Part 4

97 2 0
                                    

Yna's POV

Dumiretso na ko papunta sa butas na kisame.,

Sakto lang sa pag akyat ko dun eh nasa labas na si Mother at yung lalaking kausap nya ay namukhaan ko na...

Siya yung anak nang Epal na Detective Gon...

Simula nang mamatay si Detective Gon itong anak naman nya ang pumalit sa pangungulit ng buhay ko..

Naku nasa lahi ata nila ang pagiging Epal.. halos 1 week na rin hawak ng Detective Shin na to yung kaso ko.. Pero ni isa wala pa syang napapatunayan ahaha...

Naririnig ko yung pinag uusapan nila mula dito sa kisame...

"Naku Detective, mukhang dapat nung una palang ay mas hinigpitan na natin ang pagbabantay kay Yna... Pano na yan san natin hahanapin yon ?? Diyos ko sana wala na syang iba pang masaktan." sabi ni Mother Therize na mukang alalang alala talaga..

Taray ahh, kala ko di nakapag sumbong yung nurse..Ahaha pwes alam na nila.. Mas madali ng kumilos..

"Wag kayong mag alala Mother, nagpakalat na ko ng mga taong maghahanap kay Yna at sa susunod di na tayo magpapalinlang pa sakanya" taas noong sabi ni Detective Shin.

Natawa nalang ako dun.. Ahaha di magpapalinlang ahh. tignan lang natin huh..!

*Doors Open*

Bigla bumukas yung pintuan at niluwa non ang isang batang humahangos sa hingal.

"Ohh! Elijah , anong meron ? teka... gising na si Dara ??" tanong ni Mother dun sa Elijah daw.

Di naman makapagsalita yung Elijah sa sobrang hingal ata...

Pero hindi..

Hindi sya makapagsalita kasi di talaga sya nagsasalita.. Bwahaha.

Nag sign language kasi sya.. tapos full of emotions talaga .. ahaha kung di lang ako nagtatago pinalakpakan ko na to eh.. Bwahaha..

"Detective Shin ikaw nalang muna ang bahala kay Yna...mauna na kami..."

Yun nalang yung huli kong narinig mula kay Mother.. at bigla ng sumara yung pinto..

Pagkasarang pagkasara pa lang ng pinto ay dali dali na kong kumilos para sa plano ko. hihihi.

Nasa tapat na ko ng pinto kung saan nagusap sila Mother, kaya bago pa lang makalabas si Detective Shin ay naunahan ko na sya..

Dala ang isang tubo na nakuha ko sa kisame , ay pinalo ko ito sa ulo nya. Di na sya nakapalag pa jorlags na eh..

Kumilos na ko at pinagtatatali ko na ang kamay at paa nya pati yung bibig nya...

Siyempre handa ako noh! Planado ko to kaya easy lang kayo .. watch and learn.. Bwahaha.

Tumingin tingin muna ako sa labas kung may tao at nung wala na dahan dahan kong hinila yung nakataling katawan ni detective, medyo mabigat nga lang. tsk.

Habang hinihila ko ay may narinig akong nagkakagulo kaya nagtago ako sa saglit.

Parang galing sya sa isang kwarto. Bigla namang nag ring yung phone ko ??

Eh .... di ko naman dala yun ahh..

Aha! yung phone pala ni Detective, tinignan ko kung sino yung tumatawag...

Mothet Therize Calling....

Pinindot ko na lang yung accept pero di lang ako nagsasalita...

"Hello Detective Shin, papupuntahin ko si Elijah sa kotse mo, pasabay naman sya pabalik sa orphanage. May emergency lang dito plsss.."

Pagkasabi nya non, ay napangiti ako.... Ahahaha. Sakto sya, umaayon ang lahat sa plano....

Time Check [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon