Aaaaaaah!! Bakit ba kasi ang bobo ka sa math? Bakit?? Parang gusto ko na lang magbigti habang maaga pa. Habang di pa napapamukha ng grado ko kung gano ako ka bobo sa math. Kelan ba ko patatahimikin ng math na to? Ba't ba kasi kelangan pa ng higher maths eh mabubuhay naman tayo kahit simpleng addition, subtraction, multiplication at division lang ang alam natin. Waaaah!!
"Hello babe." si Elle yan. Boyfriend ko. Kung gaano ako ka bobo sa math eh siya nama'ng talino niya dito. Oh well, di lang naman sa math matalino si Elle. University scholar eh. Malamang matalino kahit saang subject.
"Hello babe." parang walang gana ko'ng sagot sa kanya. Umupo siya sa tabi ko tsaka may inilabas siya sa bag niya.
"Hmmm. Parang di ata good mood ang girlfriend ko? Ano kaya makakapagsaya dito?" parang bata niyang sabi habang nakangiti'ng humarap sakin. "Kiss kaya?" Sinapak ko naman siya sa braso nang sabihin niya yon. Natawa lang siya. " Oh baka naman..." di patinuloy yung sasabihin. Ang rami talagang alam. May pabitin effect pa. Hinintay muna niya'ng tumingin ako sa kanya tsaka niya nilabas yung pagkain na nakapagpapagaan ng loob ko.
"Waaaah!! Chocolaaaaaate!!!" Sa sobrang tuwa ko eh hinalikan ko siya sa pisngi tsaka niyakap nang mahigpit. Tatawa-tawa lang siya.
"Sabi ko na nga ba yan lang makapagpapasaya sayon eh. Minsan nagseselos na ko sa tsokolate at ice cream kasi mukhang ma masaya ka pa sa kanila." pagdadrama nito.
"Eeeeeh. Nagdadrama si lalabs. Kahit naman napapasaya nila ako, ikaw naman mahal ko." sabi ko sa kanya habang nilalaro yung kamay niya. Natawa na naman siya. Minsan talaga iniisip ko na ginagawa lang ako'ng clown nito'ng lalaki'ng to eh. Palagi na lang ako'ng pinagtatawanan.
"I love you too babe." sabi niya saka dinampian ng halik yung palad ko. Para'ng gusto ko'ng tumili sa kilig. Pambihira. Nakainis kasi nagagawa niya ko'ng pakiligin sa mga simple'ng agay na ginagawa niya.
Naglalakad na kami pauwi habang nilalantakan ko yung chocolate na bigay niya nung tanungin niya ko kung bakit daw di maipinta yung mukha ko ng maabutan niya ko sa mushroom kanina.
"Ha? Aaah. Wala yun. Mood swing lang. Hehe. Salamat sa tsokolate babe ha. Ba't ka nga pala may tsokolate?" pag-iiba ko ng topic. Ayoko kasi'ng magreklamo sa kanya. May nabasa kasi ako'ng aklat na di daw gusto ng mga lalaki yung madaldal na babae lalo na pagpuro reklamo lang naman lumalabas sa bunganga.
"Sigurado ka'ng wala ka'ng problema?" tanong pa rin niya.
"Wala. Ano ka ba babe. Ano naman poproblemahin ko? Yung pinoproblema ko lang naman sa ngayon eh kung bakit may tsokolate ka? Di naman natin monthsary. Di ko din naman birthday. Pero bakit may chocolate ka?" pangangatwiran ko na lang para di na siya magalala. Siyempre tinawanan na naman ako. Pssssh.
"Wala lang. May pinabili kasi si kuya sakin sa mall kagabi tapos napadaan ako sa stall ng mga chocolates. Naalala kita kaya binilhan na kita."
"Yeeeeh!! Iniisip akooo. Natouch naman ako dun babe. Gusto mo ng kiss?" panlalambing ko sa kanya. Pinahaba ko pa yung nguso ko na para talaga'ng ikikiss ko siya. Alam niyo kung ano reaksyon niya? Edi tumawa. Sabagay, 1 year and 3 months na kami pero di ko pa siya kinikiss sa lips kaya alam niya'ng nagbibiro lang ako. Buti na lang gentleman boyfriend ko. Baka kung iba yun eh sinunggaban na ko. Haha. Feeler din noh?
"Tumigil ka diyan babe at baka di ako makapagpigil ikikiss na kita." nakangising saway niya sakin. Waaaah!! Namula ako dun. Awkward. Nahalata naman niya'ng nahiya ako kaya ayun, natawa na naman. "Ang cute mo talaga babe. Ang demure masyado. Joke lang. Di kita nanakawan ng halik. Hahaha. Gumaganda talaga mood ko kapag kasama kita." sabi niya tsaka inakbayan ako.
BINABASA MO ANG
Bagsak na PASADO:)
Short StoryKahit ilang singko pa yang natanggap mo basta may nagmamahal sayo. Okay lang yan. Haha