Chapter 1: Ang Reporter Ng Cavite

35 2 0
                                    

Siya si Matilda Paredes, isang tagapagbalita sa maliit na estasyon ng radyo sa Cavite. Dedikado siya sa kanyang trabaho kung kaya't may mga pagkakataon na nalalagay na sa panganib ang kanyang buhay. 'Di alintana ang panganib na kaakibat ng kanyang trabaho ay patuloy pa rin siyang nagsisikap para sa kanyang pamilya.

Bago pa man maging isang ganap na tagapagbalita ay humarap na siya sa mga iba't-ibang hamon ng buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago pa man maging isang ganap na tagapagbalita ay humarap na siya sa mga iba't-ibang hamon ng buhay. Isa na sa hamong kanyang hinarap ay ang pagpanaw ng kaisa-isa niyang anak na si Julia. Ilang buwan matapos ang pagkamatay ng kanyang anak ay ibinuhos niya ang lahat ng kanyang atensyon sa kanyang trabaho bilang alalay sa estasyong kanyang pinagtatrabahuhan ngayon.

Hanggang sa mabigyan siya ng isang pagkakataon upang patunayan ang kanyang sarili. Alam niyang ito na ang pinakamalaking panganib na haharapin niya, ngunit ito lang ang paraang nakikita niya para sa inaasam niyang promosyon. Noong una ay nagdalawang-isip siya, pero kalauna'y napagdesisyunan niyang tanggapin ang kasong ito.

Lumipas ang isa, dalawa, at tatlong araw sa pagkalap niya ng mga impormasyon sa kasong ibinigay sakanya. Sa tatlong araw na iyon ay walang gabi na siya ay nakatulog ng maayos. Gabi-gabi siyang binabangungot, dahil sa patong-patong na kasong kinakaharap ng taong kanyang kukunan ng pahayag. Isang mamamatay tao ang kinakailangan niyang usisain at pag-aralan ng maigi.

Bago pa man ang takdang araw ng kanilang pagkikita ay nagpasya siyang pumunta sa probinsya kung saan nanirahan ang lalaki. Nagtanung-tanong siya sa mga tao sa baryo ng San Felipe, ngunit bigo siyang makakuha ng impormasyon. Ang tanging sinasabi lamang ng mga tao ay "mabait siya, masiyahin, at mapagmahal, pero walang kapatawaran ang kanyang ginawa."

Gulong-gulo na ang kanyang isipan pagka't magagandang bagay ang laging naririnig niya mula sa mga tao rito, ngunit sila ay mukhang takot, nalulungkot, naiiyak, nagagalit, at tila ba'y puno ng poot ang mga mata. Para bang sa likod ng magagandang salita na kanilang binibitawan ay may sumasaksak na patalim sakanilang mga puso.

Mga alas-otso na ng makarating ang bus na kanyang sasakyan pauwi ng Maynila nang may biglang bumangga sakanya dahilan upang malaglag niya ang mga litrato ni Benjamin Ramos. Isang matandang babae ang tumulong sakanya at tila ba'y natigilan ng makita ang litrato ng lalaki.

"Bakit ka may litrato nitong lalaki ito? Hindi mo ba alam na mapanganib siya at kayang-kaya ka niyang patayin?" ang nakakakilabot na mga tanong ng matanda.

Kahit takot na takot na siya ay lakas loob niyang tinanong ang babae kung mayroon ba siyang alam tungkol sa lalaki sa litrato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit takot na takot na siya ay lakas loob niyang tinanong ang babae kung mayroon ba siyang alam tungkol sa lalaki sa litrato. Tumango ang matandang babae at naglabas ng litrato ng isang batang babae.
"kung sakali mang magkita kayo; ibigay mo ito sakanya at siya na mismo ang magkukusang magkwento tungkol sa buhay niya." Ito ang huling sinabi ng matanda bago ito umalis.

Mas lalong gumulo ang kanyang isipan sa kung sino ba talaga si Benjamin at bakit ganun ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sakanya. Andaming pumapasok sa kanyang isipan at isa na rito ang litrato ng batang ibinigay ng matandang nakausap niya. Hanggang sa naalala niya ang sinabi ng baliw na nakasalubong niya bago siya makarating sa sakayan ng terminal. "Sa paglubog ng araw ay may matang nakatingin, nanlilisik na mga matang sumisigaw ng hustisya. Tila lahat ay naging pipi't bingi kaya nama'y si juan naging demonyo sa dilim."

Dumating na ang takdang araw para makunan niya na ng pahayag at saloobin ang lalaki sa likod ng kanyang misyon. Kaba ang una niyang naramdaman hanggang sa papalapit na ng papalapit ang lalaki. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi siya makatingin ng tuwid dito. May nag-uudyok na sakanyang huwag itulay pero biglang nagsalita ang lalaki.

 May nag-uudyok na sakanyang huwag itulay pero biglang nagsalita ang lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nag-aaksaya ka lang ng oras mo."

Image source: pinterest

Behind the bars: Benjamin RamosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon