Chapter 1

8 0 0
                                    

Renz Marco

"Pre!! Wag kj halika na!!" Pilit akong hinihila ni Troy sa mas madilim na parte ng sementeryo. Oo, sementeryo. Nandito kami ngayon sa sementeryo dahil nagyaya ang barkada ng ghost hunting. Kapag araw ng patay ganito talaga ginagawa namin, para daw thrilling. Ika-limang ghost hunting na namin to eh.

Last year abandonadong school ang pinuntahan namin, wala din naman kaming napala. Niyaya pa nila ako na sawa na sa ghost hunting na yan. Di naman ako naniniwala sa mga multo eh. Sumama lang ako dahil sa pambablackmail nila tch. Di ako makakuha ng signal dito aish. Hindi ko pa natatapos yung game oh.

"Ayoko nga sabi eh. Una na lang kayo, sunod na ako mamaya. Hanap lang ako ng signal dito" Sabi ko tsaka tumalikod na papalayo sa kanila. Ang iingay nila, gabing gabi pa naman baka may makakita samin dito.

"Sige bahala ka may makikita kang white lady diyan awoooohh!!!!" Pang asar niya habang lumalakad na din papalayo. Saka niya pasimpleng inakbayan yung katabi niyang babae. Tss napapailin na lang akong nakatingin sa kanyang tinatakot yung babae para mas lalo pa itong kumapit sa braso niya. Pffft mana talaga sakin yang lalaking yan, playboy😎😉.

"Pffft hindi na ako bata para matakot!" Sigaw ko din habang tumutok na sa paglalaro ng cp ko.

Mangangalahating oras na akong naglalakad dito pero wala pa rin akong mahanap na matinong signal. Ayst. Hype kasing mamblackmail nung lalaking yun, panira ng reputasyon.

Nung napagod na ako sa paglalakad ay umupo na lang ako sa...upuan ba to? Napapaligiran na ng lumot eh. Tsaka ito lang naman ang pwedeng mauupuan dito bukod sa matatataas na mga damo. Bahala na.

Tutok na tutok pa rin ako sa paglalaro nang naramdaman kong may dumaang malamig na hangin mula sa likod ko. Hoooh. Nakakatindig balahibo, nakalimutan ko naman kasing magdala ng jacket tsk. Saka ko nakitang lumakas na ang signal. YES! Mahina akong napasigaw sabay suntok sa hangin dahil sa tuwa. Mas ginanahan pa akong maglaro. Teka, nasan na ba sila Troy? Tagal na nilang nagha-

"Puntod ko yan." Huh? Tumingin tingin ako sa paligid para malaman kung sino yung nagsalita. Sino yun? Babae yung boses eh.

"Sino yan?"

"Puntod ko yan, umalis ka diyan." Tumingin ako sa likod at may nakita akong babae. Maamo pero seryoso ang mukha. Nasisisnagan ng ilaw ng buwan ang kalahati ng mukha niya.

"Uh...hi miss. Bakit ka nandito?" Tinignan ko ang oras. "Malapit nang maghating gabi para bisitahin ang mga pumanaw mo nang kamag anak, tsaka delikado para sa babae ang lumabas ng ganitong oras" Pasimpleng gentleman para pogi points.

"Puntod ko yan." Grabe,yan lang ata alam niyang sabihin. Tsaka, p-puntod?

Dali dali akong tumayo mula sa puntod at pilit na ngumiti sa kanya. Ba't ngayon ko lang nalaman na puntod yon ayst. Wala talaga akong respeto sa mga yumao. Saka natabunan na ata ng lumot yung pangalan kaya wala akong nakitang signs na puntod na pala yung inuupuan ko. Palusot.com.ph😀

"Sorry di ko alam hehe." Tsaka ko pasimpleng pinagpagan ang inuupuan ko kanina. " Puntod ba to ng nanay mo?tatay?kapa-"

"Puntod ko yan." Eh?Napatigil ako sa ginagawa ko. Saka dahan dahang tumingin sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto. Nakasuot siya ng puting bestida. Maputla ang kutis. Seryoso ang mukha. Pero bakit hindi ko naisip na multo siya? Nagdilang anghel yata si Troy kanina. Nakakita ako ng-

"Puntod ko yan."

Tsaka ako nawalan ng malay.

PossessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon