Chapter 1 (Meet Alex)

16 0 0
                                    

>>Ela’s POV<<

Kriiiiiiiiiing

Ayy! Anubayan! Summer ngayon diba? Bakit may alarm clock na tumutunog? Bahala nga kayo diyan, matutulog ulit ako!

AYYYYYY! KABAYO NA BALDADO! BAKIT MAY HUMILA NG PAA KO????! HUMANDA SAKIN TO!

“Anubayan! Natutulog yung tao oh!” sabi ko. Pagdilat ko ng mata ko, nakita ko lang naman ang pinaka panget na nilalang sa mundo na nakatayo sa may duluhan ng kama ko =_= Walang iba kundi ang “boy bestfriend” ko daw na  si Alex Mendoza.

Tumayo ako at sinigawan siya ng,

“Anubayan, Lex! Ang aga aga, nang gigising ka!”

Ngumiti naman siya sabay sabing,

“Maaga? Maaga ba yung alas dose na ng tanghali?”

“Eh kaya nga SUMMER eh! SUMMER LEX! Kahit hanngang alas dos pa ako matulog okay lang! KASI SUMMER! AS IN S-U-M-M-E-R! haaaaaiiiiist!”,

sabi ko naman sakanya na may padabog effect pa. Hah! Kabadtrip siya ah.

Kinurot niya naman pisngi ko sabay sabing,

“Hmmm! Ang cute cute mo talaga magalit El! Kaya gustong-gusto kita inisin e!”

“Ayy, wow! Walangya ka! Wala ka nanamang magawa no? At sinisira mo ang napakaganda kong beauty sleep!” sabi ko naman.

Tumawa siya ng malakas sabay sabing ,

“HAHAHAHA! Ayan! Ayan napapala ng kakabasa ng wattpad! Pati tagalog words hindi mo na kayang gamitin ng maayos!”

Eh? *pout* Masama na bang magbasa nun? L Dun ko na nga lang hinuhugot lovelife ko kasi wala ako nun e. Kung baga, CERTIFIED HOPELESS ROMANTIC ATA TO! XD

“Eh bakit ba? Atleast dun, ang peperfect ng mga lalaki! E dito? Tingnan mo, ikaw pa nga lang, walang wala na e!” sabi ko naman sakanya! Haha! Ganyan talaga kami ni Lex, lagging nag-aasaran.

“Eh? Di na nga mabilang mga nagkakagusto sakin eh!” Pag mamayabang naman niya.

Tingnan mo tong taong to, napakayabang talaga =_= Porket gwapo, mabait, sweet, matalino, mayaman at basketball player lang siya, magmamayabang na siya! Hmp! E walang wala naman yan sa mga characters na nababasa ko sa wattpad! HMP!

Eh? T^T Medyo perfect nga kung tutuusin si Lex no’? Edi sya na medyo perfect, MEDYO lang ah! Pero di ko sasabihin yan sakanya, kasi MAS YAYABANG lang yang mokong nayan =_=

“Oh? Talaga? KWENTO MO SA KABAYONG BALDADO!” sabi ko sakanya.

“Hayy nako, El ayan nanaman ang pagiging weirdo mo! Mag-ayos ka na nga!  Pupunta tayong mall ngayong araw.” Sabi niya.

“Ayoko nga! Matapos mong gambalain ang napaka-ayos kong tulog, sasamahan kita?! Bleeeh :p ASA!” sagot ko sakanya.

“Ah, ganon? So gusto mong sapilitan pa?” sabi niya habang papalapit sakin tapos ang creepy ng smile!

T^T WAAAAAH! Ayoko yung tingin niyang yan! Parang may balak na masama!  Baliw ka El! Malamang may balak na masama yan sayo! Ayaw mong sumunod e. Huhuhu. Help me please L

“AAAHHH! HAHAHAHA! LEEEEEEEEX! TAMA NAAA!

HAH-

LEX IS-

LEX!”  Walang ya talaga yung lalaking yun! KILITIIN BA NAMAN DAW AKO?! E YUN WEAKNESS KO E T^T

“Sasamahan mo ako o hindi?” pagpupumilit naman niya.

“OO NA!” wala sa sarili kong sagot.

Pasalamat talaga tong lalaking to na wala pa akong energy para makipag-away!

“Mabuti naman. Aantayin kita sa baba ha! Dalian mo!” sabi niya bago umalis.

Leche talaga yung lalaking yun! -.- Haaaaayyy!

Ayy, onga pala! Magpapakilala na ako ah, Ako si Ela Sandoval, El ang tawag sakn ng iba kong close friends. E-la na nga lang pangalan ko, ishoshort-cut pa nila T^T Yaan mo na nga. Anyway, yung kanina si Alex Mendoza yun! Totoong heartthrob yun, kasi gaya nga ng sabi ko kanina, mejj perfect sya! Edi siya na! Actually, marami-rami din naman friends ko, pero since summer, medyo nagka-hiwahiwalay muna kami. At dahil medyo malapit ang bahay ng mokong na si Lex, ako yung ginagambala nya =_=

Makaligo na nga, ng matapos na to.

*LIGO HERE LIGO THERE*

*BIHIS HERE BIHIS THERE*

Nagsuklay nalang ako at nagpabango. AKo kasi yung tipong walang pakialam sa kung ano itsura ko. Basta may suot lang. AT nag t-shirt lang ako na plain bleack na v-neck, nag skinny jeans tapos converse. Tapos. Ang arte naman kasi ng ibang mga babae ngayon, gusto maganda palagi. E diba nga dapat ipakita mo yung worse mo sa ibang tao, para malalaman mo kung tanggap ka ba talaga nila kahit ano ka pa?

Anyways, lumalim na ang pag-iisip ko! XD HAHAH, ayun bumaba na ako at nakitang kumakain na tong mokong na to. Walangya! Inunahan pa ako!

“Hoy Lex, huwag mong ubusin yang sinigang! Di pa ako nagbe-breakfast!” pagtigil ko sakanya. E pano ba naman, alam kong masarap ang luto ni Manang Rosa, pero tirhan niya naman ako! GUTOM NA GUTOM NA AKO T^T

“Sorry naman! Sarap kasi ng luto ni Manang Rosa eh!” sabi naman nya sabay tingin at ngiti kay Manag Rosa na nag-aayos ng mga gamit sa kusina.

“Oo, ikaw talagang bata ka, ang hilig mang bola.” Sabi naman ni Manang Rosa.

“Hay nako nay, wag mo ng pansinin yan! Epal kasi eh, ang sarap sarap ng tulog ko, biglang mangbubulabog!” sabi ko naman sabay sinamaan ng tingin ni Lex.

“Magugustuhan mo din naman yung gagawin natin ngayon, kaya dalian mo na.” sabay ngiti ng parang nagpapa-cute.

HAH! Anong akala niya? Basta basta ko nalang papalagpasin yung ginawa niya kanina? Humanda sakin to’ mamaya!

“Wag mo kong idadaan diyan sa pa cute mo, di ako nauuto niyan” sabi ko sabay upo sa tabi niya at nagsimula ng kumain.

*Sa kotse*

FYI lang po, may driver kaming kasama, baka akalain niyo eh nagda-drive na tong mokong na to. Di ko pa din siya pinapansin simula nung matapos kaming kumain.

*poke poke*

“Uy Eeeeeel, sorry na L Wala kasi talaga akong kasama papunta dun e *insert pacute na eyes here*” sabi nya na parang nagpapa-awa.

“Ge” cold kong sabi

“Pag nalaman mo naman kung saan tayo pupunta, sure ako mae-excite ka!” pang eenganyo niya sakin.

“E san nga ba? Akala ko sa mall lang?” pataka kong tanong sakanya.

“Sa mall ba sabi ko? Hehe, joke lang yun! Pupunta tayo sa.

.

.

.

.

.

.

STAR CITYYYYYYY!” WHAT!!!?

A/N Hiii po, triny ko pong gumawa ng first chapter para naman po may laman na tong story na to J At please, unang chaper palang to, pero sana po suportahan niyo na :) yiiiie, thanks. Please cooment or vote po :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang buhay ni ElaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon