Hindi Na Kita Mahal

1.5K 6 0
                                    

Mahal sabi mo mahal mo ako
Pero bakit ako'y iyong iniwan ?
Iniwang mag isa sa gitna ng kalungkutan
Ikaw na masaya
Samantalang ako, nandito pa rin.
Umaasa na muli kang babalik
Umaasa na muli kang mahahagkan
Pero lahat ng iyon ay isa na lamang
na ala-ala na hindi na pwedeng balikan.
Ang sarap sigurong bumalik sa nakaraan
Kung saan mahal pa natin ang isa't isa
Kung gaano tayo kasaya
At kung paano mo sabihin na mahal mo ako
Ngunit natapos tayo sa salitang
Ayoko Na, Pagod Na Ko.
Ngunit nabubuhay tayo sa realidad
kung saan ang nakaraan ay mananatili
na lamang na nakaraan.
At dumako sa hinaharap
Isang taon
Isang taon na kong nakapagapos sa salitang
"Hindi mo na ako Mahal"
Siguro nga dapat ko na rin palayain ang sarili ko
Sa sakit
Sa kalungkutan
Sa kapighatian
At panahon na rin para bumangon sa isang
nakakatakot na panaginip.
Mahal kaya ko pala
Kaya ko palang mabuhay ng mag isa
Kaya ko pala na wala ka
Kaya ko rin pala maging masaya
At kaya ko rin palang magmahal ulit.
Kaya't mahal, salamat sa pag iwan mo sa akin
Dahil kinaya kong magmahal sa kabila ng lahat.

A/N: This is my fifth piece. Dedicated to kay Simon kasi yung friend kong yun eh mukhang may problema sa love life.
P.S: keep on reading and voting guys. Love love.

Spoken Words And Hugot Lines.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon