1 month had passed. Naka-vibes ko na ang klase, nakakabiruan, nakakaharutan pero good thing wala pa akong nakakaaway or nakakatampuhan. Ayos naman being a college student but the school works are starting one by one. Nagpapagawa na ng mga kung ano ano yung Prof namin. We can't cease this early just because we're having a hard time. Tsaka iba na talaga pag college.
Ngayon ay pupunta kami sa library para imeet yung iba pa naming group mates. Buti nalang mabait pa yung Prof namin at ginawa nya pang by group yung project na pinapagawa niya. Kagrupo ko rin si Tasha dahil katabi ko siya sa upuan.
Pagdating namin ay nandun na sila Michelle, Nicolei , Bien, Patrice, Kat, Lucie, Zyria , at Alexa. Andami namin, kaya alam namin na madali lang yung magiging task. Pinag-usapan namin yung gagawin, pagkatapos ay inassign kami ng task isa-isa ni Alexa, siya na kasi yung tumayong leader since matalino siya, matalino naman din kami, kaya lang tamad, ayaw ng responsibilidad
Pagkatapos ay napag-isipan naming sabay-sabay maglunch since kami narin yung magkakasama. May mga sari-sarili rin silang grupo. Kami lang talaga ni Tasha ang dalawa.
Humanap kami ng table na maraming upuan, and luckily we found one.
"Oh ano orders nyo?" Tanong ni Bien na ala waiter. sinabi naman namin sakanya yung order namin, at hinila niya si Lucie, Mikay at Patrice para buhatin yung pagkain namin.
-
Naging magkakaibigan kami dahil sa projects. Nagkasundo sa iba't ibang bagay. Magkakasama sa lunch at kalokohan. At buti nalang talga magkakaklase kami sa halos lahat ng subject pero mayroon ding hindi ko sila kaklase pero sabay lagi ang sched ng break time namin. Kaso lang madalas naming napapansin na matamlay si Patrice. Nahihiya naman kaming tanungin dahil mamaya private matters.
We will be going out dahil halfday lang, kakatapos lang ng biggest project. napagdesisyonan naming magpunta sa isang cafe at doon tumambay.
"Guys, alam nyo bang may tinatago satin si Patrice" sabi samin ni Alexa. Bigla namang nalaki ang matamlay na mata ni Patrice
"Ha? A-ano yun?" Nauutal nyang tanong. Hmm, halatang may itinatago 'to. At ano naman ang tinatago nito aber?
"Yung kay Daizz?" pang-aasar ni Alexa.
"Hey wait, sino si Daizz? At bakit kayong dalawa lang ang nakaka-alam nyan?" Pagtatanong ni Michelle.
"Si Daizz yung 3rd year Multimedia Arts student na ex ni Patrice ng di natin nalalaman-- ay kayo lang pala ang hindi alam surri. tapos nakipagbreak sakanya dahil sa tawa nya" Napangiti ako sa last part na sinabi ni Alexa, who would have thought na may matuturn off sa pagtawa ni Patrice, eh kahit ganun yung tawa nya ay napakagandang babae nito.
"E-excuse me lang, punta lang akong CR" sabi ni Patrice sabay tayo at dumiretso sa CR.
"Patay ka Alexa! Sira na ang friendship nyo kahit na parehas kayong addict sa KPOP."
"Ano ba naman yan Alexa, ang dami mong nalalaman. Chismosa ka talaga." Sabi ni Michelle sakanya habang humihigop sa kanyang frappe.
Tumayo ako at sinabi ko sakanilang susundan ko si Patrice.
Pagpasok ko sa cr, isa lang ang bakasarang cubicle kaya i guess sakanya yun.
"Pat?" Tanong ko sabay katok pintk ng cubicle.
"S-sino yan?"
"Pat si Rie to."
"Ba't ka na-ndito? L-labas ka na, sus-sunod nako *sniff*" Sus naman 'tong babaeng 'to. dumikit muna ako malapit sa sink.
"come on. Share naman dyan." Sabi ko sakanya. Lumabas naman sya mula sa cubicle and yun ang pula ng mukha ang pula ng mata.
"E-h kasi ang tanga ko. Ma-ali na sya yung ginusto ko. Parang dahil lang sa ta-awa ko hihiwalayan *sniff* nya na ako." pasinghot singhot niyang sagot.
BINABASA MO ANG
To Mend A Broken Heart
General FictionAfriessa Klau Matienzo, an affable person was enrolled in a high known university. Lahat ay ayos bago niya makilala ang lalaking magpapabago sa takbo ng buhay niya. Her quiet life, her simple way of living, and herself also will be changed because o...