#03DearMr.D

3 0 0
                                    

Dear Mr. D,

     Medyo nababadtrip ako.  Medyo lang naman kasi pang 6 days na ngayon no response parin.  Hayyst.  Hindi ko maiwasang di malungkot.  Kasi buti sana kong di ka nagoonline.  Ehh nag oonline ka naman. Minsan naaabutan ko pang 55 minutes ago pero ni 'seen' wala . Minsan tuloy gusto ko ng maniwala sa kaibigan ko.  Na baka nga totoo yung sinabi niya na ''...baka di ka talaga mahalaga sakaniya.'' Pero mas naniniwala parin ako sayo.  Hmm.  Ayun.  D miss na kita.  Alam mo ba nagsisimula na akong mag ipon ng seashells para maging gift ko sayo sa birthday mo.  hahahah Although sa 091217 pa yun.  hahaha Wala parin yung wifi.  Kaya ba lagi akong nadidisappoint kada uuwi ako ehh.  Wala kasi pangatlong entry ko na to di pa napopost.  Hahahaha.  Anyways,  marami na akong naipon na kwento para sayo.  Handa kabang makinig ? Hmm. Wag nalang kaya? Ganto kasi yun nagdrawing ako. Tas gusto sanang makita ko nasa multimedia sa taas yung picture. Tapos isa pa tumigil muna ako sa diet at exercise ko.  Hinihintay ko din kasi yung wifi para sa YouTube na ako kukuha ng gagawin ko everyday.  Tapos alam mo ba nakita ko din di S kahapon.  Nakatingin siya saakin.  Yung dati kong manliligaw.  hahahha. Iniwan ko kasi nakakatakot talaga siya D.  Parang napaparanoid pag nainis.  Natakot talaga ako ng husto nun.  Kaya kahit na gusto ko talaga siya nagback out ako.  Sinabi ko nalang na mag aral muna kami. Kaya ayun.  Ilang buwan ko na din siyang di tinitext mga 3 months na at mag 3 weeks na din akong di nagloload.  Mabuhay!  XD Bago kaya yun.  Tas D gusto din sana kitang tawagan pero baka kadi wrong timing nanaman ako.  Katulad dati tinatawagan kita tas nasa CR ka.  Yung isa naman natutulog ka.  Tas yung isa pa may sakit ka.  Tapos ang pinaka malala nung last December.  During your dance number sa church biglang naputol dahil tumawag ako.  Nakakahiya yun.  Pero D alam mo pansin ko wala kang gana nung sumasayaw ka.  Tapos tinawanan mo pa ako nung bigla nga akong tumawag nakita ko sa video.  Tas alam mo ba dahil doon sa tuwing naririnig ko yung kantang may lyrics na ''that girl is a real crowd pleaser'' naaalala kita. Alam ni Ate L yun pati si Ate M.  Nakakatuwa nga ehh . Pati pag nakakakita ako ng dark na jacket , tas pag naririnig ko yung ''bi-beh'' hahahaha.  Nakakatuwa kasi yung version mo.  Pero naaalala ko lang D bakit pala sinabi mong,  '' salamat alam ko na future ko.'' noong sinabi kong, '' Alam mo D nakakatawa ka din pala no? Kanina pa ako tawa ng tawa dito. Laptrip'' . Wala lang feeling ko kasi parang iba yung dating o paranoid lang talaga ako?  Hahahha  Ayun habang tinatype ko to nagququiz kami sa Math kasi nga Friday ngayon. Tapos ko na kasi. Hahaha.  Bago nanaman yun diba?  Kakasabi lang ni Mam G, ''7 minutes agtalna [tumahimik/tumigil] '' Tas pag katapos nito recess na.  hahahha. Mah favourite.  Sige D mamaya ulit.  Imisshyouu. Ingat lage.  God bless.

---
Maka pa sangit ka nga taltalaga D.  Nakitak gamin tattay nga 39 minutes ago ka.  Paawid kami gaminen. (Iloco yaan)

----
Narecieve mo naman siguro yung message ko diba?  May pinagdadaanan talaga ako ngayong gabi.  Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon wala ka paring time para saakin bess.  Hayy.  Buti nalang di ka nagreply buti nalang di ka nag online kasi kung oo siguro hindi ko nailabas lahat ng sama ng loob ko ngayong gabi.  Siguro hindi ko natutunan ang isang mahalagang bagay. Naalala mo nung sinabi ko.. “People can act like they're really care or believe in you even if not.” May natutunan ako doon.  Naiapply ko ngayon.  Tapos bess alam mo ang pinaka mahalagang aral na natutunan ko ngayon? Na sakabila pala ng pagkadami dami kong kaibigan at kapamilya na pwede mong makaramay.  Hindi parin pala sapat.  Kasi minsan kahit na million million na silang nakapalibot sayo at nakikisalamuha sayo ang feeling is mag isa ka parin. Kasi mali yung taong denedependehan natin. Para bang pagod na pagod kana tapos sumandal ka sa poste na hindi nakahukay. Dapat pala kay God lang tayo dumepemde kasi his the strongest comforter and rest-giver in the whole world from Heaven to Earth Totoo din yung sinabi ng kaklase ko sa GC,  “Anong magagawa namin?  May problema din kami at problema mo yan.” It hurts,  honestly saying,  but that's the truths that's why it got too deep.  Minsan din pala kasi dapat wag din tayong open ng open sa mga tao sa paligid natin.  Bakit?  Kasi minsan pag sa strangers ka nagopen malaki ang possibility na hindi ka niya maiintindihan or worst makakarinig ka lang ng truth-hurts.  Kasi first of all di ka nila kilala deeply that's why they don't know how to respond properly. Gusto sana kitang i'block sa messenger. Pero tinanong ko sa sarili ko, ''Bakit naman? '' tapos sinagot ko yung sarili ko ng,  ''Di ko rin alam.'' Kaya di ka nakablock sa akin.  At isa pa bess grabe si Kuya G ko kilala niya din talaga ako ng husto. Nakadama ang kapatid ko at alam na alam niya ang gagawin niya pag may 'burden-eruption' na magaganap XD Naunahan ko pa nga si Mt. Mayon ehh.  Naunahan ko siyang mag explode.  XD hahhahha

Good nighty XD Lab lab.  Misshiingyouu XD God bless you.

Dear Mr. DWhere stories live. Discover now