Ang mundo ay nahahati sa pitong kaharian.
Ang Kaharian ng Zenoth na pinamumunuan ni King Marcus, ang hari ng mga bampira. Matatagpuan ito sa katimogang bahagi ng mundo. Iniiwasan ito ng mga mamamayan ng ibang kaharian.
Ang Kaharian ng Cae na pinamumunuan ni King William na kapatid ni King Marcus, ang hari ng mga taong lobo. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng mundo. Ang direktang katapat ng kalabang bansa, ang Blood Kingdom.
Ang Kaharian ng Korenden na pinamumunuan ni King Gurko na hari ng mga masisipag na dewende. Matatagpuan ang kaharian nila sa loob ng higanteng puno na banal na tinatawag ng lahat na Ygdrasil. Nasa gitna ng Zenoth at Cae ang Ygdrasil.
Ang Kaharian ng Amandea na pinamumunuan ni Queen Astaroth na reyna ng mga sirena o tagapangalaga ng karagatan. Matatagpuan sa dagat ng pitong halimaw ang palasyo ng mga sirena at sinasabing sa kada asul na buwan ay lumilitaw ito mula sa ilalim ng dagat. Sakop nito ang buong anyong tubig sa buong mundo.
Ang Kaharian ng Mainz na pinamumunuan ni King Kazan, ang hari ng mga taong ibon. Matatagpuan ang kaharian nila sa lumulutang na Isla ng Izman. Sakop nila ang buong himpapawid sa buong mundo at sila rin ang nagsisilbing tagahatid ng mga balita sa pitong kaharian.
Ang Kaharian ng Ethopia na pinamumunuan ni King Ethopias, ang hari ng mga hari. Siya ang lumikha ng lahat na may buhay. Ang kanyang salita ay batas. Subalit ang kahariang ito matagal ng wala at ang dahilan ay ang tanyag na Alamat ng Alipin.
At ang huli sa lahat, ang kaharian ng Draiochta na pinamumunuan ni King Solomon. Matatagpuan sa malayong bahagi na kanluran ang kahariang ito. Kaharian ng mga tao ngunit may iilang tao na nabiyayaan ng Faran o mas kilala bilang 'mahika'. At ito ang kaharian ng mga mahikiro.
![](https://img.wattpad.com/cover/114682917-288-k556865.jpg)
BINABASA MO ANG
Draiochta: City of Magic
FantasyMundo ng pitong kaharian na pinagbuklod ng isang propisiya. Propisiyang pinagtibay ng pagmamahalang hindi dapat. Handa ka na bang samahan si Moriah sa kanyang natatanging kwento? ----- Date started: July 02, 2017 Cover credits to: mistymits-