Chapter 3

269 21 5
                                    

Pinsan

"That piece of him really touched my heart." Nagsusumamong komento ni Alyssa. Nakatingin padin siya sa nag perform na si Sumang.

"Alam mo," Tumingin nadin si Kiefer sa kaibigan niyang pinagkakaguluhan sa stage. "Di man ako naiinlove pa ng sobra, ramdam ko padin yung pinanggagalingan niya." Dagdag nito.

Tumingin na si Alyssa kay Kiefer, "Ganun ata kasi talaga when you know it's love.." Nag punas ng luha si Alyssa at ngumiti ng bahagya, nahihiya na siya sa lalaking nasa harap niya kasi halos isang araw palang sila magkakilala puro iyak na agad ang binungad niya dito. "..Grabe naman kasi yang kaibigan mo, masyadong ginalingan." Dagdag pa ni Alyssa.

Ngumiti si Kiefer na tila ay natuwa at naproud sa kanyang kaibigan na si Sumang. Marami na siyang na-encounter na naging fan ni Sumang at lahat ng yon ay mga broken din. Gusto mang itanong pa ni Kiefer ano rason ng breakup ni Alyssa at ng Ex niya ay isinantabi nalang niya ito.

"2 years niya yon niligawan," Sambit ni Kiefer habang sumubo sa nachos na dinala niya.

"H-huh?"

"Yung ex-fiance ni Sumang, 2 years niyang niligawan yon." Pagtuloy ni Kiefer. Napailing siya ng maalala niya ang mga panahon na yon. "It took 4 busteds bago niya mapa-oo yung babae,"

Nagulat si Alyssa pero kahit papano naaliw sa kwento ni Kiefer. "4 times, really? Ang tiyaga naman ng kaibigan mo."

"Ang tiyaga talaga," Ngumiti si Kiefer. "I remember, kame lagi taga tawa kapag nabubusted siya. Pano, he wont stop."

"Why naman?" Tanong ni Alyssa.

"Kasi lagi niyang sinasabi samen na pag mahal mo, di mo susukuan kasi pag mahal mo, lahat kakayanin mo."

Tumingin si Alyssa kay Kiefer, napatahimik siya doon. Huli niyang narinig yung mga salitang yon kay Jovee pa. Naniwala siya doon, pero hirap na siya maniwala sa salita ngayon.

"W-what happened? Pano siya sinagot?"

"Edi sa tiyaga. Hindi niya sinukuan. Mahal niya eh, pero nauwi din naman sa engagement diba?" Kiefer said.

Napakunot ang noo ni Alyssa. "Was that supposed to be 'Nauwi sa kasalan?' diba dapat ganun yun?" Bigla siyang nainis sa idea na ganun, yung ang pagmamahal na meron ka di mo nga sinukuan pero kahit anong mahal susukuan ka padin.

"I don't know exactly what happened," Nag kibit balikat lang si Kiefer kasi kahit hanggang ngayon naman hindi kinukwento ng malinaw ni Sumang ang lahat eh. "He just came to us one day, crying, hurting, nakakaawa nga eh."

Napailing si Alyssa sabay lumagok sakanyang alak na binigay ni Kiefer. "I can relate, it took me a month to tell my friends what happened. Ang hirap kasi mag kwento, lalong masakit. Maybe that's why poetry is his escape. Dun mo nalang makikita o maiintindihan pinag dadaanan niya."

Napailing si Kiefer, nalaliman kasi siya sa hugot ng bago niyang kaibigan. "Alam mo let's change the subject, ayoko nanamang malasing ka dito, mahirap na." Bahagyang ngumisi si Kiefer. He looked at one of his waiter, "Ced! Can you get us sisig? and also lemon juice." Utos ni Kiefer.

Tumango lamang ang waiter at nagpasalamat si Kiefer. Sumandal siya para mas maging komportable siya sa pag-upo. "Nakakailan ka na?" Tanong niya kay Alyssa.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now