09.24.16

0 0 0
                                    

09.24.16

Ito yung time na ininvite kami ng isa sa mga church sa may pasig. Ininvite yung choir namin na kumanta doon sa lugar nayun.

Kasama ko sina mama at yung dalwa kong kapatid na kasama din sa choir. Mostly pag may mga nagiinvite sa amin ay si mama lang ang sumasama sa amin. Hindi kami nag dala ng car at nakisabay lang kami sa van na pinarent para pumunta doon.

Sa pinakalikod kami ng van nakaupo katabi ko ate ko at sa kabilang gilid ko ay may vacant seat. After na na settle na kami ay biglang pumasok si butchoy at don siya tumabi sa akin.

Una sobrang tahimik pa namin non at hindi kami gaano naguusap kase nga diba hindi kami ganun kaclose dahil sa ginawa ko nung una naming meet.

Otw na kami papuntang pasig tas naguusap na naman kaming dalwa. Sobrang random ng pinaguusapan namin. Tas dumating sa point na sinabe ko sakanya yung pinakamamahal kong celebrity na nasa korea.

Walang iba kundi si KIM WOO BIN!!!😍💕

Tas sabi niya sakin na nakita daw niya yung isa sa mga billboards na nadaanan namin sa manila na nakita daw niya. Todo hanap naman ako kung saan pero pagtingin ko hindi naman yun si Kim Woo Bin eihh.

Si Lee Min Ho naman yun😭 umasa talaga ako na siya nayun eihh kainis. Hinampas hampas ko siya eih.

Pero kung makakausap mo talaga tong lalakeng to maloloka ka sa mga tanong niya na sobrang common sense na talaga😭

Nung nakarating kaming church wala na kaming masyadong paguusap ni butchoy. Magkaiba naman kami ng boses at medyo malayo layo siya line pagkakanta kami.

After ng kanta namin don ng morning ay kakanta din kami ng afternoon. AY ng church kami ang maghahandle, imbis na magpapaactivity kami ay nagkaroon kami ng mini concert sa hapon.

Masaya ako ng pagpunta namin doon kase pumunta yung tita at mga pinsan ko pati nadin ang pamangkin ko para manood sa amin. Sobrang tuwa ko na kahit pa paano ay napanuod nila yung pagkakanta naming choir.

Sunset na at pauwi na kami galing church at ganoon na naman yung seating arrangement namin sa van. Sobrang pagod namin dahil sa pagka kanta.

At this time naglalaro kami ng game. Itong game na to ay lagi naming nilalaro ng mga kapatid ko sa car kung gagala kami.

Ang laro nato ay may magsasabi ng letter for example: C tas isa isa kay g lahat magsasabi ng word na starts with letter c at paikot yun sa mga kasali hanggang sa wala ka nang maisip.

Naglaro kami non, kami kaming nada car. Ang mga andon ay ako, si butchoy, ate ko, yung bunso kong kapatid, at yung isa pa naming kachoir na kasali din.

Masaya kaming naglalaro laro hanggang sa may time na nagsimula na sa letter: J nung una okay okay pa pero kinatagalan blinablackmail ako ng ate ko, yung isa kong ka choir at etong si butchoy.

May isang name sila na gustong gusto nila ipasabi sa akin na nagsisimula sa letter J. Syempre kilala ko na kung sino nila gusto kong banggitin, walang iba kundi si (itago natin sa pangalan na Stick).

Siya lang naman yung lalaking nangiwan sakin after 1yr and 10 days na pagiging mu. Sobrang padaba ko talaga tong lalaking to kaso lang dahil sa katoropehan niya ay don na niya tinigil yung meron sa amin. Okay na sana kami eih kaso yun nga inuna niya katorpehan niya kaya may dulo din ang punta namin. Dito lang ako nagsobrang effort to the point na nagpupuyat ako para may maibigay na sorry gift at yung pang one year na gift ko sakanya. Pero wala na yun.

Nagmomove on na talaga ako dito sa lalaking ito yun nga lang nung naglalaro kami nung game. Hindi ko magawang mainis kay butchoy.

Aaminin kong naaattract na ako sakanya sa ngayon. Nakikita ko yung kakulitan niya at yung itsura niya na hinding hindi ko talga nakita nung last school year. Pero hindi ko pa talaga siya crush o gusto, naaattract lang talaga.

Nainis ako kasi yun nga kung kelan nagmmove on na ako saka pa ni butchoy pinapasabi talga sakin yung pangalan ni stick. Sa pagkainis kk at para matahimik na sila ay sinabe ko na padabog at tinanong ko sila kung masaya na sila. Mas nainis pa talga ako nung sinabe nilang lahat na oo daw, tas may pag palakpak pa na ginawa sila.

Napafacepalm nalang ako sakanila at hindi ko pinapakita yung pagakainis ko sakanila. Well doon ako magaling eih ang pagtatago ng pagkainis o galit:)

Nawala yung pagkaattract ko sakanya that time, At parang pinupush parin niya ako kay stick kahit ayoko na. Doon ako medyo nawalan ng gana sakanya, na parang inisip ko talga na hanggang kaibigan nga lang talga tong si butchoy.

Yung tipong parang laro laro lang sakanya yung lahat. Ganun yung nakikita ko sakanya at dahil don nawala na agad yung pagaattract ko sakanya. Kahit sa school na kami parang wala nalang ulit siya. Ordinary lang na mga araw yung nagaganap after ng nilaro namin yun....

My Life with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon