Chapter 2

8 0 0
                                    

**Alisha's POV**

No one can explain how I felt when I saw him — it was hatred mixed with anger mixed with excitement mixed with love and all other feelings.

Wala akong pakielam kay Mark at Janina. Pero I just walked out. Tumayo ako at naglakad palayo. Pag labas ko nung restaurant ay pumasok na lang ako sa kotse ni Zach. Buti na lang 'yong susi ay pinalagay niya sa bag ko.

4 months. 4 months ako nagdurusa para sa kanya. Pero bago 'yun, 3 weeks akong naghabol sa kanya ng sinabi niyang buntis daw 'yung babaeng nilalandi niya sa opisina at siya 'yung ama. I really don't know why that happened.

Pero, I can clearly remembered everything. Lahat ng sinabi niya.

"Buntis siya. Ako ang ama. Babe, sorry. I just didn't know na mangyayari 'to. 'Di ko akalain na mabubuntis siya."

"That's not even the point," I cry. "May ginawa kang katarantaduhan kahit nasa relasyon ka!"

Harsh, right? Pero nung time na 'yun, I was willing to forgive him. It was fine for me. Pero I expected him na habulin ako. Pero hindi e.

"James, please."

"'Di pwede, Alisha. Mahal kita. Pero mahal ko din siya pati 'yung anak kong nasa sinapupunan niya. Pati sinabi sa akin ni mama na dapat pakasalan ko siya. Sorry, Alisha," sabi niya sa akin at sinara ang pintuan.

Siya na nagkaron ng kasalanan, siya pa ng iwan. Ang sakit talaga 'nun. 3 weeks akong pumunta sa bahay niya at kinausap ang pinto nila. Alam ko namang nakikinig siya sa kabilang side e. Alam kong nakikinig niya lahat ng sinasabi ko. Pero wala.

Anong nangyari sa kanya ngayon? Waiter sa isang restaurant? He used to be a secretary na malapit na sa promotion.

Ang daming pumapasok sa utak ko ngayon. Bakit siya nag pakita bigla? Bakit siya doon nag tratrabaho?

**Zachary's POV**

"James."

Tumayo siya at tumakbo palayo.

Tatakbo na sana yung gagong James na 'to at hahabulin si Alisha. Pero tumayo ako at hinarang si James.

"'Wag mong subukan," sabi ko sa kanya. "Don't even try to contact her again. 'Di pa ba malinaw sa'yo? She blocked you on Facebook, Instagram, Twitter, Whatsapp, pati contact number mo binlock na niya. Kaya wag na wag mo na siyang lapitan kasi malinaw na na ayaw ka niyang makausap."

"Ano bang pake mo? Sino ka ba? Boyfriend niya?" Tanong niya sa akin.

"Oo! Ako ang boyfriend niya. Kaya please lang, layuan mo na siya."

"Tanga ka ba?" Tanong niya sa akin. "Ang tanga mo naman isipin na mahal ka niya talaga. 4 months ago lang kami nag break. 'Di mo ba naisip na rebound ka lang? 'Di ka niya mahal. Ginagamit ka lang niya para makapag move on."

Sa sinabi niya, suntok napala niya. "Layuan mo na siya!"

"Pre, pre," sabi ni Mark habang pinipigilan akong suntukin pa ulit 'yung gagong 'yun. "Tama na. 'Lika na."

Hawak hawak siya ng mga kapwa waiter and waitress. Habang ako hinihigit nila Mark at Janina paalis.

"Pre, sino...," sabi ni Mark.

"Pwede ba, Mark? Wala ako sa mood makipagusap tungkol sa lalakeng 'yon. Salamat sa dinner. Bayaran kita bukas. Pero umalis na kayo ngayon. Wala ako sa mood makipagusap."

Pagkasabi ko 'nun, umalis na agad sila.

Una akong naghanap sa mall. Maliit lang naman tong mall. I wouldn't call it mall nga e. Small shopping center na lang.

Gabi na pati kaya wala masyado tao. Naghanap ako, pero wala talaga siya.

Chineck ko 'yung parking lot. Wala din siya. Pinuntahan ko 'yung kotse at nakita siya sa loob.

Kinatok ko 'yung pinto. Tumingin lang siya sa akin at cinover ulit yung mukha niya.

Kinatok ko siya patuloy tuloy. Tapos mga 10 minutes later, binuksan na niya.

I pulled her in for a hug. I don't like seeing the love of my life crying. Ayokong nakikita siya ng ganito. I'll do anything to make her happy.

"Sinundan ba niya ako?" Tanong niya sa akin, medyo nakatahan na.

I looked at her and shook my head. "Sorry. Hindi."

She cried again. "Bakit hindi? Nakita ko sa mga mata niya na parang gusto pa niya ko."

I just looked at her.

Damn. It really hurts me na nagsinungaling ako sa kanya. Pero if this is what will make her stay with me more, gagawin ko talaga.

Tumunog phone niya. Kinuwa ko 'yung phone niya nung nakita kong umilaw 'to.

James Delacruz sent you a friend request.

Gago talaga 'tong gagong 'to. Gumawa pa ng isang account. Para ma-message ulit si Alisha.

"Ano 'yun?" Tanong sa akin ni Alisha.

"Ah.. umm.. wala," sabi ko. "Hans De Leon just posted for the first time in a while."

"Ah. Give me my phone mag sosorry lang ako kay Mark at Janina," sabi niya sa akin habang hinihigit phone niya na nasa kamay ko.

"Okay na 'yun. Nag sorry na ko kanina."

"Ikaw oo. Pero ako hindi," hinihigit pa rin niya phone niya na hawak ko. "Ano ba? Bakit ayaw mo ibigay sa akin?"

Hinigit niya 'yung phone niya at wala na ako magawa para di niya makita 'yung notification.

"James Delacruz sent you a friend request," basa niya. Napa sit up straight siya. Sumilip ako sa phone niya at nakitang inaccept niya 'yung request.

"Alisha," sabi ko na parang galit. "Bakit mo inaccept?"

Tumingin siya sa akin. "Inunblock na niya ako pati inadd niya ulit ako. Baka gusto niya mag usap."

"So?"

She wlaughed mockingly. "So? Alam mo naman na ang tagal ko na hinihiling na magkausap kami."

"Alam mo din naman na tayo, diba?" Tanong ko sa kanya. "Alam mo naman na mahal kita at nasasaktan ako dahil gusto mo makipagusap sa ibang lalake na nagkataon ding ex mo!"

Tumahimik na lang siya. Pareho kaming natahimik ng biglang umilaw phone niya.

Tiningnan niya 'yung phone niya. "Alisha.. salamat inaccept mo friend request ko. Akala ko ibloblock mo ulit ako at iuunfriend. Ang saya kong nakita ulit kita. Please, magkita tayo. Sabi niya."

That's it, Zach. You're dead.

"'Di ko naman siya binlock or inunfriend ah. Nagulat na lang ako isang araw na nung sinearch ko name niya di ko na nakita."

"I did it. I blocked him in Messenger, all social medias, pati phone number niya binlock ko gamit phone account mo. I did it."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon