Chapter 4: Sulat Kay Matilda

3 0 0
                                    

"Hindi ko alam kung paano ka makakausap. Siguro ngayon ay pinagbawalan ka ng makalapit sa akin. Handa na akong sabihin sayo kung paano ko pinatay ang mga lalaking kinukuha ko. Kung sino ang batang ipinakita mo sakin. Kung bakit nagkaganito ako. Ito na lamang ang tanging paraan na nakikita ko para makausap ka at sana matulungan mo ako. Oo, masama akong tao at kaya kitang patayin kung gugustuhin ko, pero hindi ko iyon gagawin kailanman. Tulungan mo ako at tutulungan kita. Magpadala ka sa akin ng sulat, hanapin mo si Ricardo De Leon at ibigay mo sakanya ang sulat mo. Nakatira siya sa San Felipe. Huwag na huwag mong ipapaalam sa iba ito. "

Hindi inaasahan ni Matilda na manggagaling kay Benjamin ang sulat na kanyang natanggap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi inaasahan ni Matilda na manggagaling kay Benjamin ang sulat na kanyang natanggap. Tila ba ito ang nag-udyok sakanya upang mas lalo pa siyang maging interesado sa kaso. Ngunit ngayon na hindi na siya ang may hawak ng kaso at wala na siya permiso upang makapasok sa bilibid ay mas higit na magiging mahirappara sakanya ang pagkuha ng mga impormasyon.

Kinabukasan ay pumunta siya sa San Felipe at hinanap si Ricardo o mas kilala bilang si Mang Rico. Liblib ang lugar kung saan nakatira si Mang Rico. Bago makarating sakanyang bahay ay dadaan ka muna sa mga palayan at kakahuyan. Siya at ang kanyang lalaking anak lamang ang nakatira doon.

Pagkarating niya sa bahay ay pinapasok agad siya ng anak ni Mang Rico atsaka niya nakita ang matanda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkarating niya sa bahay ay pinapasok agad siya ng anak ni Mang Rico atsaka niya nakita ang matanda. Kahit may edad na ang matanda ay nananatili pa rin itong malakas. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Matilda at tinanong kung kilala ba niya si Benjamin Ramos. Tinitigan siya ng matanda na tila ba'y naguguluhan, tumayo ito at kinuha ang isang lumang kahon na puno ng mga litrato.

Ikiniwento niya na si Benjamin ay ang kanyang Anak na si Juanito Benjamin Ramos De Leon. Tinanong ng matanda si Matilda kung may nakasalubong o nakausap ba siyang baliw sa baryo atsaka ikinuwento na ang mga sinasabi ng babae ay totoo at ang Juan na tinitikoy nito ay si Juanito na kanyang anak. Patuloy na ikinuwento ni Mang Rico ang buhay ni Benjamin pati na rin ang tunay na nangyari at naging kasalanan nito. Nakiusap siya kay Matilda na kung maaari ay walang makakaalam na sila ang nagsabi nito. Isang pakiusap para sa proteksyon ng mag-ama.

Dahil sa kanyang mga nalaman ay dumiretso siya sa estasyon ng radyo, ngunit sa kasamaang palad ay nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang boss na sinasabing hindi na niya kailangan pang pumasok pagka't siya ay tanggal na sa kaniyang trabaho.

Dahil sa kanyang mga nalaman ay dumiretso siya sa estasyon ng radyo, ngunit sa kasamaang palad ay nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang boss na sinasabing hindi na niya kailangan pang pumasok pagka't siya ay tanggal na sa kaniyang trabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinubukan niyang kausapin ito, pero buo na ang desisyon ng kanyang boss na siya ay permanente ng tanggalin sa trabaho, dahil tingin nito ay isang kapalpakan ang ginawa niya noon. Hindi lubos akalain ni Matilda na sa isang iglap ay mawawala lahat ng kanyang pinaghirapan.

Kinuha niya lahat ng kanyang gamit at nagpaalam sakanya mga katrabaho noon. Lahat sila ay nalungkot sa pagalis ni Matilda lalo pa't naging mabuting kaibigan ito sakanila.

Pagkauwi ni Matilda sakanilang bahay ay tinignan niya ang litrato ng kanyang anak na si Julia. Nag-isip siya ng paraan kung paano niya maibabahagi ang kwento ni Benjamin base sa sinabi ng ama nito na si Mang Rico. Ang tanging paraan lamang na naiisip niya ay ang pagkuha ng bidyo niya habang isinisiwalat niya ang kanyang mga nalaman. Sa ganitong paraan mapapanood ng marami pati na rin ng ibang mga estasyon ng radyo at media ang kanyang ibabahagi.

Kinuha niya ang kanyang telepono at nagsimula na siyang bidyuhan ang kanyang sarili.

Kinuha niya ang kanyang telepono at nagsimula na siyang bidyuhan ang kanyang sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ako si Matilda Reyes, dating tagapagbalita sa isang estasyon ng radyo. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ko ito ginagawa. Gusto ko lamang po na malaman ninyo ang totoo. Gusto kong ibahagi sainyo ang kwento ng isang preso sa isang sikat na bilibid. Ang kwento at katotohanan tungkol kay Benjamin Ramos."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind the bars: Benjamin RamosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon