Chapter Five: Last Kiss

3.9K 81 2
                                    

Kinabukasan non ay excited na ako pumasok akala ko hindi siya papasok nalate lang pala kaya ang saya ko non.

Break time namin nasa taas kami nakatambay kami , nakaupo ako sa sahig at siya naman ay nakahiga sa lap ko.

Akala ko buong araw ako masaya , kaso pakingshet! Maghapon pala akong badtrip.

"Gusto mo ba maging lalaki?" Tanong ni ela kay kev

Umiling naman siya

"Anung ayaw! Lalaki ka na nga eh!" Sabat ko

"Eh ganito ako eh" sagot naman niya

Hindi na lang ako sumagot , akala ko nababago ko na siya pero hindi pa pala , buong araw akong tahimik bumalik ako sa pagiging tahimik ko.

Pero bago pa kami pumunta sa ibang subject namin , nakatambay ako sa parang terrace dito sa taas ng bldg namin , tapos sumulpot bigla siya pati si Roxanne , nag aasaran kami tapos bigla niyang hinawakan yung magkabilang pisngi ko at hinalikan sa labi.

Hindi ako natuwa non pero aaminin kong kinilig talaga ako.

Simula nung araw na yon hindi na ako umasa na mababago ko po siya.

Sabi pa nga ng ate ko eh 'nagsisimula ka pa lang sumusuko kana'

Pero anung magagawa ko? Isa lang naman akong hamak na kaibigan niya.

2 araw akong naging tahimik bago bumalik sa dati , pinalipas ko lang yung nararamdaman ko sakanya para mawala , alam ko kasi na nahuhulog nako sakanya , kaya para mapadaling mawala umiwas ako.

Hindi madali kasi may part sa akin na gusto ko pa siya kaso hindi na pwede.

Yung bang kaya ko naman eh kaso pano siya?

Mababago ko siya , pero ayaw niya.

Wala na.

Hindi na ako aasa sakanya , nawawala na eh , onti pa wala na talaga.

Gay Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon