/3rd person’s P.O.V.
--
After she brought Zy sa condo niya, umuwi na rin siya. Ano nga ba naman ang gagawin niya sa dis-oras ng gabi gayo’t may trabaho pa siya kinabukasan.
‘Same old place.’ Nasa isip ng dalaga when she entered her home.
It’s not really a home, but simply an empty house filled with furniture and appliances.
Nasagi niya ang isang picture frame.
Pero pagkatingin niya sa litratong ito, wasak na. Nasira niya, natawa na lang siyaat tinitigan na lang ang nahulog na larawan.
Hindi niya manlang naisip na linisin ang bubog na nagkalat sa sahig. Hindi manlang niya naisip na pulutin ito.
‘Matagal na ‘tong sira.’ She bitterly thought.
‘Yon ay yung nag-iisang family picture nila noong bata pa siya. Ano bang edad niya noong kinunan ito? Anim na taong gulang o pito? Hindi na niya matandaan, basta ang alam niya... ito ay matagal ng kinunan at hindi na muling makukunan pa.
Nakaraan na. Isang litratong punung-puno ng mga salitang hindi niya maibigkas sa kanyang bibig.
Isang litratong punung-puno ng sakit sa kanyang dibdib.
Isang litratong pilit pumupunit sa bawat magagandang ala-ala sa buhay niya.
She gave a sly smile as flashback starts to run into her mind.
Flashback
“Mommy, may tumatawag kay Daddy!”
“Sino baby?”
“Unknown number po on his phone.”
Sinagot ng mommy niya ang tawag.
“Good morning!” Sabi sa kabilang linya.
“Good morning. This is his wife. Who’s this?” Sagot ng ina ni Kei. At pagkasagot niya nito, naputol ang tawag.
Galit na galit ang babae sa pagkababang iyon. Sinubukan niyang tawagan ulit iyon, ngunit ayaw na itong sagutin nito.
“May babae ka ano?! May babae ka!” bungad agad ng babae sa asawa pagkapasok na pagkapasok sa bahay.
“Anong pinagsasabi mo?!” Sagot ng lalaki.
"Sino!! Sino ang babae mo! Wag mo kaming pinagloloko ng anak mo!" hampas hampas ng ginang ang mga balikat ng lalaki.
Napuno na rin siguro ang lalaking iyon. Itinulak palayo ang babae at natumba ito. Napadali pa ang braso nito sa isang malaking pangdekorasyon sa kanilang silid. Nabasag ito at nakapagdulot ng sugat sa babae.
Hindi magtatagal, sa paglipas ng hangin... ang sugat na 'yon ay magdudulot ng hapdi.
Pero may mas hahapdi at sasakit pa ba sa nararamdaman ng napagtaksilan?
Pagtataksil nga ba o pagdududa lamang na kinulang sa pag-uusap?
Kung ano man ito, ang pait ng mundong kaloob sa pamamahay na yon ay nasaksihan at kitang kita ng dalawang mata ng batang anim na taong gulang pa lamang noon - si Kathryn.
“Aalis ako at isasama ko ang anak ko.” Matigas na sabi ng babae habang inaayos ang sarili.
Lumapit ito sa batang babae at hindi na hinayaang magpaliwanag pa ang lalaki. Tuluyan na silang umalis sa malaking bahay dala dala ang ilang gamit na madalian lamang pinaghandaan.
Walang tigil ang pag-iyak ng batang si Kathryn noon, hinihiling na pakinggan man lang ng kaniyang ina ang dahilan at explanation ng Daddy nito.
Pero hindi nagpatinag sa hikbi ng bata ang poot na nararamdaman ng babae.
“Mommy..” Pagsuyo ng bata.
“Mommy..Mommy!!!”
“Kathryn, niloko ako ng Daddy mo. Niloko ka rin niya. Keep that in mind.”
“Mommy, may love ba talaga?” That question left her mom dumbfounded. Ayaw ng mommy niya na magbago ang paningin ng anak niya sa mundo dahil lang sa pangyayaring ito.
“Diba mommy if there’s love, there should be trust? But you don’t trust Daddy so there is no love?” Pinunasan ng bata ang luha nito.
“Anak it’s not like that, love exists. Look, I love you. Isn’t that enough to prove you that love is real?”
“Mommy, if you love me you should know that I need Daddy. I need both of you.” At tumakbo ang bata.
End of flashback
Dahil sa pangyayaring ito, nagising ang konsepto ni Kei na taliwas sa pagmamahal.
At hindi natagal at nadagdagan ang rason niya sa pag-iisip na ito.
‘Kung may love, sana nakapaghintay si Daddy. Hanggang maghilom sa amin ang mga pangyayari.’
Dahil pagkalipas ng isang taon, nag-asawa ng iba ang lalaking lubos niyang ipinagtanggol noon. May bago ng pamilya ang Daddy niya. At ang tanging iniwan nito sa kanya ay ang malaking bahay nila at ang masasamang ala-alang nakapaloob dito.
Nilakaran lang niya ang mga bubog sa sahig at ang litratong nakahimlay doon.
Hindi na yun mahalaga sa paningin niya. Instead, dumeretso na lamang sya sa kanyang silid dahil gustung gusto na niyang magpahinga.
Pagod na siyang masaktan.
Sa labing limang taong naipon ang mga masasakit na memorya sa kanya, hanggang ngayon masakit pa rin.
At hindi na ata mawawala ang sakit na yon.
Hindi na ata.
BINABASA MO ANG
7 Reasons Why
FanfictionI distance myself before people become close to me. I push people away, though all I want is someone to be there for me. People say I am nothing, but a coward when it comes to love. But they don’t really understand - not at all. For me, love is just...