Level10

173 3 0
                                    

Level10 wicked sick

Napabuntong hininga muna si Eugene bago tuluyang tumungo sa rooftop.

Naka-receive siya ng text message galing kay Sanchi na magkita sila doon.

Simula pa kanina sa room ay hindi sila nagkikibuan ni Sanchi.. nahuhulaan na niya kung anong mangyayari.

Pagbukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng malakas na ihip ng hangin. Tahimik. Maaliwalas ang rooftop.

Natagpuan niya si Sanchi sa gilid, nakatingin sa mga nagtataasang building.

"A-ayuma.." nag-aalangang tawag ni Eugene. parang natatakot siyang lapitan ang babae baka bigla na lang siyang sampalin.

Hindi pa rin lumilingon si Sanchi kaya nilapitan na niya..

/wind blowing/

Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

Gustong mag sorry ni Eugene pero hindi nya magawa. Kinakabahan siya sa aura ni Sanchi. Walang reaksyon ang mukha but he's certain that there is something wrong..lalo pa't napaikot niya talaga si Sanchi sa nagawa niyang patibong.

Ininjan niya si Sanchi sa date nila.

"may gusto lang akong malaman" sa wakas ay nagsalita na rin si Sanchi. nakatingin pa rin siya sa kawalan.

Bumilis ang tibok ng puso ni Eugene..naninikip ang dibdib niya..

suspense kasi magsalita si Sanchi... ang akala niya raratratan siya o bubugbugin siya ni Sanchi pero mas ok na sana yun brutal kesa naman sa ganito ang pinapakita nya. Nakakakakaba.

"nung sinabi mong gusto mo ako.. parte lang ba yun ng plano?"

sa bawat bigkas ni Sanchi ng mga salitang iyon ay may bigat sa puso siyang naramdaman.

/silence/

Napako sa kinatatayuan si Eugene.

"ginawa mo ba yun dahil gusto mo akong gantihan?"

"Oo." sagot ni Eugene. Totoong sang-ayon sa plano ang lahat dahil sa kagustuhan niyang gumanti,ngunit may gusto pa sana syang ipaliwang subalit naduduwag syang magsalita.

Umiling si Sanchi.

Tss! alam ko naman ang isasagot niya.Ba't ko pa ba tinanong yun..

sa isip ni Sanchi.hindi na siya muling nagsalita at nakayukong lumisan.

Naiwan namang nakatayo si Eugene.

Kinatok katok niya ang ulo habang nakapikit.

Oo Sanchi, parte lang yun ng plano ko ang kunin ang loob mo para pumayag kang makipag date.Gusto ko lang naman rumesbak sa ginawa mong pang injan dati kaya..hayssh! Sh*t! pero nung sinabi kong gusto kita seryoso ako nun Sanchi!

Pagsisisi. 

Ang totoong dahilan kung bakit nagtransfer dito sa Gaikuin high si Eugene Kodo ay para balikan ang kaniyang mortal enemy na hindi niya makalimutan nung 10 years old palang siya. He conquered the game world and became the best gamer of a strong & solid team as he promised to that girl! at ngayong naging malakas na siya, isa na lang ang kokompleto para masabi nyang naging magaling na nga sya..at yun ay kapag matalo na nya ang mortal na kaaway na minsan siyang minaliit.

Pina-research niya ang batang iyon sa Butler niya at napag-alaman nilang sa Gaikuin high nag aaral ang hinahanap niya at Sanchi Ayuma ang pangalan.

Sa firstday of school pa lamang ay hindi na naging mahirap para kay Eugene ang hanapin ang mortal enemy niya dahil mismo ang langit ang kusang gumawa ng paraan at naging magka seatmate pa sila.

I'm inlove with a DOTA GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon