10.30.16
Baguio💕
Sa baguio ang tour naming choir, malamig at ang saya dito. Ngayong araw ang time namin para gumala dito sa baguio.
October 28 - November 1 ang stay namin dito sa baguio. Yung first two days ay byahe namin from silang, cavite at concert nadin naming choir. Ngayon naman ay gagala na kami sa botanical garden, burnham at kung saan saan pang tourist spots dito sa baguio.
Kaninang umag ang aga ko nagising mga 5:30 nakaligo na agad ako nun at kabahay ko yung isa sa mga bestfriend ko. Nakaupo lang kami sa labas ng bahay na pinagsstay namin.
Hindi ko alam bakit ang unang pumasok talga non sa isip ko ay si butchoy. After kase nung nagpasig ay nawala nanga yung pagkaattract ko sakanya pero simula na naman sa kung saan saang churches na naman kami iniinvite, bumabalik lagi yung pagkaattract ko sakanya. Pati nadin pagnapasok sa school.
Lagi na kase siyang nalapit sakin. Magtatanong ng kung anu ano about sa school, tas nagpapatulong siya sa mga lessons namin.
Naalala ko pa last time ay may assignment kami sa health na kelangan mag research tas napkadami ng kelangang iresearch mga 20 about sa ibat ibang klase ng drugs. Tas chinat niya ako para manlang kumopya sakin.
Ang kapal din nitong lalaking to eihh chinat banaman ako para kumopya man lang😂 kaasar eih. Sabi ko sakanya hati nalang kaming dalwa or tulungan nalang kami para fair naman yun sakin. Tas pumayag naman siya don.
Tas naalala ko din last week, chinat niya ako tas nagpapaaral siya sakin about sa table of elements kasi kinabukasan ay test namin sa science about doon. Natatawa nga ako nung nagcchat kami eih 😂 kase yung feeling na matatawa ka sa mga pinagsasabi niya na ewan talaga.
Banaman magttanong sakin ng wala don sa periodic table, yung nagawa siya ng sarili niyang elements. Sabog kase eihh kaya ganun😂
Tas sa school llapit lapit sakin tas tatabi nalang at magtatanong ng kung anu ano.
Ewan ko ba kung anu nanaman nangyayare sa sarili ko eih.
Siguro dahil sa actions na pinapakita niya sakin ay bigla ko nalang nasabi sa bestfriend ko that time na may crush na ako. Para sakin kase crush palang talga yung turing ko sakanya. Hindi ko sinasabi kahit kanino talga yung kung sinong crush ko ang sinasabi ko lang ay nag eend yung name niya sa R.(actually hindi talaga R yung end ng totoong pangalan ni butchoy, yung isa kase niyang palayaw na hindi masyadong tinatawag sakanya ay nag eend sa R, kaya para may thrill ay yun yung ginamit ko😁)
Hindi ko pa kasi sure that time kung crush naba talga yun or kung gusto ko naba siya. Kaya sabi ko lang ay nag eend yung name niya sa R, sinabe ko pa sa bestfriend ko na after three months saka ko sasabihin sakanya kung sino si R.
Pagsabi ko nun sa bestfriend ko ay biglang nakita ko si butchoy paakyat ng basketball court pra maglaro ng basketball. Niyaya ko agad ang bestfriend ko na umakyat din at para makita nadin yung naangat na araw.
Ang lamig don sa taas dahil sa hangin at makikita mo yung usok galing sa bibig mo habang nagsasalita.
Pinapanood ko lang that time sina butchoy pati nadin yung iba naming ka choir na naglalaro. Nakakatawa nga siya maglaro eih as in matatawa ka talga pati nadin sa pagka sabog niya.
After nun ay hinintay pa namin yung iba naming kachoir na magising na at nagsimula na kaming maggala sa baguio. Buong araw nayun ay magkakasama kaming magkakabatch at kasama nadin don si butchoy na sama samang naggagala.
Ang saya lang sa feeling kase nag ppicture picture kami don at bumubuo ng memories. Tas may time pa na si butchoy yung nagpipicture samin gamit ang dslr tas gulat nalang ako na bigla siyang tumawa ng malakas. Nagtaka naman ako sakanya tas pinakita niya sakin yung picture ko na ampangit ng mukha ko.
Zinuzoom in niya pa talga yung mukha ko. Naiinis nalang ako na natatawa sakanya eih. Sa lahat ba naman ng pwede niyang asarin mukha ko pa talaga. Pero imbis na magalit eih natatawa nalang ako sa pangaasar niya sa akin😂
May time pa na magkkasama kaming tatlo kasama bestfriend ko na nakaupo lang kami tas nagppicture din. Makkita mo talga ang pagka sabog niya kahit kailan. Naglalaro din kaming dalwa ng frisbee tas one time pinahabol ko talga siya ng frisbee eih anlayo ng pagkahagis ko😂 kawawa ang lalaki naghabol
One time din sa burnham park kami nagkayayaan kami na magroller skates doon paikot sa loob ng isang palaruan. Nakakatuwa lang kase halos lahat sila na kasamahan namin ay marunong mag rollerskates tas kaming dalwa ni butchoy ay hindi marunong. Lagi akong nagpapatulong sa mga kasamahan ko non kung paano pati nadin siya.
May time pa na nagtutulungan kaming dalwa para man lang makaandar kaming dalwa sa pagrroller skates. First time kong mag rollerskates at Sobrang enjoy talga ako non at hindi ako nagkamali na hindi magtry. Naghhesitate pa ako nung una eih pero naisip ko na gusto ko magtry ng new things.
Andaming beses kami natumba ni butchoy eihh nakakatawa lang after namin magrollerskates ay parehas kaming may pasa pasa sa tuhod. Yung pasa pa na may green pa😂 sobrang saya talaga ng experience.
Dito ko talga nakita at nalaman ang nararamdaman ko para sakanya....
BINABASA MO ANG
My Life with Him
RandomHindi ito basta story, gusto ko lang ilagay dito lahat ng nararamdaman ko yung tipong wala kang masasabihan at dito ko nalang binubuhos lahat. Parang diary ko nadin to at gusto ko lang maexpress yung saya, pagkatampo, pagkainis, galit, pagkathankful...