Renz Marco
Napabalikwas ako mula sa pagkakagising nang may naramdaman akong basa sa ilong ko.Morning dew ata(a/n: kung meron mang ganong word😀✌). Napansin kong nakahiga ako sa sahig malapit sa puntod. Teka, panaginip lang yung kanina diba? Nakatulog lang ako kanina saka ako nahulog sa sahig. Oo tama ganun nga.Pinagpagan ko yung shortpants ko saka nagready nang tumayo. Tsaka anong ora-
"Gising ka na pala." Napatigil ako sa pagtayo nang narinig ko nanaman ang boses na yun. Saka ko nilingon ang babae sa likod ko. Hmmm...parang hindi naman multo. Baka nagpaprank lang to. Masabayan nga.
"Kamusta? Okay ka na?" Saka siya ngumiti. Waah para siyang anghel, ang amo talaga ng mukha niya. Ayun nga lang maputla.
"Uhm.." Isip ka ng sasabihin mo! "Pinapatawad mo na ba ako sa pag upo ko sa puntod mo?" Paano nga kaya kung totoo ngang multo to? Brrr..hindi naman ako takot sa multo- hindi pala ako naniniwala noon sa multo pero ngayong nakakakita na ako...HINDI parin ako natatakot. Astig ko kaya😎.
"Hmm...ngayon lang naman may hindi rumespeto sa puntod ko kaya okay lang. Pinapatawad na kita." Sabay ngiti. Woah. Kanina lang nakakatakot siya kasi ang seryoso ng mukha niya pero ngayon....ang ganda ng ngiti niya. Mapormahan nga to bukas. Wahahaha.
Pero teka lang, for confirmation kaya. Tanungin ko na lang. Paano nga ba malalaman kung multo yung kausap mo? Hmmm..
"Teka uhm, multo ka ba...talaga?" Slow mo pa ang pagkakasabi ko nun kasi baka ma offend.
"Hmm..gusto mo ng proof?" nakita kong sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Watda...
Late na ng narealize kong dumaan siya sakin!! Dumaan mismo sa katawan ko!! May naramdaman akong pagkahilo at lamig. Napaupo ako sa sahig sa sobrang hilo. Tinignan ko siya at may plano pa ata siyang daanan ako.
"T-teka teka!!! Oo na!! Oo na multo ka nga!!!" Sigaw ko habang nakapikit na sinasangga ang mga braso ko, though alam ko namang useless yun.
Ilang sandali pang katahimikan bago ko siya sinilip. Pero wala na siya sa harapan ko. Saka ako nakahinga ng maluwag. Hoooh!! Buti nga naman umalis na yun. Baka mahimatay nanaman ako dito eh. Inayos ko na lang ang pagkaka upo ko saka humara-
"Aaaaagghhhh!!!!!" Saka ko tinakpan ang bunganga ko. Lagot na kung may makakita ng pagkawala ng pagiging astig ko.
Sino ba naman kasing hindi magugulat kung may bubulaga sayong nakalutang na babae?
"Huy! Ikaw bumaba ka nga! Nakakagulat ka.." Napansin kong malawak ang ngiti niya habang bumababa na mula sa ere. Kung si Troy siguro tong nagprank sakin gugulong na siya sa sahig kakatawa. Pero iba tong multong to. Malaki lang ang ngisi niya habang nakatingin sakin. Hmmm...ganun siguro ang mga multo, hindi tumatawa.
"Sorry." Sabi niya sabay peace sign sakin.
Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatitig sakanya ng mariin. Nakatingin din naman siya sakin habang nakangiti. Grabe, hindi ba siya nahuhulog sa charms ko? Kung ibang babae lang to kanina pa sana to nangisay sa sobrang kilig. Ganun ako kapogi 😉.
"Hooh multo ka nga talaga." Sabi ko habang nakangiwing nakatingin sa kanya.
Nakita kong lumungkot ang mukha niya.
"Oo, mahigit isang dekada na akong patay." Woah nagbibilang din pala ang mga multo? 😂 "Pero hindi matahimik ang kaluluwa ko...sa hindi malamang dahilan. May misyon pa ata akong hindi nagagawa sa lupa. Matagal na rin akong naghihintay ng bibisita sakin pero walang dumating. Tuwing araw ng mga patay, yung mamang mabait lang yung naglilinis ng puntod ko. Saka nag-aalay ng konting pagkain. Hindi ko kasi maalala kung sino ang mga kamag-anak ko. Pati ang dahilan ng...pagkamatay ko."
Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Pansin kong malungkot talaga ang mukha niya, parang nababasag na rin boses niya pero wala namang luhang kumakawala sa mga mata niya. Ganun kaya ang mga multo? Hindi lumuluha?
Scientifically speaking kaluluwa na lang yang kausap mo. Meaning wala siyang katawan na dahilan para magpakawala siya ng fluid na tinatawag mong luha.
Tsk. Shooo!! Secong brain ko lang yan wag niyong pansinin. Anyways, back to the present.
"So, wala ka talagng maalala kahit ni katiting?" Tanong ko para mawala yung katahimikan. Pansin ko lang din, antagal atang sumikat ng araw? Ilang oras ba akong natulog? Anong oras na ba...teka,wala pang alas tres? So mahigit isang oras lang akong natulog kanina. Saka nasan na ba sina Troy, ayoko na dito....
"Wala..pero okay lang." Pansin kong umaliwalas yung mukha niya. "May naisip na akong gawin habang naghihintay sa pag alis ko sa mundo😄."
Teka...parang masama ang kutob ko sa gagawin niya ah...
"A-ano naman yun?" Please, please sana hindi yun--
"Diba kaibigan naman na kita?" Teka kailan ko yun sinabi???😰
"Ahehe...O-oo naman." Diba nga...bawal galitin ang multo.
"Kaya susundan na lang kita! Ikaw na ang guardian ko!!"😄🎉🎉
Nawalan nanaman ako ng malay.
Mumu's thoughts
Lah? Anong mali sa sinabi ko? Gusto ko lang naman siyang sundan... I mean yung sundan yung sunduin-- hindi!! Sundan....follow(?)Hmmm😕
Akala siguro niya ako si grim reaper na gagawin siyang kapwa ko kaluluwa. Hindi naman ako ganun kasama ah. Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan, parang si Casper ba😁. Yung friendly ghost.
Pero pano ko kaya to gigisingin? Ayaw ko namang matulog na lang siya hanggang sunrise. Gusto ko ng makakausap tsaka siya pa lang yung taong lumapit sa puntod ko bukod dun sa mamang mabait. Saka siya pa lang ang taong nakakakita sakin kaya ang saya nito😄🎉.
