Numere Wetlands

25 2 1
                                    


Chapter 4
Numere Wetlands





Fearsome monsters... Exotic creatures...

Vast riches... Hidden treasures...

Evil enclaves... Unexplored lands...

The word holds 'magic'.

And some incredible people are drawn to that magic.

They are known...

...as Hunters!

Act 5.

'Hindi ko napansing nasa unahan na pala tayo.' sinabi ko sa sarili ko ng pabulong nang mapansin kong isa na ako sa nangunguna at nasa likuran lang nina Satotz-san, Gon at Killua.

'Medyo nakakagulat na kaya mo palang makipagsabayan sakin.' rinig kong pagkakasabi ni Killua kay Gon.

'Talaga?' nakangiti naman si Gon na masyadong nasiyahan sa sinabi ng kasama niya.

'O hindi kaya, hindi naman talaga tayo ganon kabilis?' sabi naman ni Killua na para bang sisiw lang para sa kaniya itong first round ng exam at nakaramdam ako ng kaunting pagkainggit dahil sa mukha man lang hindi siya nahihirapan. 

'Bakit gusto mong maging hunter, Killua?' tanong ni Gon sa kaniya.

Sinagot naman ito ni Killua ng, 'Hindi ko naman talaga gustong maging Hunter.' pagpapaliwanag nito, 'Narinig ko kase na sobrang hirap daw nito kaya akala ko bakit hindi ko subukan at mukha namang nakakawili wili pero dismayado ako.' 

Ibig sabihin ba ng sinabi niya ayaw niya talagang sumali dito? Nahanap niyang kawili wili itong Hunter Exam kaya inisip niyang subukan? Ginawa lang ata niyang pampalipas oras itong mahalagang bagay sa ilan. Sadyang meron nga sigurong mga taong tulad niya na sumali sa Hunter Exam para magpalipas oras at maghanap ng mapaglalaruan.

'E ikaw, Gon?' balik na tanong naman ni Killua sa kaniyang kasama.

'Ang tatay ko ay isang Hunter!' masaya niyang sagot, 'Kaya gusto ko ding maging Hunter na tulad niya!'

'Hmm. Anong klaseng Hunter ang tatay mo?' tanong ulit ni Killua.

'Hindi ko alam!' agad na sagot ni Gon nang hindi man lang nagiisip.

Meron bang iba't ibang mga Hunter? Anong klase at ano bang tawag sa kanila? Gusto kong malaman isa isa para man lang kung papiliin ako kung anong Hunter ang gusto ko, alam ko na agad ang gusto kong maging!

Natawa si Killua sa naging sagot ni Gon, 'Ang weird naman non!'

'Sa tingin mo?' nababahalang tanong ni Gon.

Nakangiti si Killua na natatawa pa din sa sinabi ni Gon, 'E kase naman gusto mong maging Hunter na tulad ng tatay mo tapos wala kang alam tungkol sa kaniya?'

'Tita ko lang kase ang nagalaga sa akin kaya sa mga larawang pinapakita ni Mito-san ko lang nakikita ang tatay ko.' nakakalungkot naman pala ang sitwasyon ni Gon, 

'Sino naman 'tong si Mito-san?' nagtatakang tanong ni Killua.

'Si Mito-san ay si Mito-san!' 

'Okay..' napataas ng kilay si Killua.

At saka nagsimulang magkwento si Gon, 'Twelve pa lang si tatay nung sumali siya sa Hunter Exam. Nakapasa siya at naging Hunter. Tapos non, umalis siya sa amin.' kahit ba mukhang nakakalungkot 'yung istorya ni Gon, nakangiti pa din siya.

'Gusto kong malaman kung bakit mas pinili niyang maging Hunter kesa makasama ako.' hindi ko talaga magets si Gon kung bakit nakangiti pa siya habang sinasabi 'yon imbis na maging malungkot.

Natigil sila nang makitang malapit na kami sa labasan ng tunnel. 'Sa wakas!' napataas pa ko ng kamay nang makita kong may liwanag papalabas.

Tumakbo ako sa abot ng makakakaya ko. Nagmamadaling makalabas sa madilim na tunnel na kay haba haba pa ng hagdan. Hindi ko napansing kasabayan ko na pala sina Gon at Killua.

'Yes!' sigaw ko nang makitang ako ang nauna sa lahat na makalabas maliban kay Satotz-san. Sa sobrang pagod ko, napahiga na ako sa damuhan at namahinga ng bahagya.

'Goal!' rinig kong sumunod naman sina Gon at Killua.

'Yay! Ako nanalo!' dinig kong sigaw ni Gon na agad namang hindi sinangayunan ni Killua.

'Anong sinasabi mo? Mas mabilis kaya ako.' 

Nagsimula tuloy magaway 'yung dalawa kung sino sa kanila 'yung nanalo, 'Ako kaya.' sabi ni Gon.

'Hindi, ako kaya!' sigaw naman ni Killua.

'Ako 'yung mas mabilis kaya bibilhan mo ko ng pagkain!' utos ni Gon.

'Hindi! Ako 'yung mas mabilis. Kaya ikaw ang bibili.' pabalik na utos ni Killua.

'Ano ka? Ako kaya mas mabilis.' hindi nagpatalo si Gon kay Killua.

Hindi sila matapos sa pakikipagaway kung sino ang nanalo kaya nagtanong na lang sila kay Satotz-san, 'Satotz-san, sinong mas mabilis?' tanong ni Gon.

Sinagot sila ni Satotz-san ng, 'Naniniwala ako na mas nauna sa inyo 'yung babae at saka sabay kayong sumunod.'

Nagulat ako na napansin pa ko ni Satotz-san kahit papano. Napatingin tuloy sa akin 'yung dalawang nagaaway na sina Gon at Killua habang naka higa ako sa damuhan.

'Ganon ba? Edi siya 'yung bibilhan natin ng pagkain, Killua!' nakangiting sinabi ni Gon.

'Edi ikaw bumili!' galit na sabi ni Killua. 'Kasali ba naman siya sa karera natin?' 

'Oo nga pala.' agad na naalala ni Gon, 'Edi bibilhan kita ng pagkain tapos bibilhan mo ako.'

Edi parang binilhan mo na din 'yung sarili mo non.

'Ano? Hindi ko maintindihan.' naguguluhang tanong ni Killua.

Hindi siya pinansin ni Gon sa halip, nagtanong kay Satotz-san, 'Satotz-san? Dito na ba magsisimula 'yung second round ng exam?'

Agad naman siyang sinagot ni Satotz-san na hindi man lang nagpapakita ng bunganga, 'Hindi pa, malayo layo pa tayo sa pupuntahan natin.' Gumagalaw lang 'yung bigote niya kaya napakamisteryo sakin kung pano siya nakakapagsalita. Aalamin ko talaga kung pano.

Doon ko napagtanto na malayo pa pala 'yung tatakbuhin namin, 'E? Hala naman.' narinig ako ni Satotz-san at napatingin sa akin. Napaupo ako sa damuhan at nagtanong, 'Malayo pa talaga, Satotz-san?' 

'Yes.' lang ang sagot niya sa akin.

Grabe naman. Hinihingal pa nga ako sa kakatakbo't akyat namin sa hagdan dun sa tunnel tapos malayo pa pala ulit 'yung tatakbuhin namin para makarating sa second round.

Bumalik muli ako sa pagkakahiga ko sa damuhan at saka namahinga hanggang sa makita kong nakarating na din sina Leorio, na hingal na hingal at si Kurapika.

Nakita kong naguusap sina Kurapika at Gon nang mapansing unti unting nawawala na 'yung fog na nakabalot sa buong paligid.

'The Numere Wetlands, also known as the Swindlers' Swamp.' pagpapakilala ni Satotz-san sa lupain na nasa harapan namin, 'Kelan nating makalagpas sa wetlands para makarating sa second round ng exam.' 

'This place is home to many bizarre animals, many of them being cunning, insatiable creatures who deceive humans and prey upon them. Be very careful.' pagpapaliwanag ni Satotz-san sa kung anong pwedeng mangyari sa amin sa Numere Wetlands, 'If you let them fool you..'

'...you're dead.'

P.s Hindi ko na tinagalog 'yung iba kase hindi ako makahanap ng maayos na words para sa kanila c;

*unedited (8/5/2017)*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

powerless | hisoka | hxh ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon