DMC 4

1.2K 45 7
                                    

Chapter 4

"Oy may Physical Examination kayo mamaya. Tapos field trip, projects, at most enjoyably beautiful of all, Periodical Test." nag-awww kami nung sinabi yun ng adviser namin saamin.

"Ay jusko. Physical Examination!" sigaw ko sa sarili ko(well sinigaw ko ng pabulong, hihi)

"Ano drama mo teh today?" kinalabit ako ni Janell, parang kaibigan ko nadin dahil ang fc niya.

"Walaaaa...." nagbuntong hininga ako, "Well. actually ayokong mag Phy-Ex. lalo na ung urine exam nayan Huhu."

"So? Anong problema doon?" kinunatan niya ako "Madali lang naman i-shoot ah?"

Tsk, madaling i-shoot dahil mapayat ka. pisain kita dyan e. Yung urine exam nayun na ilalagay sa isang test tube ang sample ng urine mo para mapaexamin kung may tinatago kang kababalaghang sakit like MersCov sa katawan, che. Lusog lusog ko naman.

"Edi ikaw na" umalis na ako sa classroom paderetsong lobby para sa x-ray test at mauna na sa exam. Hindi ko na makita dito si Denria eh.

x x

Habang naglalakad ako para pumunta sa x-ray test, nakita ko dun si Denria na papunta narin sa lobby kaya nilapitan ko na siya.

"Hi babae! Bakit? Anong nililingon lingon mo diyan?" Lumingon narin ako habang hinahanap yung kung ano bang nililingunan ng babaeng 'to.

"Oh Angelica? Nauna ka sa test niyo? Sabay tayo? Kyaaaah!" Sabay talon siya ng talon hawak kamay ko na para bang nanalo na ng isang milyon sa showtime,

"Haha gagita! Syempre mauna na ko, ano ba unahin ko? Yung drug test o urine?" Binatukan ako ni Denria,

"Baliw! Anong drug test? E blood test lang yun diba? Sa daliri lang?"

"Oo nga eh, pero ayoko. Kinikilabutan ako." Iniba ko ang topic sakanya, "Hoy, sino yung nililingunan mo kanina? Si Tyron b-"

"Shhhh!! Impaktang kang bruha ka! Kakatayin kita ng buhay pag may nakarinig sayo!" Tinakpan niya yung bibig ko na halos pumasok na yung kamay niya sa bunganga ko putspa! Muntikan ko na tuloy malasahan yung maalat niyang kamay!

"Pusang gala ka naman Den, siya nga ba?" Binigyan ko siya ng 'tell-me-the-truth' look, binigyan naman niya ko ng 'obvious-naman-diba' look.

"Haha you got me." Bigla niyang binabangga ang bewang kong puno ng bilbil, yumuyugyog tuloy tyan ko enebe. "Nakita ko kasi yung klase nila na napadaan sa clinic, kaya baka nandun narin si Tyronlabs, at ayieeee! Baka yung si Timothychuchubels mo nandun dIn! Dali, tulungan mo kong hanapin yung dalawa!"

"Haha lul, si Tyron lang talaga target mo tsaka wala akong care kung nasaan si Timothy whatevs." Pero truth to be told, alam ko namang nasa puso ko siya ahihi. Dejoke lang nakita ko na siyang pumadpad sa faculty dahil inutusan ni adviser kaya bahala na 'tong babaeng to na maghanap sa labs niya. Nauna na kong pumila sa lobby.

"Hala ka wait lang!" sabi niya at sumabay narin saakin, nakita kong napadaan si Johnny sa lobby papuntang clinic na ata para maikonsulta sa doctor, the second stage ng physical exam. Napalingon siya sakin at kumindat, I rolled my eyes.

x x

Nauna akong pumunta sa x-ray test, required magtanggal ng uniform at hanggang bra lang, buti nalang at puro babaeng doktor naman ang nasa loob. Next comes consultation kay dok, asthma lang naman ang problema ko sa katawan, salamat at hindi ako naging obess!

Kaso punyetita, yung timbangan! Kinakabahan ako, as in SOBRANG kinakabahan, bakit nga ba? Hindi sa kinakabahan ako sa timbang ko(pero medyo nga talaga) kundi dahil si Timothy lang naman ang magtatake down sa papel mo kung ilan ang timbang mo kaya talagang okay na okay lang ako. Sobrang okay.

AS IF. Ipagmalaki ko ba naman kung gaano ako kabigat sa lalaking crush ko? DIBA? Sinong sira ulong hindi kakabahan lalo na't mataba ka at malaman pa ng crush mo kung ilan ang timbang mo at maturn off pa sayo ng bongga? DIBA? Sinikap kong magstretch muna ng kamay at paa bago matapos tong girl na 'to sa harap ko na matignan ang timbang niya, then nung turn ko na, napalunok ako dahil pakiramdam ko bumibilis yung takbo ng puso ko dahil nakatingin na sakin ngayon si Timothy tapos ngumiti siya sakin na para bang nakakita siya ng dyosa, at ako yun.

Hahaha pucha. kinakabahan lang ako kaya nagagawa ko pang magbiro.

"Hakbang ka na." malumanay niyang sinabi, grabe yung ngiti netong lokong 'to nakakatakot, yung feeling na pag inutusan ka niyang kunin yung bituin sa langit parang alam mong hindi mo naman talaga kaya, pero sa simpleng ngiti lang niya baka pag-isipan mo talaga ang paraan para makuha yun.

"Okay." tipid kong sabi at humakbang na. sinubukan ko pa ngang iangat 'tong paa ko para lang bumawas man lang kahit mga dalawa o tatlo o sampu na talagang timbang(okey O.A. na. pero umaasa talaga akong sampu na kagad ang mabawas sa simpleng pag-angat lang ng paa mo) at hindi mapahiya sa kanya, tapos nung nakita ko na yung resulta, napahinga ako ng malalim.

"Okay lang yan Angelica, cute mo parin naman." pamfaflatter niya, leche ka Timothy tumigil tigil ka nga sa pambobola sakin, cute daw? Ang ganda ko kaya. Tss.

Namula akong lumayas ng clinic pagtapos kong timambang, hinintay kong umalis si Denria at pinagkukukurot niya ang bewang ko bigla,

"Ayieeeee! Pusang gala Angelica! Ano yung naririnig rinig ko? Cute daw oh! Leche ang sweet niyo talaga." pang-aasar niya sakin at pilit ko namang pinipigilan ang sarili ko na sakalin tong babaeng 'to.. sa sobrang kilig! "Walangya ka, pinipigilan ko lang yung sarili ko na asarin ka dahil maraming tao!"

"Pinipigilan ko nga rin ang sarili ko ngayon na baliin 'yang kamay mo sa kakakiliti sakin dahil maraming tao dito, tumigil ka na nga!"

Tapos naparating na kami sa harap ng canteen para sa blood test, ewan ko ba kung bakit nandito pa yung location e ang dami daming tao na kumakain tapos pagkalabas nila sa canteen sa kakakain biglang babalandra nalang ang blood test stall na pinaliligiran ng dugo? Hustisya ba yun? O. A. na ba ako?

Nung una nagrereklamo pa ako sa nurse na naghahandle ng needle na ituturok sa daliri ko, ginagawa ko lang yun dahil gusto kong matagalan pa ang test na 'to before 'yung urine puchabels na 'yun.

"'Yan tapos na, ang likot likot mo naman." mahinang sabi ng nurse na halatang napikon sa ginawa ko, hinimas ko naman yung middle finger ko kung saan ako tinurukan.

Last na yung urine exam namin, nangyari nanaman ang nangyari last year, tatlong tulo lang ang naipon sa test tube ko, habang si Denria ay napuno 'yung sakanya, kainis.

Ni-scoop ko nalang yung tubig sa kubeta, bahala na kung naging puti na yung laman ng test tube ko basta mapasa na at matapos na 'tong exam na 'to!

Pagkatapos ng lahat ay bumalik na kami sa classroom dala dala ang Physical information sheet para ipasa kay Ma'am Reyes na homeroom teacher namin, tapos nakita ko nalang si Johnny na pumasok sa room. Lumapit siya paderetso sa pwesto namin at inakbayan si Denria.

"Kamusta Physical Exam? Anong nangyari sayo tabachoy? Na-shoot mo na sa wakas? Hahaha!" biro niya sakin at tinignan ko lang siya ng masama. sumama rin ang tingin niya sakin, "Eto oh, kakabigay ko palang ng pasalubong nung isang araw bad mood na agad sakin."

"Walang utang na loob diba Den?" bulong ni Johnny sa tenga ni Denria kahit rinig na rinig ko naman talaga.

"Hahaha ayan kasi Angelica, nagtatampo na yung boyfie mo oh, lambingin mo naman." biro ni Denria saamin at pareho kaming nagreact ni Johnny.

"ANO DAW? AKO? SIYA? KAME? US? TOGETHER? BOYFRIEND? URUR." pareho naming banggit ni JB, kaso nagdagdag lang siya ng tabachoy pagtapos ng US. Tss.

"Sus, indenial pa kayo, kitang kita ko naman sa mga mata niyo na patay kayo sa isa't isa hahaha!" tinaboy ni Denria ang kamay ni Johnny at tinulak siya papunta saakin, agad ko naman siyang hinarangan at hinablot niya ang kamay ko para hindi mahulog,

"Ayieee holding hands!" pang-aasar ni Denria, hinagisan namin ni Johnny ng libro yung babaeng 'yun dahil muntikan na kami madisgrasya sakanya, ano nanaman ba ang topak ng babaeng 'to at napag-isipan niya kaming asarin?

"Baliw yun." bulong ni Johnny saakin,

"Hahaha 'di ba obvious?" pagsang-ayon ko sakanya at pareho kaming naghi five.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Ms. ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon