Maraming pagkakataon sa buhay na nahihirapan tayong tanggapin ang tadhana. Mga pagkakataon na ang maiisip na lang natin ay mawala sa mundo kasi alam mo na hinding-hindi tatanggapin nito ang gusto mo.
Pero yun na nga yon eh. Yung gusto mo lang. Paano na yung gusto ng iba?
Isip tayo ng isip kung bakit hirap na hirap tayong tanggapin ang lahat. Pero ang dahilan lang naman dyan ay masyado tayong umaasa na mangyayari yon.
Paano kung wala ng umaasa ngayon? Paano na kung tumigil na akong maniwala na pwede pang mangyari ang gusto kong mangyari?
Heto ang dahilan kung bakit kita nilapitan, dahilan kung bakit kita minahal, dahilan kung bakit kita iniwan, dahilan kung bakit mo ko iniwan at dahilan kung bakit hindi mo na ako makikitang gumawa ng paraan para tanggapin ang lahat.