eptá

16 1 0
                                    

Seungcheol's POV

Pagkatapos kong mabasa na magkikita kita kami sa Nameless Cafe, nagbihis na ako kaagad at naglakad na papunta doon.

Pagdating sa Nameless Café, nakita ko kaagad si Soonyoung na nanonood ng porn, dejoke lang, nanood ng mga choreo vids ng iba't ibang kanta. Isa kasi siyang professional dancer and choreographer sa isang sikat na dance crew dito sa South Korea.

"Ayo Hosssshhhhhhh" Bati ko sa kanya sabay handshake.

"Long time no see, long time no see, Cheol hyung. Hihihihi" Pffttt-- ang bakla ng 'hihihi'.

"Asan na ba yung iba?"

"Malamang , hyung. Di pa dumadating."

"Sige. Gisingin mo na lang ako kung andito na lahat." Kinuha ko yung malaking teddy bear sa gilid ni Soonyoung at natulog muna.


Naramdaman ko na may kumalabit sakin at yinugyog ako ng mahina kaya na-gising ako.

"Hyung, andito na sila." Pagpukaw ni Soonyoung sakin.

"Hoy Seungcheol! Sino ba kase ka-agag mo kagabi?!?!?! Parang pagod na pagod ka 'ata." Jeonghan. Peste talaga 'tong baklang 'to.

"Han, I think kailangan mo na talaga magsimba mamaya." Mabuti pa 'tong si Jisoo, good boy as always. Hehe.

"Han, uso kasi yung pahinaan yung boses pag andito sa café. Hehe. Try mo kaya."

"Hmmmpppp. Whateverrrrrr." Sagot naman ni Jeonghan, sabay irap. Bakla talaga.

"Oh Wonwoo, ba't di ka kumikibo 'dyan?"

"Iniisip ko kasi hyung kung ano yung ibibigay ko kay Mingyu sa birthday niya." Nakoooooooo, landi na netong si Wonu boy.

"Hoy. Pwede naman siguro i-activate natin yung presence of mind natin dito noh? Pwede mamaya na yang landi mo?" Sabat naman ni Soonyoung.

"Sabi ko nga. Ikaw, hyung? Kumusta ka na ba?" -Wonwoo

"Obviously, humihinga pa. Hahahaha"  Sagot ko naman.

"Hoy, cheol. Wag ka nga tumawa. Bukod sa ingay ng tawa mo, nakakasilaw din kasi yang gilagid mo." Ayan na naman ang dyosa-dyosahan niyong si Jeonghan.

"Pakyu, Yoon Jeonghan."

"Ew. I don't like to fuck with you." Sagot niya naman.

"Hoy. Wag ka 'ngang assuming."

"Guys, I think you need Jisoos." Sabi naman ni Jisoo pagkatapos uminom sa binili niyang frappe.

"Oy, Jisoo. May nililigawan ka ba ngayon?"

"Meron. Actually, kanina ko pa siya stinart sa panliligaw."

"Sino?!?!?!" Sabay naming sagot ni Wonwoo, Soonyoung, at ako.

"Paparating na siya."

Akala ko naman kung sino yung nililigawan niya. Eh, fowta. Si Jeonghan lang naman pala.

"Jisoo hyung, parang kailangan mo na talaga magpa check sa mata." Tugon ni Wonwoo kay Jisoo.

"Huh? Why?" Tanong naman ni Jisoo.

"Ano ba kasi nakita mo diyan kay Jeonghan at nililigawan mo yan?!" Sabat naman ni Soonyoung.

"Isang malanding bakla yan, Jisoo. Marami kang magiging kaagaw. Be strong." Sabi ko sa kanya sabay apir kay Soonyoung at Wonwoo.

"Kung maka malandi naman 'tong si Seungcheol." Sagot naman ni Jeonghan, sabay irap saming tatlo.

"Naiingit lang sila satin, Han. Let them be. Yung iba diyan, wala ngang nililigawan." Sabat naman ni Jisoo at umakbay kay Jeonghan.

"Aba, Jisoo. May pinaglalaban tayo noh? Ano? Suntokan na lang?"

"Joke lang kasi, Cheol. So, confirm nga. Wala ka talagang nililigawan ngayon."

"Oo, wala nga. Pero feel ko may paparating eh. Hihihi." Kwento ko sa kanila sabay inom sa frappe ko.

"Feeler ka lang talaga, hyung." Sabi naman ni Wonwoo at kumain sa cake na inorder ni Soonyoung.

"Mabulunan ka sana." Nagtawanan silang lahat at nagpatuloy sa pagkain.


Nagpatuloy silang lahat sa pagkwentuhan at nakinig na lang ako sa kanila. Maya-maya, naisipan ko muna na i-check yung messenger kung sakaling nag chat yung mama ko. Wala naman akong nakitang message, kaya nag scroll na lang ako sa messenger. Nakita ko yung name ni seenpai, kaya tinanong ko sa kanila kung kilala ba nila siya.

"Kilala niyo ba si Jihoon Lee?"

"Familiar yung pangalan niya, bes." -Jeonghan

"Parang nabanggit ni Mingyu 'yang pangalan sa 'kin." -Wonwoo

"Hannie, diba siya yung kasama natin sa choir noon?"  Sabi naman ni Jisoo sabay hawak sa kamay ni Jeonghan. Medyo breezy ka boy.

"Siya kasi yung china-chat ko ngayon. Ang cute niya kasi. Medyo suplado, pero okay lang. Nakita ko nga siya dito na nagla-lap----" Hindi pa ako tapos sa pagkwento ng bigla na lang umalis si Soonyoung.

"Hoy, Soons. Sabay na tayo." Sigaw ni Wonwoo.

"W-wag na. May emergency meeting sa practice room eh. B-bye." Sagot niya naman, tapos tumakbo na siya palabas.


Luh. Weird mo naman, Soonyoung.

✨✨✨

i know. i suck at writing narration : (

isang waley chapter na naman na may halong ka-OAhan ni bebe soons HAHAHAHA

⌘ ON HOLD // seenpai // jicheol ff ⌘Where stories live. Discover now