Halos nag fast forward isang buong buwan. Naging Muse ako ng Student Supreme Council at nagkagusto ako sa kaklase kong si Stanley.
Di mo na lang mamamalayan na sinagot ko na si Stanley at nag break din kami agad.
Fling lang ang nangyari. Grabe, ngayon ko lang nare-realize na ang aga ko lumandi. Grabe.
I-fast forward natin sa fieldtrip. Doon kasi nagsimula ang lahat.
Nagsimula tayo sa simpleng mong pagtingin sa likod, sa pag babantay sa 'kin, sa simpleng panonood sa kin.
Alam mo, narealize ko din na sana nilapitan mo na ko nun. Sana nag pakilala ka na nun. Sana doon pa lang nag lakas ka na ng loob na ligawan ako. Edi sana noon pa lang napaalam na kita sa magulang ko. Edi sana ngayon wala tayong pinagsisisihan.
Nag papicture ka kasama ang kapatid ko. Sabi mo pa nga, "Kasama ko si bayaw.". Medyo nailang ako kasi kilala lang kita sa pangalan at aaminin sa hindi, hindi ko alam ang ibig sabihan ng "bayaw". Pag tawanan mo na ko, ewan ko na lang.
Pero kung nag pakilala ka na noon, kung umamin ka na, di ko na sana makikilala si Francis.