Chapter 5- Bakit ganun?

6.6K 180 11
                                    

Bella's POV

"Bakla ka?" I asked him. Humagulgol talaga ako ng iyak.
Nataranta sila kung paano ako papatahanin. Pinaupo nila ako sa couch. Saka binigyan ng tissue, ng tubig, ng pamaypay.

"Juice colored..." Naitirik ko ang mata ko. "Parang ikaw lang ang hindi nakakaalam. Hindi ba halata?" Well pati family ko hindi alam. Pero, hello malayo sila. Nasa Ilocos.

"Baka naman phasing lang yan? Confirmed ba?" I asked again.
Ano bang heart break to? Bakit ang sakit?
"Anong phasing?" parang nainsulto na tanong nito. "Ay gaga yata itong contestant nyo." He told his friends. Hinampas siya ng throw pillow ni Sam para manahimik.

"Bakit umiiyak ka?" He asked me.
"Kasi...mahal kita. Tapos..."
"My Gawwwddddddd...."napatayo ito. Parang diring diri sa revelation ko.
"Umupo ka."Trisha told him. Pinagtulungan siyang paupuin nila Kaye.

"Te, hindi tayo talo. I appreciate your kindness and sweetness pero girl at heart din ako. Same tayo ng gusto. Huwag mo akong iyakan, buhay pa ako." He told me.

Medyo matagal bago tumahan ang mga luha ko. Nang alam kong kaya ko ng magsalita saka nagsink in sa akin na nakakahiya ang ginawa ko.


"Okay ka na ba Bella?" Nag-aalalang tanong ni Trisha.
"Sorry po. Pwede po bang sa ibang araw na lang natin ituloy to?" hindi ako makatingin sa kanila.
"Oo naman. Isang outfit na lang naman. Magpahinga ka na muna." Lise advised me.

I tried to smile. Eto ang pinakamasakit na break up. Yung tipong ikaw lang ang nasaktan. Nasaktan ka kasi umasa ka. Umasa na magiging kayo pero hindi naman pala. Dahil hindi babae ang gusto niya.

"Sorry po talaga." Tumayo ako at nagmamadaling nagpalit ng dahit sa change room.

Mabuti na lang at meron akong assistant na pwedeng pag-iwanan ng shop. Kaya ng nagmessage ako kay Yumi at Merjie, alam nila agad na may problema. Pinapunta ako ni Yumi sa bahay ng papa niya sa loob ng Country Club.


"Ano nangyari?" tanong ni Yui ng yumakap agad ako sa kanya pagkabukas ng pintuan.
"Bella? What happened?" pati si Cloud nag-aalala na din. Wala pa si Merjie pero papunta na daw.

Pinapasok ako ni Yumi at pinaupo sa sala nila.
Humihikbi na ako dahil kanina pa ako iyak ng iyak.
Hindi na nakuhang kumatok ni Merjie. Bigla na lang siyang pumasok sa bahay at deretso sa amin.

"Bella. Bakit umiiyak ka? Ano nangyari sayo?" tanong nito. Kasunod nito si Redgie na nagtataka na din siguro bakit humahagulgol ako.


"Si Frank..."
"Ano ginagawa sayo ni Frank?" tanong ni Cloud.
"Bakla...bakla siya..." napahagulgol na naman ako.
"Erhhh... matagal na namin sinasabi sayo yan." Yumi replied as if I don't know.
"Ang sakit..." I told them.

Alam kong nagpipigil ng tawa si Cloud kaya lalo akong naiyak.
"He was never mine but it still hurt. Ang masakit pa hindi babae karibal ko kung hindi lalaki..."

Tumawa si Merjie. Nakuha nya pang tumawa sa mga oras na iyon.
"Ay sorry Bella. Kasi paminta siya. Hindi totally na bakla. Di ba Cloud?"

"Wala akong alam diyan." Sagot nito.
"What do you mean by that?" Nabuhayan ako ng loob.

"Ano siya... ano ba term dun... Ah basta. Hindi pa sya bading na bading. Baka confused lang, ganun." Sabi ni Merjie. Nakatingin si Redgie at Cloud sa amin.
"Hindi alam sa kanila na gay siya...sort of gay. Di ba Cloud?"

"Ewan." Sagot nito.
"Wala ka ba talagang isha-share sa amin?" tanong ni Yumi.
"Kasi...ano..." naku naipit na si Cloud. "Complicated si Frank."

"Panong complicated?" tanong ni Yumi. Sige Yumi magtanong ka pa..Sayo lang magsasalita yan.
Napakamot ng ulo si Cloud saka tumingin kay Redgie.
"Wala akong alam pre." Sabi ni Redgie.

"Hindi kasi siya nagkakagusto sa babae." Kwento ni Cloud. "Pero hindi naman kasi siya kagaya ng bakla na babae na manamit. Basta... hindi ko din maexplain."

"Magmove on ka na lang Bella. Mas mahirap kung aasa ka pa."Dugtong ni Cloud.

"Bakit ganun?" naiyak na naman ako. And we start all over again.

Bakit kasi ganun? Bakit kasi baklita ka Frank...

Heart's in Between- Grace Series 3 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon