Ito ang favorite part ko yung kiniss niya ko sa lips ng 3 beses!
Wahhhh! Di ako maka get over don! Hanggang pag uwi ko muka akong tanga na abot milky way ang ngiti!! Hihihi.
Ang swerte ko kasi kinuha ni crush FIRST KISS ko yieeee ^/////^
First Kiss
"Uy , gawa mo nga ako dali na" sabi ni Kevin
Asa room kasi kami at English ang subject namin , may activity kasi kaming ginagawa eh.
"Kiss mo muna si Crystal sa lips" pang aasar ko saknya
Si Crystal yung babae kong kaklase na nakuha ang first kiss ni Kevin haha , kanina lang daw siya kiniss kaya inaasar ko.
Para klaro tayo , I'm not jealous , why? Ewan ko din haha
"Ehh ayoko nga , eww" sabi pa niya haha
"Eh kahit sino na lang" sabi ko
Tas ngumiti siya
"Pero wag lalaki ah" dugtong ko
Ang bakla tumawa lang bwahaha.
Nagulat na lang ako nung bigla niyang hinawakan yung pisngi ko gamit dalawa niyang kamay tapos kiniss niya ko sa lips ^/////^ , hindi naman sa gitna pero sa gilid.
Wahhhhhh!!!! That time! Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis! Pero sa huli kinilig ako! Pakshet!
Ang lambot ng labi niya , as in sobra , yieeeee!!
"Gago ka Kevin!" Sigaw ko pero tumatawa ako
Tumawa lang ang lukaret haha.
Ang ending sinulat ko siya bwahaha , masyadong tumalab yung kiss , shet!
Second Kiss
Asa may garden kami , hapon na , sabi wala daw klase eh kaya tumambay kami sa may garden.
Habang nagccp ako at sila Roxanne, Evangeline at Kevin at naghaharutan.
Tae na! Naalala ko yung lambot ng labi ni Kevin!
Hiniram muna ni Kevin yung cp ko kaya ako tumayo at nag ikot sa garden kasi PAKSHET NA MALUPET hindi ako mapakali ehh bwahaha kinikilig pa din ako.
"Hoy! Pumirme ka nga!" Sigaw sakin ni Kev
"Eh bakit nagagalit ka?" Sabi ko habang tumatawa
Kumakain sila Rox at Eva ng kanin na baon ko at ulam manok .
"Uy Kev kumain kana di kapa kumakan ah" sabi ko habang nakaupo kaming apat
"Kain ka kakain din ako" sabi niya habang busy sa pag ccp
"So pag di ako kumain di ka kakain? " tanong ko
"Oo" sagot niya
Kahit ayoko sumubo ako ng isa at sinubuan ko siya hehe , tapos sinubuan niya ko bwahaha.
"Para kayong mag jowa eh haha" sabi ni Roxanne tumawa lang kami
Nung pupunta na kami sa last subject , binigay sakin ni Kev yung cp ko nung bubuksan ko , tae! Ayaw mabukas pinalitan niya ng password.
"Kevin! Buksan mo nga to! Gago talaga eh" sabi ko
Lumapit siya sa akin at...
"Kiss mo muna ko" sabi niya habang nakangiti
"Oo na tara dito amina yang pisnge mo" natatawang sabi ko
"Ehh sa lips" nagulat ako sa sinabi niya pero di ko pinahalata
"Tara dito dali kikiss na kita" biro ko sa kanya
"Mamaya na , dami tao e" sabi niya
Di ko alam kung seryoso siya pero umaasa ako na ikikiss niya ko , AKO NA MALANDI , pero kay crush lang ako lumalandi noh hehe
Habang naglalakad kami nasa hulihan kami ni Kevin , nakaakbay siya sa akin .
"Woi , buksan mona" sabi ko
Pero.... Hinawakan niya yung baba ko at hinarap sakanya saka kiniss ako sa lips ^/////^ sa gitna talag , smack lang pero HEAVEN brad! HEAVEN.
"Pota ka Kevin! Di pako move on sa isa eh!" Sigaw ko sakanya
Tumawa lang siya saka binuksan yung cp ko , yieeee!! Wahhh!!!! Emegesh! Keleg nemen eke mesyede eh!
Third Kiss
Asa Gym kami sige stage na lang haha , kukunan kasi kami sa ID pic namin.
Habang nagkakagulo sila ako nakatahimik sa isang tabi , yung crush ko , ayun lumalandi haha
Pamaya maya pa lumapit siya sa akin tapos , hinawakan yung pisngi ko ng dalawa niyang kamay akala ko titignan niya lang ako pero PAKSHET NA MALUPET TALAGA kinissssssss nya ko sa lipsss wahhh!!!
"Bwahaha , Eva nakita mo yon?! Kiniss ni Kevin si Nikka sa lips!" Sabi ni Roxanne kay Eva
"Asan?? Luh! Diko nakita! Kevin! Isa pa nga!" Sabi ni Eva habang hinihila hila pa si Kevin
Hahaha pero hindi na niya ginawa!! Sulit yung araw ko yieeeee!!!!!!

BINABASA MO ANG
Gay Bestfriend (COMPLETED)
Short StoryHindi pala sa lahat ng pagkakataon ay mababago mo ang isang tao.