Chapter 1: The School
Umagang-umaga, pinapunta agad ako ni Mommy dito sa isang school na hindi ko man lang alam kung anong trip ng may-ari at napaka weird ng ipinangalan sa school. Sabi niya, dito ko nalang daw tapusin ang last two years ko sa senior high school.
"Ms. Jana Roselle Shen." nang tinawag na ang pangalan ko, tumayo na ako at pumasok na sa office ng principal, which is my mom's friend.
"Please be seated." sabi niya at naupo na ako sa upuan katapat ng lamesa niya. It is my first time to see her at mukhang ito rin ang unang beses na makita niya ako dahil ayon kay Mommy, madalang silang magkita dahil busy sa kanya-kanyang trabaho.
"Hmm. Beautiful." pagkasabi niya nun, may sinulat siya dun sa paper na hawak niya.
"Sexy.."
What is her problem? Ipinagtataka ko kung inggit ba siya saakin or trip niya lang ang kagandahan ko? My Mom's friends are really weird talaga. I have met some and ugh, they all act like they are teenagers!
"Are you a model, miss Jana?"
"Yes ma'am."
"Oh. So you're under World Entertainment"
What is this all about? Hindi naman ito modeling agency ah! Anong kinalaman ng World Entertainment dito?
"You passed. Welcome to Heartthrob Academy."
This is really weird. Hindi talaga siya yung actual interview like 'Why do you want to transfer in this school?' or 'What are your hobbies?'. Ano nanaman ba ang trip ni mommy at naisipan niyang i-transfer ako sa school na ito.
Halata yata sa mukha ko ang pagtataka kaya narinig ko ang pagtawa ng mahina ni Ms. Principal.
"Jana, hija. I can see that you have no idea about this school, am I right?" at tumango naman ako.
"Just call me Tita Vans", dugtong nito.
"Uh, Tita Vans, is being a model important to be accepted here?" tanong ko at tumango siya.
"Not just being a model, hija, but you also need to be talented. A student of Heartthrob Academy should be a singer, a dancer, can act, does modeling, or all of the above. Since all of the students here came from the different Entertainment Agencies, which trained them to excel in the said talents, and in Heartthrob Academy, we will not just help the students have a harmonious relationship with other students from other companies but we will also help you enhance your talents to be an official trainee and artist of Golden Entertainment, also known as G Ent."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Tita Vans. Being an official trainee of G Ent is my dream! I know that I am not the only one coz hello?! To be an official trainee and artist of G Ent ay parang nanalo ka na sa lotto! Well, para lamang saaming nagt-train sa local agencies at gusto maging sikat na artista, singer, and dancer.
"In this field, hindi lang dapat magaling ka sa pagiging model lang, pag arte lang o magaling sa pagkanta at pag sayaw lamang. All we want is for every student at Heartthrob Academy to excel in all of those. You know how big G Ent is, right Jana?" At tumango naman ako.
"That's why big deal dito ang physical appearance at talents dahil hindi basta basta ang G Ent. Every year, there will be representatives from G Ent na pumupunta dito to choose from the seniors kung sino ang magiging bagong official member nila. Alam kong alam mong lahat ng artists and even trainees nila ay sikat. That's why habang maaga pa lang, the students here are giving their all, mapa classroom activity man ito or what."
That is why Mom wants me to transfer here kasi alam niyang gustong-gusto kong maging official trainee and artist ng G Ent.
"I know that you are too shocked to know about the informations." Tumawa ito ng mahina at tumango naman ako habang gulat pa rin sa mga nalaman.
So this weird-named-school ay hindi lang pala basta bastang school. Tapos kanina kung ano-ano pa mga sinasabi ko tungkol dito. Napangiti na lamang ako nang maalala ko iyon.
Nang matapos i-explain saakin ni Tita Vans ang tungkol sa G Ent, lumabas na ako ng Principal's Office.
Pinagmasdan ko ang mga estudyante. May ibang nagmamadali dahil baka late na ito, may iba rin na ang bagal mag lakad na para bang pagod na pagod sila. Alam kong dahil iyon sa trainings and activities ng school.
Since bukas pa ang first day ko, nag libot libot muna ako sa loob. Kahapon lang nagsimula ang pasukan kaya wala pa masyadong gagawin sa araw na ito ayon kay Tita Vans.
Sana pala nag start na ako ngayon. Bigla akong ginanahan at na-excite dahil sa sinabi ni Tita Vans!
Habang tulala ako dahil sa pagmasid-masid sa paligid, hindi ko namalayang may nabangga na pala ako.
"Ouch!" at mukhang hindi ko nagustuhan ang tono ng boses nito.
Pag harap ko, namangha ako sa gandang taglay ng babaeng nasa harapan ko. Ngunit naalala ko ang tono ng boses niya. Ugh, parang ipis nakakapikon.
"Ehem", napataas naman ang kilay ko. Oh, ba't di pa to umaalis sa harapan ko?
"What?" I asked her. Nakatingin lang siya sakin kaya tiningnan ko rin siya.
"Nabangga mo ako miss", sabi niya at tumaas ang kanyang kilay.
"Wag ka kasing tulala habang naglalakad" dugtong pa niya.
"So? Ba't di ka umilag? Nakita mo naman pala akong nakatulala eh. Ba't hinayaan mong mabangga kita?" singhal ko sakanya na mukhang ikinainis niya.
"A-ano?!" my gosh, hindi ba siya sanay mabara? I rolled my eyes at her.
"Zinder, inaaway niya ako oh." sumbong niya sa lalaking kasama niya at kumapit pa ito sa braso niya.
Oh so may kasama pala itong gwapong lalaki na hindi ko man lang napansin kanina. Mas nakuha kasi netong babae sa harap ko ang atensiyon ko kaya hindi ko masyadong napansin ang kasama niyang lalaki.
"Tss" yan lang ang sinabi ng lalaki. Wow, pa-cold naman to! Feelingero di na uso mga ganyan.
"Let's just go, Alice", at hinila niya na si Alis—I mean Alice papalayo sakin.
Habang papalayo sila, naririnig kong may mga sinasabi pa si Alice. Like I care, ugh. She's pretty and all but her attitude sucks!
Ipinagpatuloy ko ang aking paglilibot sa Hearthrob Academy.
Naisip ko lang, hindi naman sa pagiging judgemental pero bakita kaya Hearthrob Academy ang pinangalan sa school? Wala lang, for me kasi, parang ang weird lang. Err, anyway, masaya ako dahil kahit papaano ay gusto ko na yung gagawin ko. Hindi na ako tatamarin pumasok dahil I'll be looking forward sa mga trainings and activities.