"I'm sorry!" lumuluha nyang sambit bago nya ako tuluyang talikuran at iwan.
Tatakbo ba ako para sundan sya? O Hahayaan ko nalang ba?
Tumakbo ako palabas sa aking kinaroroonan makaraan ang ilang minutong napag-isip ko na hindi na sya babalik pa.
Hinayaan kong iwan ako ng kaisa-isang lalaking minahal ko ng buo at walang pag-aalinlangan.
Nasasaktan ako at hindi ko kayang itago yun ngayon. Mabilis akong tumakbo hawak ang dalawang silver stiletto ko papunta sa hindi ko malamang direksyon. Kasing bilis nito ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Hanggang sa hindi ko na alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko. I'm fucking lost and wasted! Oo, parang ayoko ng mabuhay. Gusto ko ng tapusin ang lahat lahat...
Bigla akong natauhan sa ganoong pag-iisip ng may biglang sumulpot na pulang kotse sa harapan ko at bumusina ng ubod ng lakas. Literal na napatalon ang puso ko sa gulat.
"Tang ina naman Miss magpapakamatay ka ba?!" bulyaw sakin ng lalaking akala mo ay pag mamay ari nya ang daan.
At dahil wala akong gana makipagtalo ngayon, idinaan ko nalang sa pag iyak. At nakita kong nagulat sya dahil dun.
"I'm sorry, Miss. Muntik na kitang masagasaan. Nagulat lang ako kaya nasigawan kita. Sorry". bahag agad ang buntot ng gago!
Sa sobrang takot ko at pagod ay agad akong napaupo sa kalsadang binili ata ng hayop na lalaking ito. Awtomatikong napasapo ang aking dalawang kamay sa aking mukha at patuloy pa rin akong umiiyak.
Wala na yata akong kapaguran. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Isipin man nilang baliw ako o kaawa-awa, wala na akong pakialam! Ang mahalaga inilalabas ko yung sakit na nasa loob ko na kulang nalang magpakamatay ako para matapos na ang kahihiyang naidulot sakin at sa buong angkan ko ng kaisa-isang lalaking mahal ko.
At oo nga pala, may lalaking muntik na akong masagasaan kanina. Tatayo na sana ako para tignan ito pero kasabay nun ay ang biglang pag-harurot ng kotse nya at ang pagkapunit ng Wedding Gown na suot ko.
Mukha na akong zombie sa itsura ko. Ang make-up ko burado na dahil sa sobrang pag-iyak. Yung isang pares ng stiletto ko nasa kabilang parte na ng kalsada dahil naitapon ko sa sobrang gulat dahil nga muntik na kong masagasaan!
Bakit ba kasi akala mo perfect na ang araw na ito pero puro pala kamalasan lang?
Bakit ba sa isang iglap lang, iniwan ako sa harap ng altar ng lalaking makakasama ko sana pang habang buhay....
© MisisPurplePen
![](https://img.wattpad.com/cover/114864768-288-k164712.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Run From My Heart [On-Going]
General FictionEverything happens for a reason! At kung anoman ang rason kung bakit nangyayari sa buhay ko ito hindi ko talaga alam. I've waited for it to happen, pero sadyang hindi lang talaga ako malakas kay 'Bro kaya nangyari ito. Pero kung anoman ang dahilan n...