Chapter 1

158 12 23
                                    

Chapter 1- Bully

Mariana's Point of View

"Low class!"

"Loser!"

"Aya ang bagay sayo Nerd!"

"Ugly!"

"Loner!"

"Ito sayo! Yan! Bagay kasi kayo ng basura!"

"Walking big glasses Nerd!"

"Lagyan pa ng itlog at flour yan girls!"


Ang sakit-sakit na ng katawan ko kaka-sipa at kaka-suntok nila saakin. Pero hinayaan ko nalang din sila.

"Yan bawal low class dito sa GIS!"

"Mas bagay lang kami ritong magaganda at gwapo 'no!"

At kumuha sila ng basura ng naka gloves galing sa trash can bakas naman sa mga mukha nila ang pandidiri habang kumukuha nito, pinaglalalagay at pinaghahagis sa akin ang mga basura, harina, itlog, at tuyong dahon. Ang sakit, pero bahala na, may biglang sumapak sa mukha ko dahilan nang pagka-tanggal ng malaking salamin ko.

"T-teka lang! Y-yung salamin ko. Please tama na!" Pagmamakaawa ko sa kanila. Pero tawa lang sila ng tawa. At pinagpatuloy nanaman ang pinag-gagawa nila sa akin.

Nageenjoy sila sa ginagawa sa akin.

"You know what nerds should not be allowed here in OUR school you freak. Kaya kung ako sayo mag papatransfer nalang ako, Mariana the basura and a walking big glasses!" Pang-aasar na sabi ni Henna. Ang ultimate queen of all queens, bully, pinaka-matapang at pinaka-sikat na babae dito sa GIS. 

Henna Veranda.

"H-henna please... Ibigay mo na yung salamin ko, n-n-nagmamakaawa ako ple----" Pagmamakaawa ko pero hindi niya pinatapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal ng malakas na malakas nararamdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahilan para bumagsak ang mga luhang nagbabadya ng tumulo simula kanina pa.

Sa totoo lang, hindi naman talaga malabo ang pangin ng mata ko pag walang salamin. Pero sabi kasi ni Manang Selya sa akin na kailangan kong mag-suot nang ganito para sa proteksyon ko. Hindi ko alam kung paano pero ang kulay nang mata ko ay asul sa kanan at sa kaliwa ko naman ay kayumanggi.

"Ewww! Nahawaan ako sa germs mong mukha!" Sigaw niya sa mukha ko. Tumayo siya at kung may anong dinukot mula sa bag niya. "Mabuti nalang talaga at meron akong dalang alcohol kundi mahawaan pa ako ng tuluyan sayo." Natatawang sabi niya saka binuhos saakin ang natitirang laman nito kaya mas nagtawanan pa silang lahat habang pinagmamasdan ako.

"Let's go guys baka malate pa tayo dahil sa walang kwentang basura na 'to." Sabat ni Dylan ang boyfriend ni Henna.

Nagtawanan nanaman sila at saka umalis.

Nang mawala na sila sa paningin ko, dali-dali kong kinuha ang salamin ko na nasipa ng babae. Pagkakuha ko sa salamin ko na nasa basura kitang-kita ko dito ang sirang lens at hook sinuot ko muling ito at hirap na hirap na tumayo saka naglakad papalayo.

Kailangan ko munang linisin yung sarili ko. Mabuti nalang at may extra uniform ako sa locker ko.

------

Maya-maya pa ay....

"Ikaw talagang bata ka ayan napag-tripan ka nanaman sa school niyo tsk tsk!" Naiiling na sabi ni Manang habang ginagamot ang mga sugat ko sa mukha. Siya yung tumutulong sa 'akin at nagsisilbing-ina pangalawang ina ko na rin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Nerd is a Gorgeous Mafia LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon