MYSTERY GUY: Airport

18 1 0
                                    

Chapter 4

Ilang araw na ang nakalipas. Araw na ng flight ni Leigh papuntang Montrouge, France para mag-aral sa kursong Painting sa Peinture Université. 

Leigh's POV

"Kumpleto na ba? Magdala ka ng jacket ha, malamang malamig doon. Mga damit mo, kasya na ba yan pang 6 months? Passport mo, baka makalimutan? Yung credit card ko? Ingatan mo yan ah, spend wisely! Iskype mo lang kami dito ni bunso pag kailangan mo ng kausap ah. Huwag kang basta basta kakausap ng di mo kakilala. Tapos----" hay nako Ma. Halatang di niya ko mamimiss eh! Pero 6 months ko rin di maririnig yung boses niya, kaya hinahayaan ko nalang. "----mag-aral ka ng mabuti dun. Huwag mong pababayaan pag-aaral mo ha, bihira lang ang nabibigyan ng ganoong pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa." hay sa wakas. Huminto narin. Pagkakataon ko namang magsalita.

"Ma, ma, ma, relax. Isipin mo nalang nagdodorm ako sa isang university kaya di moko madalas makikita. Yun nga lang, di ako umuuwi every weekends. Pero susubukan kong umuwi paminsan minsan kung papayagan ako. Mag-ingat kayo ni lil bro dito ha. Mamimiss ko kayo to the highest level! *tsup* Lavyah, Ma!" nakakaiyak naman. Parang ayoko ng umalis. Kaso, ganon talaga.

"Pasalubong! Sabihin mo pag may chix dun ah, ako mismo lilipad papunta dun!" aba loko to'ng kapatid kong toh. Pupunta dun para sa chix, di para makita ako. HANEP AH. pero ayos lang. mamimiss ko din yang kakulitan niya.

"Chix chix ka diyan! Oh dali na ihatid mo na yang ate mo, malate pa yan sa flight niya. *tsup* labyu anak! Ingat ha." alam kong iyak na iyak na yang si Ma, pinipigil lang. Kasi pag umiyak yan, baka di na kami makarating ng airport. 

Di sasama si Ma sa paghatid sakin, may important meeting daw kasi sa trabaho. So ayun, si lil bro ang maghahatid sakin. 

*nakasakay na sa taxi*

Croo. Croo. Croo.

*pagdating sa airport*

"Sige teh. Ingat ka ha. Pasalubong ko!" "Aba, wala man lang 'i miss you' o 'i love you'? Pasalubong talaga?" "Teh naman, ang cheezy cheezy naman nun eh. Magkikita rin naman tayo! Sige na sige na, may lakad pa kami ng tropa ko. Bye!" gaganyan ganyan lang yan, pero alam ko mamimiss din ako ng BEST BROTHER IN THE UNIVERSE ko. 

Hay. Bigla kong naisip sina Selena tsaka Gino. Di daw makakapunta kasi may mga exam daw sa ilang universities dito sa Pinas. Eh ganon talaga, COLLEGE na eh. Pero atleast ako di na mag-eexam kasi tanggap na ko kagad sa Peinture Université sa France. Ano kaya feeling maging college student sa ibang bansa? Anyways, we'll find out. 

*pagkapasok sa entrance ng NAIA*

...

...

...

Ang WEIRD. As in W-E-I-R-D. Yung guard na nagbabantay katabi nung sensor, may post-it dun sa uniform niya, nakasulat "Whatever happens, i'll wait for you." Syempre di ko na pinansin. Baka di naman para sakin yun. Aiport 'to eh. Malamang maraming umaalis. Tsaka alangan namang mag assume pa ko noh. Kaya ayun, dumiretso nalang ako dun sa pila para---

...

ANG DILIM! ANO YUN! MAY KUMIDNAP BA SAKIN? PINASOK YUNG ULO KO SA SAKO! ANO NANGYAYARI! NATATAKOT AKO! KATAPUSAN KO NA BA? ETO NA BA YUN? DI NA BA KO MAKAKAPAG-COLLEGE? DI NAKO MAKAKAPUNTA NG FRANCE? "Tuloooong! SINO YAN! HOY! BITAWAN NIYO KO!"

Naramdaman kong pumasok kami sa pintuan. Tapos bigla nila kong binagsak sa upuan. Sa tingin ko mga dalawang lalaki sila eh, kasi magkabilaang may hawak ng mahigpit sa dalawang kamay ko. Tinali nila yung mga kamay ko dun sa upuan. Tinanggal yung sako ko sa ulo tapos dali dali silang lumabas. Pagkadilat ko, wala kong makita. Sobrang dilim. Tahimik. 

"TULONG! PAKAWALAN NIYO KO DITO! SINO BA KAYO!" patuloy kong sigaw.

Tapos may linagay na something sa lap ko. Di ko malaman kung ano, pero parang bulaklak. Mabango eh. Di ko naman mahawakan kasi nakatali parin yung kamay ko. Kinakabahan na talaga ako. Mamaya baka psychopath yung nag-kidnap sakin! Kasi magkikidnap nalang may bulaklak pa? ANO BA TOH.

Maya maya, may narinig akong strum ng gitara... Tapos may kumakanta! Parang familliar yung boses.. Pero malabo, di ko maisip kung sino. Magkabilang Mundo by Jireh Lim yung kinakanta niya! Di ko na alam kung ano iisipin ko. Matutuwa ba ko o matatakot? Mamaya baka yung psychopath yung kumakanta tapos pinapasaya lang ako sa una tapos mamaya pala papatayin din ako. HALA ANOBAYAN. Hinintay ko nalang matapos yung kanta.. DI KO NA ALAM ANO GAGAWIN KO EH. Natahimik nalang ako. 

Pagkatapos nung kanta. . . . . . . . . 

Hi Leigh. Di ko alam kung naaalala mo pa ko.. Pero.. Um. *ahem* Gusto ko lang sabihin na... Uhm.. Alam kong napagtapat ko na sayo dati pa yung nararamdaman ko para sayo. Gusto ko lang sabihin na di parin yun nagbabago... at hinding hindi yun magbabago. Pagbalik mo dito sa Pilipinas, ako kagad ang sasalubong sayo dito sa airport at tsaka ako magpapakilala..

Natulala ako. Di ko alam kung magsasalita pa ba ko o ano. BASTA NATAHIMIK AKO. 

Parang... parang... parang.. SI GINO. Boses niya yun eh! Tsaka siya lang naman ang lalaking malapit sa buhay ko.. I-i-ibig sabihin, gusto niya ko? So..so..so.... MU kami?!?!?! 

Oo, may gusto rin ako sakanya. Pero di ko yun masyado binigyang pansin, kasi nagconcentrate muna ko sa pag-aaral ko noon para makapagtapos ako ng HS. Tsaka ayoko sirain yung pagkakaibigan namin. Nagsimula yun nung 3rd year pa lang kami. Pero 1st year ko sila naging bestfriends nina Selena. Hindi 'to alam ni Selena. 

SURE NA SURE AKONG SI GINO YUN! BOSES PA LANG EH. TSAKA PALAGI NIYA KINAKANTA YUN EH! :") Ayaw ko mag-assume...pero siya talaga eh.

Pagkatapos ko matulala at makapag-isip isip.. Biglang may nagtanggal nung tali ko sa kamay. Tapos biglang lumiwanag.. Binuksan na ata yung ilaw. Kaso nang makadilat nako ng maayos, wala namang tao. Walang mga gamit. Ako lang na nasa maliit na kuwarto. Ambilis naman niya lumabas! 

Bukas yung pinto, so lumabas na'ko. 

*sa airplane*

Buti nalang umabot ako. 2 hours early naman kasi ako eh. Sinabi ko lang kay Ma na maaga alis ko para di ako malate.

Di parin talaga ako mapakali sa nangyari kanina. Gino. Gino. Gino. Gino. Gino. Gino. Gino.

HAAAAAAAAAAAAYY.

> Listen to indie music

> Coffee given by the stewardess

> Reading book 

> Cozy pillow

RELAX, LEIGH. RELAX. Huwag muna masyado mag-isip. Haaaay.

-zzzzzz-

Ano yun nagvivibrate. Ay phone ko. May nagtext.

Miss you Leleng! Ingat ha! =)

- Gino

SI GINO! Hala ano sasabihin ko.. May babanggitin ba ko tungkol sa nangyari kanina? Ano sasabihin ko?!

"Excuse me miss, paki 'airplane mode' nalang po yung mobile niyo. Thank you." sabi ng stewardess. Hayy. Di tuloy ako nakapagreply :( 

END OF CHAPTER 4

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------

A / N : Sino kaya yung lalaki nayun? Si Gino nga ba talaga yun? Ano sa tingin niyo? ABANGAN!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MYSTERY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon