Chapter 1- Highschool

16.1K 318 8
                                    

Bella's POV

Highschool

Yup that was me... noong highschool. Matangkad, payat, mahaba ang buhok at naka braces. Eto yung panahon na ang pimples mo ay nagkakaisa at sabay sabay silang nagpaparty party sa mukha. Kapag hindi nakuntento sa mukha lumilipat yan sa likod. Parang bar hopping lang sila.

Sabi nila, masaya daw ang high school. Parang hindi naman. Eto yung time na isinusumpa ko. Urggg... kapag nakikita ko ang naging transformation ko, laking pasasalamat ko sa papaya soap.

Akala ko noon maganda na ako kaya binoto akong muse ng mga classmates ko. Yun pala pinagkaisahan lang ako ng mga gago. Ako naman si excited, nagpa-parlour pa kami ni mama. Tinakpan ng foundation ang mga galit na pimple. Hinawi sa gilid ang bangs ko at pinaka plancha ng baklang beautician ang buhok ko. Gandang gand na ako sa sarili ko noon.

Pinagsuot pa ako ng bra na may pads ni mama. Kasi sa hindi maipaliwanag na dahilan, late tumubo si boobs ko.

Eto na, sa araw ng parade... Wala ni isa sa mga classmate ko ang dumating. Hiyang hiya ako noon. Ako lang ang muse na walang support sa parade. Walang escort. Gusto ko noon umuwi na lang kaya lang nakita na ako ng teacher naming bakla sa PE, kaya pinapila na ako.

Katirikan ng araw, walang humawak ng payong ko. Walang nagpaypay. Yung foundation ko humulas, ang eyeliner ko kumalat. Mukha akong adik na panda noong rumarampa sa stage.

Mangiyak ngiyak na ako noon. Pero kung iiyak ako, lalong kakalat ang eye liner kaya pinigilan ko na lang.
Nang dumating si mama, inayos niya ang make up ko. Saka niya nalaman ang ginawa ng mga classmates ko.

"Pakita mo sa kanila na kaya mo kahit wala sila." Sabi ni mama.
Dahil doon lumakas ang loob ko.

"Hi. I am Maria Ysabella Isidro representing 3-Sagittarius." I proudly said. Kahit si mama lang ang pumapalakpak, okay na ako.

Third year ako ng mangyari yan. Pinilit ko talagang lumaban pero wala eh. Ano naman ang laban ko sa mga 4th year? Ano ang laban ko kung merong audience impact na 10%? Talo na agad ako doon.

Yun na ang huling apak ko sa JRI. Hindi na ako pumasok after ng incident na yun. Nagpunta na kami ng Canada nila mama. And as much as possible hindi ako nag-aaccept ng friends sa FB from JRI.

Masakit besh. Masakit mapagkaisahan.

So back to reality tayo... eto ang kasalukuyang nangyayari kaya naalala ko ang nakaraan.
"Bella, you have to tell us what's bothering you? Saan nagmumula ang insecurities mo?" tanong ni Trisha habang nagpapractice kami ng cat walk.

One minute okay ako, the next nanginginig ang tuhod ko.
So ayun, sinabi ko sa kanila ang nangyari noong highschool.


"That's cruel." Trisha commented.
"Make this your come back, girl. Hindi biro ang competition ng Bb. Pilipinas. Nakapasa kana sa first screening. Focus lang tayo Bella. Don't let your past destroys your inner peace." Sabi ni Manay Lovely.

"Back to our catwalk. Front legs over the left lagi. Hindi pwedeng mauuna ang left. Mawawala ka sa bilang." Sabi nito. Nagpaparactice kami with 8 inches heels. On thread mill. My God. Mukha akong kapre sa tangkad.

Hindi ko alam na ganito kahirap. Pinaubaya ko muna kay Merjie at Yumi ang Sweet Bells.

Kaya ko to. Kapag nagkita kita ulit tayo. Hindi na ako si Isay... Ako na si Bella. Bella Isidro.
With that in mind, nagpractice ako ng catwalk wearing 8 inches heels and my head held high.

Wait lang kayo. Babawi ako.

Heart's in Between- Grace Series 3 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon