binibigay mo na pagmamahal saakin. Wag kang mag alala babawi ako sayo. Ako mag-aalaga sayo hanggang magising ka kaya gumising ka na dyan.
Quater to 9 na nandito parin ako sa tabi ni Michael at binabantayan sya nang biglang pumasok si mommy sa room."Nak uwi na tayo may pasok ka pa bukas. Balik nalang tayo" sabi nya
"Sige po" sagot ko kay mommy at humarap ulit kay Michael, "Michael babalik ako bukas ahh"sabi ko sakanya at umalis na
End of Chapter 3
---------------------------------------
Comment and vote!!
KamsaHaeyo!!!💕
BINABASA MO ANG
327 Days
FanfictionIs 327 days enough for a person to realize the person who love her 's worth?? Please support this story kahit na short story lang sya at taglish!! KamsaHaeyo!!😘💖