Chapter 1Number 12
Fearsome monsters... Exotic creatures...
Vast riches... Hidden treasures...
Evil enclaves... Unexplored lands...
The word holds 'magic'.
And some incredible people are drawn to that magic.
They are known...
...as Hunters!
Act 1.
Napaupo ako nang ako'y magising sa tila panaginip na hindi ko maalala kung ano. Hinawakan ko ang pisngi ko nang makaramdam ako ng nabasa ito. 'Umiiyak pala ako,' ang sabi ko sa sarili ko, 'pero bakit naman?' Sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang akong umiyak. Sa halip na tumunganga at isipin kung bakit, tinignan ko na lamang ang kalendaryong nasa kwarto ko.
Sa kalendaryo ko ay tila may araw na nakabilog ng pulang pentel pen at may nakasulat na, 'Hala! Ngayon na pala gaganapin! Kailangan ko nang maghanda!'
Hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa akin. Ang matulog ng walang panaginip at magising ng umiiyak na lang na hindi ko maintindihan kung anong dahilan. Ang tingin ko ay kada buwan ay halos anim beses itong nangyayari. At kung mangyari, ang ilan ay sunod sunod pa sa isang linggo.
Ikinibit balikat ko na lamang ito at naghanda sa isang mahalagang pangyayaring gaganapin ngayong araw. Nang ako ay nakapaghanda na, lumabas at bumaba na agad ako sa sala.
Lahat ay nagulat nang makita nila akong nakaimpake ang mga gamit sa isang backpack na kulay itim. Nakasuot ako ng hanggang tuhod na shorts at jacket na kulay dark blue na itinatago ang dirty white kong sando. Lalabas pa lamang ako ng aming bahay ay nadinig ko na nagtawanan ang magkakapatid na sina Hosefa at Hosef. Wala naman silang sinabi at hindi din nila ako tinigilan sa kung ano mang gagawin ko.
Maliban na lamang kay Quarin. Sabihin na nating siya ang may-ari ng bahay na ito, hinayaan akong tumira sa kanila at siya din ang nagalaga sa akin simula nang makita nila akong nasa harapan ng kanilang bahay nung ako ay sanggol pa lamang.
'Sa tingin mo ay saan ka papunta?' nakapamewang niyang harang sa akin na palabas na sana ng pintuan.
Nginitian ko ang ina ko at saka masayang sinabing, 'Ina! Ngayon daw gaganapin ang Hunter's Exam ang dinig kong sabi ng ilang mga matatanda!'
'Ano bang pinagsasabi mo!' galit na sigaw ng pinakang mamahal kong ina. 'Sa tingin mo ay papayag ako?'
'Alam ko na naman ho na hindi mo nga ako papayagan, ina.'
'At bakit ka pa pupunta?' nakahawak na sa balikat ko si ina at iniikot niya ako palayo sa pintuan.
'Ngunit ina! Gusto kong malibot ang buong mundo! Ang pagkakaroon ng Hunter's License ay siguradong makatutulong sa pangarap kong ito!' nakafist pump ko pang sabi at determinadong ipapatotoo ko ang pangarap kong ito.
'Tumigil ka sa pagiilusyon mo! Hindi ka pupwede sa sinasabi mo sapagkat ang mga malalakas lamang ang nakakasali doon!'
'Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan, ina!' pakikipagtalo ko sa kaniya. 'Patawad ngunit walang makakapigil sa gusto ko!' itinanggal ko ang mga kamay ni ina na nasa balikat ko't saka tumakbo ng mabilis sa abot ng makakaya ng maliliit kong biyas.
Masaya akong magagawa ko na simula ngayon ang gusto ko. Alam kong mahirap ang mga susunod na mangyayari sa Hunter Exam ngunit wala naman atang mawawala kung susubukan ko ang pagsusulit na ito para sa ikatutupad ng pangarap ko.
BINABASA MO ANG
powerless | hisoka | hxh ff
Adventure'Oh no!' Evnila Dethorn, just an average girl, they say. She can't protect herself, can't even fight for herself. She's powerless, they say. Is she really? #85 in Adventure (7/4/2017) #76 in Adventure (7/5/2017) #72 in Adventure (7/6/2017) #...