Chapter 3 *Revelation*

17 3 0
                                    

Chapter 3

Kinabukasan, kaagad kong ikinuwento kayna Sheila at Barbara ang nangyari. "Oo! Tama, kung ikaw yun Sheila I'm sure inupakan mo yun." Inis na sabi ko.

"Oh? You said a while ago na he's your classmate? Paano yun? Ang swerte mo Ja." Tumawa siya. Tss. Kung makapang-inis talaga 'to.

"Tsk! Ewan ko sa'yo!" Napabuntong hininga na lang ako. I really hate that guy. Hindi ko alam, hindi naman ako nagtatanim ng galit sa isang tao pero agad talagang kumukulo ang dugo ko makita ko pa lang yung buhok niyang medyo blonde. Medyo blonde. May bigla tuloy akong naalala sa buhok niya. Kumusta na kaya siya? Sana nandito siya.

"Oh bat lumungkot yang mukha mo? Gutom ka na? Huwag kang mag-alala padating na rin niyan si Barbara." Nasa cafeteria kami ngayon at lunch break namin. Si Barbara ang nagvolunteer na umorder kaya naman naiwan kami ni Sheila sa table.

Nagkwentuhan pa kami ni Sheila tungkol sa mga balak naming gawin this Saturday, birthday kasi ni Kuya Francis and I want to surprise him by giving him a special present pero hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko kaya naman nagtanong ako sa kaniya.

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang nagsalita sa likod namin.

"Hey, sorry natagalan. Medyo nagkaroon ng problema eh. Pero eto na." ibinaba niya ang trey na may drinks. Napatingin kami ni Sheila kay Barbara.

"Don't tell me eto lang ang lunch natin Barbs? Masyado naman yang pag-iipon mo pati pagkain natin tinitipid mo." pagrereklamo ni Sheila pero natigilan din siya nang may magsalita ulit sa likod namin.

"Miss dito na lang ba?" Napanting ang tenga ko. What the effing eff? Alam ko kung kanino nanggaling ang boses na yun! Humarap ako sa nagsalita. 

"Ikaw nanaman?!" Mukhang nabigla naman siya sa pagsasalita ko kaya medyo naout of balance siya at muntik nang mahulog ang tray na dinadala na may pagkain. Buti na lang at kaagad niya itong nailapag sa mesa kung hindi ay naligo sana ako ng spaghetti ng wala sa oras.

"Magkakilala kayo?"  masayang tanong nila Barbs. Umiling ako.

"HINDI!"

"Of course!" Halos sabay na sabi namin. Napaface palm ako. 

Nagtaas ng kilay si Sheila. "Teka, sino ba sa inyo ang nagsasabi ng totoo? Care to explain Ja?"

"Tsk. Siya yung kinukwento ko sa inyo." Bulong ko sa kaniya dahil kapag sinabi ko iyon sa harap nung lalaking 'yon baka magssume pa siyang gusto ko siya. And that would be gross.

"What?" Humarap siya kay-- wait, what's his name again? Tss. As if I care kung ano man yang pangalan niyang bwiset na lalaking 'yan. "You know what mister?" Inobserbahan ni Sheila ang mukha niya. "You look familiar eh, don't you think Barbs?" Sheila asked.

"Uh yeah! He really looks familiar to me too. Nagkita na ba tayo somewhere?" tanong ni Barbs. My gosh. Are they showing interest towards him? Sa panget ng ugali niyan magugustuhan nila? Great!

"Blonde hair, at may maliit na nunal din sa may bandang mata. Hmmm Barbs? I think I know him already!" Sabi ulit ni Sheila. "Dustine Jay Cruz?!" Natatarantang tanong ni Sheila. At para siyang nanalo ng lotto ha? Pero nagulantang ako sa sinabi niya.

What the f-uck?! Napatingin ako sa kanila? Are they joking? Dustine? That Dustine? Ang layo kaya nila sa isa't-isa! Yeah, I admit he really looks like him but, gosh you can still see their difference by comparing their attitudes. Dustine is a good person, while this DUSTINE is not that good, he's a jerk.

"How did you know my name?" tanong naman ng lalake. So he's saying na yun talaga yung pangalan niya? Is this kind of a joke? That's his name too? 

"C'mon Dust, we're classmates since kindergarten. Ako 'to! Si Sheila! Hellooooo!" Masayang bati ni Sheila sa kniya.

 I was speechless about their conversation. Am I dreaming? 

"Sheila?... Sheila..." sabi niya na para bang may inaalala.

"Sheila Hernandez. Yung madaldal na kulot?"

"Yes, but please hindi ako madaldal, friendly lang. Jusme, it's been so long. Kailan ka bumalik? Do you still remember Barbara and Jada? Here, dito upo ka." itinuro niya ang upuan sa tabi niya at umupo naman ang walanghiya.

Naout of place ako sa pagkukwentuhan nila. Busy sila sa paguusap nila at muntik na nila akong makalimutan.

"Anyway, nandito din pala si Jada." Tumingin sila sa akin. I smiled awkwardly and my heart starts beating faster than the normal.

"Jada? Ah yes! Jada Samaniego?" Tumango ako. "Classmate kita, right? At ikaw din yung nagnakaw sa necklace ko." He smirked. Tumingin ako kayna Sheila at Barbs.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong napulot ko lang 'yon? Are you nuts? Bakit ko nanakawin 'yun?" Medyo tumaas ang boses ko dahil sobrang naoffend ako. Hindi naman ako baliw para nakawin 'yun.

 "Oh really? Kaya pala nakita kong binubulsa mo 'yon." Tumaas ang kilay niya.

"Ugh. Bahala ka nga!" Dumapo ang mga mata ko sa mga kaibigan ko. "I need to go. Nawalan ako ng gana. May bad spirit ata dito." Sinubukan nila akong pigilan sa pag-alis ko pero hindi ko sila pinakinggan, nakakabadmood. Tumayo na ako at sinimulan ko nang iligpit ang gamit ko. Nakakabanas. "You don't know her Dust? Imposible, close kaya kayo 'nun nung grade 3 tayo." Narinig kong sabi ni Barbara.

"Are you sure? Hindi ko talaga siya kilala." Nanghina ako sa narinig ko. Hindi na niya ako kilala? Is he kidding? F-ck. How? Hindi niya ako matandaan samantalang sila natatandaan niya? 

"Siya nga lage mong kausap dati eh kami hindi mo pinapansin. How come siya yung hindi mo matandaan?"

"I don't know. Maybe because, she's not worth remebering?" Tumawa siya pagkatapos n'on.

I smiled bitterly. Ganun lang 'yon? Okay fine. I don't care. I'm not worth remembering eh? Fuck this, why Am I hurting like this? I don't like this feeling.

Umalis ako doon ng umiiyak. Why am I crying? Siguro kasi I'm expecting him to recognize me and that's a wrong move dahil masyadong mataas ang expection ko. Sino nga ba ako?. Sana pala hindi ko na lang ulit siya nakita kung ganito rin ang mangyayari.

~~

A/N: 7 Chapters left. Bwahahahaha. 

Sorry sa mga wrong grammars at typos. Ieedit ko 'to 'pag tapos na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

String Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon