Trying
"Di ko maintindihan yun, 9 years na kayo pero sinayang niya?" Sabi ni Kiefer at umiling-iling pa. Hindi talaga siya makapaniwala. Kasi para sakanya pag lumagpas ka ng dalawang taon ang relasyon niyo malaki ang assurance niya na magiging kayo na hanggang huli. Pero 9 years? May naghihiwalay pa pala ng 9 years?
Tumawa lang ng peke si Alyssa. "Nag sawa siguro tapos nakahanap ng iba," She sighed. "Kahit ako di ko maintindihan eh."
Nakatingin lang si Kiefer kay Alyssa. "Bakit naman? May iba na ba siya?"
Napatigil si Alyssa sa pagkain ng Sopas. "Wag mo ng tanungin, ang aga aga para pagusapan yan." Sabi ni Alyssa.
Parang natauhan naman si Kiefer at tumango ng dahan-dahan. "Sorry." Sabi niya.
Sumubo na ulit si Alyssa, ayaw niya lang pag-usapan dahil hindi pa siya ready umiyak ng ganitong kaaga. Lalo na at ang sakit pa ng ulo niya. "Okay lang," Nagpunas siya ng labi niya. "So..why bar?" She asked.
Kiefer was shocked with her question. "H-huh?"
"Bakit Bar? Mahilig ka ba sa bartending? Sa alak? Why bar?"
Bigla namang naging seryoso ang tanong na to kay Kiefer. Hindi niya lang alam, basta para kasi sakanya mahalaga ang business niya na to. "You could say i love alcohols pero di ako nainom. When i was a kid i was fascinated with mixing drinks and stuff, kaya ayon after ko grumaduate konting ipon for business, ayon nag tayo agad ako."
Tumango naman si Alyssa. Pero nagulat sa narinig niyang hindi nainom ng alak, kasi lahat halos ng kilala niyang lalaki na nasa idad niya ay nainom ng alak. And she believed na magkasing idad lang sila ni Kiefer. Bigla tuloy siya nahiya sa narinig. "Imposible namang di ka nainom." Biro nito.
Tumango lang si Kiefer and laughed. "Yeah, di talaga ako nag-iinom."
"Bakit naman hindi?"
"Kasi bawal?" Patanong niyang sagot.
Ngayon oras na ni Alyssa ang tumawa, "Bawal? Don't tell me pinag babawalan ka ng parents mo until now?" Sabi niya at tumawa pa lalo.
He shrugged. "Well, you could say that. Or maybe, kaya ako bawal kasi ayaw nila ako makitang malasing ng mga iba, yung katulad mo."
Bigla naman binaba ni Alyssa ang spoon niya at tinignan si Kiefer. "Tell me, what is so wrong about being drunk?" She asked.
"For me," Sumandal siya sa upuan. "No offense to people who loves drinking ha, i think wala namang masama but to the point na when you are drunk? People get a chance to spill their shit in lives which is not really necessary to share diba?" Pag ko-komento ni Kiefer.
Tumingin lang sakanya si Alyssa. "But!" He added. "But that is just for me. Ako kasi private akong tao, ayokong may maririnig silang problems about me. Kasi malay ko ba sa iba na they feel better kung i-sshare nila problems nila."
Tumango naman si Alyssa, "Well, point taken."
"Uhm, ikaw naman.." Pag-oopen ulit ni Kiefer ng topic. "Why Architect? Mahilig ka na ba talaga mag drawing nong bata ka?"
"Yes. I love drawings. I love sketching. I love art, pero actually i was about to take fine arts non para sana pareho kami ng course ng ex ko." Alyssa said and get silent for awhile. "Pero naisip ko baka masyado akong baliw sakanya kung susundan ko siya dun when in fact i really wanted to be architect plus the fact na mag-e-engineer din bestfriend ko."
Nagulat naman si Kiefer sa mahabang kwento na iyon ni Alyssa, parang sa buong umaga nilang pag-uusap eto palang yung pinaka matagal niyang narinig na nag salita si Alyssa.
YOU ARE READING
The One That Got Away
FanfictionTypical story but i will make sure to make this unique and give the feels to each one of you.