Chapter 1•Flashback•

4 1 0
                                    


(Now playing: History by One Direction)

Melody's POV

...Year 2007

"Kuya pagbigyan mo na kaming bilhin 'to" pagpilit namin ng barkada sa cashier na pagbilhan na kami ng kahit isang bote lang ng alak.

"Pasensya na hindi 'yan maari. Maliban na lang kung may kasama kayong matanda" natawa kami ng ilang saglit at tumitig kay Steph na pinakamatanda sa barkada.

"Oh ano bat niyo 'ko tinitignan" napakunot ang kilay niya. Na siya ko ring ginawa at binagyan siya ng 'kunyari 18 ka na' look. Nang makuha niya na ang gusto kong iparating ay napa-pikit na lamang siya.

"Pasensya na pero hindi ko ggawin yan. Bye!" Hays kahit kailan talga kill joy yung matandang yun. Lumabas na siya ng store at iniwan kami.

"Hays wala na tayong magagawa dito. Bumili na lang tayo sa tindahan" suhestiyon ni Justin. Na sinang-ayunan ko naman.

"Eh! Wala namang ganitong klase ng alak sa ibang tindahan e!" Tutol ni Jon.

"Teka teka tara dito! justin,jon,cristine,angela, lauren, melody" kinawag kawag ni Zein ang kanyang kamay papunta sa sulok ng store.

"Problema pre?" Maangas na sabi ni Justin. "May mai-susuggest ka ba?" Dagdag pa niya.

"Oo! Ganito nakikita niyo yung pintuan?" Tinuro niya ang pintuan at sabay sabay naman kaming tumango tango habang nakatingin don.
"Okay tutal walang guard ganto gagawa tayo ng kasalanan ngayon. Hahahaha!" Natatawa niyang sambit habang kami ay mukhang seryoso at confuse.
"Ibigay niyo sa 'kin yung pambayad Jon hawakan mo yung alak. Tin, Lauren, Angela and Melody labas na kayo at ikaw naman Justin buksan mo yung pintuan." Tumigil siya saglit upang tignan kami isa-isa. Magsasalita na sana si Angela ng pinigilan niya 'to "Oops! Wala ng angal basta pag sinabi kong Call, tumakbo na kuha niyo?" Nagsitanguan ulit kami sa evil plan na naisip ni Zein. Hays basta kalokohan talaga ang batang 'to nangunguna e.

Pumwesto na kaming mga babae sa labas at si Justin naman ay nasa pintuan upang buksan ito. Habang si Jon at Zein ay kausap yung cashier. Naging alerto kami at diretso lamang ang tingin sa kanilang dalawa. Nakita kong nilapag ni Zein yung pera tapos tinignan niya sa mata si Jon sabay sigaw "CALLL!" Hinintay muna naming makalabas sina Jon at Zein saka kami tumakbo. Tawang tawa ako dun sa cashier wala siyang nagawa nung tumakbo na kami. Sinundan lang namin si Zein kung saan pupunta ang mga paa nito. Nang hindi namin namalayang napunta pala kami sa tapat ng photo booth.

"Hoy teka sandali! Picture tayo dito oh!" Saad ni Cristine sabay turo sa photo booth. Hindi pa namin naibibigay ang mga sagot namin ng hinila niya si Zein papasok ng photo booth. Wala na kaming nagawa kung hindi pumasok na rin. Kaso dahil may kaliitan nga ito ay siksikan kami sa loob, pero hindi naman gaanong kasikip kaya makikita pa rin ang mga mukha namin sa picture.

"Okay smileeeee!" Sigaw ni lauren habang nakayakap ang kanyang kamay sa leeg ni Jon. Lumabas na yung picture namin at ang nakakatawa lahat ay wacky.

"Akin na lang 'to" bago pa sila maka-react ay kinuha ko na ang picture namin saka ko 'to binulsa.

"Okay ano pa bang magagawa namin diba" sabat ni Angela sabay taray.

Ilang minuto lang ang lumipas nasa bahay ay mali mansion na kami ni Jon upang uminom sa gantong edad. Lahat kami ay under age pa. Kaya tumakas lang kami kay kuya kanina. Tss, wala na naman yung magagawa e.

"Fries or Pizza" sabi ng yaya ni Jon na galing pa yatang kitchen.

"Pizza" sigaw ng boys

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Broken MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon