Chapter 2: First Day at School

754 16 1
                                    

Chapter 2: First Day at School

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. It's my first day of school! I've never been this excited before. Iba talaga ang epekto sayo ng mga bagay na gustong-gusto mo. Its like, sobrang energetic ko kahit medyo puyat pa ako dahil hindi ako makatulog kagabi sa sobrang ka-excited-an kong pumasok.

"Sweetie, I know that you're excited but please stop smiling because you look creepy." sabay kaming natawa ni Mommy sa sinabi niya.

Ihahatid niya kuno ako cause it's my first day. Ano ako, elementary?

"By the way, Mom. Thank you." sabi ko habang nakangiti at ngumiti rin si Mommy.

"Sweetie, just remember that I am always here to support you." she said the I kissed her cheeks.

Nang nakarating na kami sa school ay nagpaalam na kami sa isa't isa. She told me to make friends para daw may ma-invite ako sa bahay to taste her pastries kasi my Mom loves to bake.

Tiningnan ko yung maliit na slip na binigay saakin ni Tita Vans kahapon. Eto raw yung room number ko.

Room 315.

Umakyat na ako ng third floor at nakita ko naman agad ang aking room number.

Pag pasok ko, hindi ko naman inaasahan na behave pala to'ng mga kaklase ko. I smiled awkwardly tuloy dahil sabay sabay silang napatingin saakin.

Nag hanap naman ako ng bakanteng upuan dahil mukhang hindi ko kaya na tingnan lang nila ako dito habang nakatayo. Some of them are familiar, though. Baka kasi nakita ko na yung iba sa World Entertainment at yung iba naman ay parang nakikita ko rin kapag may competition ang mga different entertainment agencies.

Naupo na ako sa bandang likod dahil doon lang naman ang may bakanteng upuan.

"Jana?" tiningnan ko yung tumawag sakin at nagulat ako nang makita kung sino iyon.

"Oh my god, Kaycee!" bigla kaming napabungisngis dahil sa reaction namin.

"Akala ko pa naman wala kang interes sa ganitong school. Tapos nakita kita nasa may pintuan na!" tapos niyakap niya ako at niyakap ko rin siya.

She's Kaycee Cortez. Isa siya sa mga close ko sa World Ent, kaso nga lang ay lumipat siya ng ibang agency because of her ex.

"J, I want you to meet my friends. This is Fely Gomez," pakilala niya sa babaeng petite na may maikling buhok. Singkit ang kanyang mga mata at matangos ang ilong. Hindi na ako magugulat kung sobrang ganda niya dahil sanay na ako makakita ng magaganda at gwapo.

"This one's Marley Mendoza," turo niya naman dun sa babaeng naka ponytail. Medyo boyish siya dahil kahit naka skirt siya ay naka de kwatro naman itong umupo. Infairness, napakaganda niya kahit medyo boyish.

"Call me Mar. Medyo pangbabae lasi yung Marley." sabay sabay naman kaming natawa sa sinabi niya.

"And this si Chia Ferrer", pakilala naman niya sa babaeng naka kulot ang buhok at medyo maarte gumalaw. Siya na yata ang pinakamatangkad samin. Siguro nung nagpaulan si Lord ng katangkaran ay sinalo niya na lahat.

"Guys, this is Jana Shen. She's from World Ent pala."

"Hi Jana!" Sabay sabay nilang bati saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartthrob AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon