Replacement (One-shot)

0 0 0
                                    

I can feel his warm lips... Kapag hinahalikan nya ko may nararamdaman ako na hindi ko naramdaman dati. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba to. Pero iisa lang ang alam ko...

ang sarap sa pakiramdam nito.

Naghiwalay ang labi namin at tumingin ako sa mga mata nya. Bakit ganun? Bakit itim imbis na brown?

"Alam kong hindi ko sya kamukha, pero wag ka ng maarte." napasimangot ako sa sinabi nya. Sumandal ako sa balikat nya at pumikit.

"Alam mo? Kapag kasama kita kahit konte naiibsan ung pagkamiss ko sa kanya." naramdaman ko ang hawak nya sa buhok ko. Hindi ko alam pero pareho ng init ung kamay nila.

"Ash... Masaya ako na kahit papaano napupunan ko ung gap na naiwan nya dyan sa puso mo." ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag sya ang nagbabanggit.

"Hans... Kelan ka mapapagod sa akin?"

Bakit kaya tinanong ko un? Nasasaktan ako, pero ayokong aminin. Bakit ko ba to nararamdaman? Haha niloloko nanaman ako ng utak ko.

"...kailangan ko ba yan sagutin?" pagkasabi nya noon ay tumayo na ako at umalis.

Kahit kailan walang mas papantay sa kanya. Hindi si Hans o kahit sino... Walang makakapantay sa kanya.

++++++++++++++++++++

Bakit ba ako nandito? Para dagdagan ung sakit na nararamdaman ko? Hayss ganito na ba talaga ako katanga?

"Congratulations po Kuya Aki at Ate Rhea..." masiglang bati ko sa kanilang dalawa.

Nakakatawa, un ba talaga ang gusto kong sabihin pagkatapos silang ikasal? Si Kuya Aki, akin lang dapat sya pero inagaw sya sa akin ni Ate Rhea. Kanina gusto kong umiyak at sumigaw ng "ITIGIL ANG KASAAAALLL!!!!"

Pero dun ko lang narealize na kapag ginawa ko un tiyak na magagalit sa akin si Kuya...

Bata palang kami pinangako ko na, na si kuya ang pakakasalan ko. Pero habang tumatanda kami lahat un nagbago. Nagkagusto sya sa iba at nakalimutan na ang pagmamahal ko sa kanya.

Alam ko konti nalang at papatak na ang luha ko sa panonood sa kanila habang masayang nagsasayaw. Ang sakit... Sobrang sakit.

"Hindi ko alam na pupunta ka." tinakpan nya ang mata ko pero hindi ako pwedeng magkamali... Si Hans to.

Hinatak nya ako palabas sa reception hall at dinala sa isang maze dito sa garden.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya habang hinihila nya ako sa hindi ko alam na pupuntahan namin.

Hindi sya nagsalita at patuloy pa rin ang paghila sa akin. Huminto kami sa tapat ng isang bench, sa tingin ko nasa gitna na kami ng maze.

"Umiyak ka na..." niyakap nya ako. Ang init ng yakap nya... parang si Kuya.

Tumutulo na ung mainit na patak ng tubig galing sa mata ko. Parang napapaso ang pisngi ko pero agad na nawawala ito dahil sa damit ni Hans.

"Pangit ba ako?" hindi ko mapigilang itanong ito sa kanya. Gusto kong malaman kung pangit ba ako kaya ako hindi magustogustohan ni kuya.

"Maganda ka... Sadyang hindi nya lang nakita un dahil naunahan ka ni ate." tama naunahan ako ni Ate Rhea, si Ate rhea na kapatid ni Hans.

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit na maki--" napahinto ako dahil naramdaman ko ang malambot na labi ni Hans.

Kahit kailan walang papantay kay Kuya Aki. Walang iba kahit ikaw Hans hindi mo sya mapapantayan... Walang kwenta sa akin ang pagmamahal mo.

++++++++++++++++++++

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 01, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The love of my Best FriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora