#04DearMr.D

2 0 0
                                    

Dear Mr. D,
      1 hour ago ka pala. Tapos block kana sa messenger. Mabuti na din siguro yun.  Tapos balak din kitang i block or i unfriend sa facebook. Gusto muna kitang iwasan.  Kasi total di ka naman talaga nagrereply.  Hmm.  So bale hindi na muna kita machachat.  It's a good thing.  At least kahit anong gawin ko di na din kita machachat.  This time it's  the best thing to do. Masyado na kasi akong dumedepende sa mga taong attached saakin. Ayaw ko ng maging dependent sa iba. Kasi sa oras na kailangan ko sila busy sila o kaya tatawanan ka nila o kaya makakatanggap ka lang ng masakit na katotohanan.  Oo masakit na kalimutan ka muna kahit saglitan lang o kahit pangmatagalan. Kakayanin ko to.  Kung ikaw nga kaya ko akong tiisin ako pa kaya diba? Nandiyan naman si R ehh.  Close na din naman kayo.  Kahit kakakakilala niyo palang. Di na nga ako magtataka namafafall ka sakaniya eh.  Kasi una,
• mapayat siya √
• clingy siya √
• pumupunta sa church √
• close kayo √
• madalas mo siya makita √
• baka kachat mo pa √

Oo siya yung pinagseselosan ko nung last last last last Sunday. Masakit makita yun bess. Oo nga pala naalala ko yung sinabi ni Kuya C,  “...magkaibigan lang naman kayo diba?” Tagos.  Alam mo yun. Saktong sakto yung salitang yun ehh.  Matagal ko na tong tinatago sayo. Mahal na yata kita D ehh.  Ayy hindi. Mahal na kita. Kaya bawat pagkakataon na makakasama kita sinusulit ko,  bawat salita mo D tandang tanda ko pa,  yung yakap mo.  Yun yung pinaka the best.  Magic kasi siya bess ehh.  Nakakapagpagaan ng loob.  Dahil nga sa pagmamahal kong to sayo marami na akong na compose na kanta ehh.  Eto yung mga title,
• Ikaw Na Nga Yata
• As Long As We're Together
• I Need A Space
• Maybe You Don't Really Care
At marami pang darating.

Tamang tama nga yung kantang I Need A Space ehh.

---
Alam mo ba D.  Ikaw ang pinakauna kong best friend na lalaki na bestfriend ko hanggang personal kasi more on nang nagiging 'best friend' kong boy dati ka MU ko.  Ikaw talaga yung iba.  Yung friendship nga natin iba din ehh. Nung una hindi naman talaga kita type ehh. Kasi nga sinungitan mo ako. Di mo ako pinansin. Kaya noon palang turn off na ako sayo. Pero the moment na naging close na tayo in person doon na ako nakaramdam ng iba. Doon ko nalaman na mahal na nga kita ng more than friends. Oo sa maiksing 2 buwan na yun ng 2016 ang pinaka masayang mga araw na meron ako D. Dahil sayo yun. Natatawa nga ako ehh sa over 1 year nating mag kaibigan nakadalawang heartbreak kana. Nung una hindi ka crush ang crush yung bestfriend mong si M tas itong recently hindi ka ata type at hindi nilike ang effort mo na pinost mo sa Fb. Pero bawat heartbreak mo nasasaktan din ako. Kasi parang di mo naman deserve. Or sadyang OA lang ako? Bess,  madami akong pinagdadaanan ngayon Ayaw na kitang gambalahin. Problema ko lang to. May problema ka din. Bahala na kung anong kahihinatnan ng desisyon kong pagiwas sayo. Kung hindi na tayo maging close,  okay lang,  kung makahanap ka ng ibang bestfriend mo,  okay lang.  Ayaw lang kitang madamay sa problema ko. Wag na. Ayaw ko ng magambala nanaman akong nilalang. Basta mahal na mahal kita bess. Pero bess ayaw kong ikulong ang sarili ko sa kulungan na hindi para saakin. Ayaw kong mag settle down sayo.  Ayaw ko nang bigyang malisya lahat ng galaw mo.  Ayaw kitang angkinin kasi di ka naman talaga saakin. Ako'y isang hamak lang na kaibigan mo. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Mr. DWhere stories live. Discover now