Part 3

5 0 0
                                    

Dumating na ang United Nations month. As usual, mag pipilian na ng kani-kanilang mga representative.

Grabe, ganun ba talaga kahirap mag hanap?

Nag-iisip na ang mga teachers kung sino ang pipiliin nila. Ang mga magaganda at pogi ay mga nagsisilabasan.

Pero as usual, dahil wala na silang choice, pinili na nila ako. Ang dami nilang gustong isabak pero dahil ayaw nila, bumagsak sila sa akin.

Nag paalam ako sa tatay ko. Buti na lang napayagan ako.

Sa lahat ng hindi nakakaalam, kaya ko naman. Alam ko kung papaano dalhin ang sarili ko sa maraming tao. Ang problema ko lang ay kung paano ko tatanggalin ang lahat ng kaba na bumubula sa loob ng puso ko.

Kung nakikipag karera ang puso ko sa sobrang bilis. Di ko aakalain na sobrang daming tao ang manonood. Pero common sense naman oh. Syempre, gusto nila suportahan ang mga iba't ibang mga contestant.

Buti na lang malabo mata ko. Wala akong nakita sa mga taong nanonood sa akin. Naririnig ko lang sila.

Sumayaw, rumampa, nag salita at kumanta kami sa stage. Nawala lahat ng kaba ko dahil sa sobrang kalabuan ng mata ko. At dahil doon, nagawa ko ng buong puso ko ang pageant.

Long story short, nanalo ako sa high school department. Nanalo naman sa pre school ang kapatid ko at 2nd place naman ang isa ko pang kapatid.

Doon lahat nag simula kay Francis.

Kung Bakit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon