Yna's POV
Umaga na pala.. kung di dahil sa mahal kong relos, di ko malalaman na alas syete na ng umaga.
Panu secure kung secure tong white room nato kaasar.
Peru syempre i have my plans..
Alam kong may kumakalaban sakin
Di ko lang alam kung sino.. syempre may nag babala na sakin..
*evil grin*
Kailangan kong maging maingat dahil ang oras ay kakarampot lang.
Bilang na bilang na....
Sabi Niya bata pa daw ako, pero wala akong paki. Age doesn't matter nga diba.
Atsaka para san pa ang talino ko. Ahaha.
Ibabalik ko ang dapat na nasa akin..
Biglang bumukas ang pinto.
Hinanda ko na ang sarili ko dahil marami pa akong dapat malaman.
"Yna... nandito na yung pagkai--Yna ynaaaa"
Naramdaman kong lumapit na sya sakin. Kaya ginalingan ko ang pag arte..
Oo nag kunyarian akong ineepilepsy na ewan.. basta taktika ko na yun. tiwala lang haha.
"Teka Yna! buti na lang at nandito rin si Doc at ang Ambulansya..."
Kitamsss .. ahaha..
Pagkaraan ng ilang minuto sinakay na nila ako sa stretcher pero kunyari wala na kong malay,
Pero kahit nakapikit ay may naaninag pa rin akong isa pang bata na sinasakay rin sa stretcher..
Pero yuck. Alam ko na kung bakit sya dadalhin sa hospital dahil sa mukha nya. Ahaha .
******************
McDolley Hospital
Isa sa pinaka malapit na hospital dito ay ang McDolley Hospital, kaya alam ko nang dito nila ako este kami dadalhin.
Naririnig ko ang ingay mula sa bata hanggang sa matanda na parang may pinapalakas silang loob.
Dumilat ako ng konti at yun nga chinicheer nila yung Pangit na kasama kong bata para sa operasyon nito.
Nalipat na ko sa ibang bed, at naramdaman ko yon.
Dumilat ako konti at akmang tuturukan na ko ng nurse ng bigla ko syang sipain. Bwahaha.
Time check 10:00 in the morning, its showtime....
Bulong ko sa sarili ko.
Halatang nagulat sya, mas lalo naman yung nilabas ko yung kutsilyo ko sa bulsa ko.
"Te -teka ano to joke time ? hehe okay suko na ko. ha-haha"
Sabi nya sabay pilit ng tawa.
Pasensya na Miss pero katapusan mo na.
Tipong sasaksakin ko na sya nang biglang..
"Ahhhh.... "
Pucha naman oh... tsk. epal kasi to..
sa iba ko na ihagis yung kutsilyo.
Panu biglang bumukas yung pintuan at di ako pwedeng mahuli..
Pucha talagaaa... Wala na yung nurse kanina nakatakbo na Bwiseett... Argggggh..
Sa sobrang inis ko tinadyakan ko at inapak apak yung epal na doctor na pumasok..
Tssss. napakaepal yan ang bagay sayo..
BINABASA MO ANG
Time Check [Completed]
Mystery / Thriller"Time check" dalawang salitang nangangahulugan ng kamatayan..