Chapter 2
SuspiciousFearsome monsters... Exotic creatures...
Vast riches... Hidden treasures...
Evil enclaves... Unexplored lands...
The word holds 'magic'.
And some incredible people are drawn to that magic.
They are known...
...as Hunters!
Act 3.
Naupo na lamang ako sa isang sulok. Isinandal ang aking likuran sa pader at naghalukipkip ng kamay. Hinihintay kong mapuno at magsimula na ang hinihintay at kinababaliwan ng lahat na Hunter Exam. Sino ba namang hindi mababaliw sa Hunter's License na kung magkaroon ka man nito ay malaya ka nang gawin ang halos lahat ng gusto mo.
Nakatulala lang ako nang makita kong mabilis na palang napupuno ang lugar. Nagtataka na tuloy ako kung paano nila sisimulan ang Hunter Exam at kung gaano na lang kadami ang matitira sa huli. Syempre, kailangan makasama ako sa mga matitira sa bandang huli at mabibigyan ng license. Kahit ba sabihin nilang masyado nang mataas ang pangarap ko sa itsura kong ito.
Hindi na mabilang ng kamay ko ang mga taong nagsisidatingan sa lugar na ganapan ng kanilang pakay. Ang tansya ko ay nagtatakbo sa isang daan o dalawang daan na ang mga taong nagkukumpulan sa malawak na lugar ganapan ng Hunter Exam.
Nananahimik lamang ako sa isang tabi nang biglang may marinig akong ingay ng isang latang binuksan. Nauuhaw tuloy ako nang bahagya dahil sa narinig ko. 'Nagising ba kita?' tanong ng isang matabang lalaki at may hawak siyang isang bukas na lata ng juice. Nang makita ko na ang lata, mas lalo pa tuloy akong nauhaw.
'Hindi naman ako natutulog.' sagot ko sa kaniya.
Sa katunayan nga ay nakatulala lang ako at pinagmamasdan ang mga nagdadatingan. Hindi ko alam pero hindi ako makatulog o makaramdam ng pagod ngayon at iyun ay dahil siguro sa excite ko.
'Ah ganoon ba?' nakangiti niyang sabi at tumingin sa hawak niyang lata ng juice. 'Gusto mo ng juice? Mukhang nauuhaw ka na ata, ne.' alok niya sa akin.
Nagdalawang isip ako kase kahit na sabihin nating mukhang mabait ang pagalok niya, medyo kahina hinala pa rin na bigyan ka ng latang may laman na juice ng isang hindi mo naman kakilala o kaano ano. Pero syempre nakakaramdam na din ako ng pagkauhaw sa ilang pagikot ko ba naman para lang mahanap ang lugar ganapan na ito at kanina pa ako walang iniinom simula nang dumating ako rito.
Kaya naman ay napaisip ako ng maigi. Kung iinumin ko ba ang inaalok niyang lata na may lamang juice kahit na hindi ko siya kakilala o kaano ano, o tatanggi na lamang.
Iinom?
Tatanggi?
Iinom?
Tatanggi?
Iinom?
Tatanggi?
'Mukhang nagdadalawang isip ka na tanggapin ang inaalok ko.' nakasimangot niyang sabi.
'Hindi naman masyado.' natataranta kong sabi agad sa kaniya kase natatakot ako na baka isipin niyang pinaghihinalaan ko siya ng masama. 'Pero hindi ba normal lang na kilalanin muna ang isang tao para malaman mo kung mapagkakatiwalaan nga ba ito o hindi?' pagpapaliwanag ko sa kaniya. Hindi ko din alam kung bakit nagpaliwanag pa ko sa kaniya.
Sa nakita ko, hindi ko maintindihan kung ngumisi nga ba siya o ngumiti nang ako'y magpaliwanag sa kaniya. Pero ang mas lalong nakakabahala ay ipinagkibit balikat ko lamang ito. Sobrang naghihinala na ako sa matabang ito pero di ko pa din pinansin masyado.
BINABASA MO ANG
powerless | hisoka | hxh ff
Adventure'Oh no!' Evnila Dethorn, just an average girl, they say. She can't protect herself, can't even fight for herself. She's powerless, they say. Is she really? #85 in Adventure (7/4/2017) #76 in Adventure (7/5/2017) #72 in Adventure (7/6/2017) #...