Si Manong Guard

3.8K 3 0
                                    

Si Manong Guard

(c)

Natutuwa naman ako at ang dami ng stories about guards. Kaya naman ginanahan na akong magsulat tungkol sa karanasan ko din sa isang guard. Ako pala si Ren-ren. Tubong Pasig at kasalukuyan din nagtatrabaho sa isang company based in Pasig also. Yun palang karansan ko ay nangyari noon lamang isang buwan ng i-declare na half-day ang pasok namin sa opisina dahil sa bagyo.

Maaga kaming pinauwi ng hrd ng opisina dahil daw sa bagyo. Paglabas ko ng building namin ay tila wala naman ulan. Makulimlim pero walang ulan. Gayunpaman ay umuwi na lang ako. Malapit lang naman ang bahay namin at medyo puyat din ako ng gabing nakaraan kaya di na ako nagbalak na gumala. Baka nga malakas din ang bagyo at maabutan pa ako sa labas. Pag-uwi ko sa bahay at agad akong natulog. Ang sarap ng tulog ko. Madilim na ng magising ako. Ginising ako ng kapatid ko dahil kakain na daw kami.

Matapos kaming kumain ay nagpadinig ang aking nanay na kailangan nya ng mamalengke kinabukasan at wala na daw syang mailuluto. Nasa abroad ang tatay ko at kapag ganoon ang pananalita ng nanay ko ay sigurado wala pang padala si tatay. Ako pa lamang ang nagtatrabaho sa aming magkakapatid. Although dalawa na kami ng ate ko na nakapagtapos ng college ay ako pa lang may hanapbuhay.

“Sige po nay. Magwiwithdraw lang ako mamaya para may ipamalengke kayo bukas.” ang sabi ko sa kanya.

“Salamat naman at may anak na akong maasahan. Di tulad ng iba dyan na walang ginawa kundi ang magpaganda.” ang pahaging ni nanay kay ate.

Sa tuwing ganoon na ang usapan ay tiyak na may mainitang pagtatalo na sina nanay at ate. Wala kasing tyaga sa work si ate at madali lang syang magresign sa mga napasukan nya.

Hindi nga pala kwento ng buhay ng pamilya namin ang isi-share ko. Kundi yung karasan ko sa isang guard. So balik tayo sa guard story ko. Yun na nga. Matapos kumain ay umalis muna ako ng bahay. Naglakad ako sa pinakamalapit na bank na may ATM. Minalas ako sa unang banko na napuntahan ko. Kaya naman sumakay ako sa jeep at bumaba sa tapat ng isa pang bank.

Pasok ako agad sa ATM booth nito.

“Shit, bakit ayaw kainin ang ATM card ko. Wala naman out-of-order message sa ATM.” ang nasabi ko sa aking sarili.

“Sir, nagloloko na naman ba ang ATM?” ang tinig na nagmula sa loob mismo ng bank.

Lumingon ako sa loob ng bank. Rehas lang kasi ang harang ng ATM booth. Maliwanag sa loob ng ATM booth at may kadiliman sa loob ng bank kaya di mo mapapansin na may tao pala sa bank.

“Oo boss. Out of order ba itong machine? Parang ayaw isubo ang ATM card ko?” ang sagot at mga tanong ko sa kanya.

“Hindi naman sir. Ayos naman kanina yan. Pero madalas din magloko. Try nyo ulit sir.” ang tugon naman ng guard.

Sinubukan ko ulit ipasok ang ATM card ko. Pero ayaw pa rin.

“Ayaw talaga boss.” ang sabi ko naman.

“Sandali lang. Baka maremedyohan ko.” ang sabi naman ng guard.

Binuksan niya ang harang na rehas at tinapik-tapik ang gilid ng ATM machine.

“Try mo uli sir.” ang sabi na naman nya.

Nag-try ako uli. Pero talagang ayaw.

“Sige boss. Try ko na lang sa ibang bangko.” ang sabi ko na lamang.

Pagbukas ko ng pinto ay noon ko nalaman na napakalakas na ng buhos ng ulan. Wala pa naman akong dalang payong.

“Malakas sir ang ulan. Mamaya na kayo lumabas.” ang sabi ng guard.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

M2MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon